Chapter 40

1928 Words

CAMILLA Natapos ang maghapon na wala akong ibang ginawa kung 'di ang kumain at manood. Hindi ko na rin kinulit ang mga kasambahay dahil nakita ko namang abala sila kaya hinayaan kong gawin nila ang mga gawaing bahay. Ayaw ko naman kasing mapagalitan sila ni Jared ng dahil sa akin. Seryoso pa naman ang lalaking 'yon pagdating sa mga tauhan niya. Ilang beses ko na siyang nakita kung paano umasta sa harap ng mga ito kaya hindi na ako nagtataka na takot silang lahat sa kan'ya. Late na ako nag-tanghalian dahil pakiramdam ko busog pa ako. Mabigat kasi sa t'yan ang kanin at nakarami ako ng kain kaninang breakfast namin dahil naging magana ako lalo na masaya palang kasama ang mga kasambahay ni Jared sa kusina. Nang una, pormal silang lahat hanggang sa nakakita ako ng pritong daing tapos may t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD