CAMILLA Exactly four o'clock in the morning ng lumapag ang eroplanong sinakyan namin dito sa NAIA. Hindi rin kami nagtagal sa immigration at agad nakalabas ng paliparan matapos kunin ng mga kasama namin ang mga bagaheng dala namin at mabilis na nakalabas via vip access. Sinundo kami ng driver niya at may kasamang mga bodyguard. Mahigpit talaga ang security measures lagi kung nasaan si Jared. Siguro kailangan ko ng masanay lalo na at ganito ang lifestyle niya. "Tired?" tanong ni Jared ng makasakay kami sa sasakyan at nakaupo na sa backseat. Umiling ako sabay sagot ng 'no' dahil nahiga lang naman ako sa loob ng private room niya katabi siya sa buong byahe at bumangon ng nag-announce na ang piloto na approching na raw kami sa Maynila kaya bumalik kami sa upuan at nag-seat belt. Halos