Soriya's POV Wala paring kaalam-alam ang organisasyon tungkol sa katotohanang alam na ni Spade ang totoong ako. So, here I am, letting Valine do the prosthetics and minimal make-up for me. At hanggang ngayon, patuloy ko paring ginagaw ang misyong ito. "She's going to a ball, siyempre kailangan niyang mag make-up kahit may prostethics," wika ni Valine habang patuloy parin sa pagmamaniobra ng mukha ko. "Yes, I know, pero huwag mo masyadong galingan. Soriya needs to stay low, tsaka hindi siya pwedeng mapansin ni Spade," wika naman ni Psalm habang nakahalukipkip sa gilid at nakatingin sa aming dalawa ni Valine. "With Soriya's ugly prosthetics, Spade couldn't even notice her slight changes in make-up. Huwag ka ngang masyadong praning diyan, Psalm, konting make-up lang 'to, ano ka ba."