CAMILLA Pinili ko ang maligo ng makaalis si Jared. Tutal naman hubad na ako kaya pumasok na lang ako sa shower room at nagbabad gamit ang maligamgam na tubig. Nakatulong ito para mawala ang sakit ng ulo ko at kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam ko. Hindi na ulit bumalik si Jared sa silid namin at ewan kung saan na nagpunta. Walang gana na bumaba ako at agad na sinalubong ni Elaine ng makita ako. "Good morning po, Ma'am Camilla," malaki ang ngiti na bati nito sa akin. "Good morning," tipid na sagot ko. Siguro napansin nito na hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa matamlay na kilos ko kaya tinanong lang ako nito kung gusto ko na bang kumain kaya tumango ako. Gusto ko sanang magtanong kung nasaan ang magaling niyang amo dahil bigla na lang nawala pero nagpigil ako. Mabuti na ang