Third Person Point Of View Hindi na hinintay pa ni Krystal na makatawag si Christof ng mga aalalay kay Ryza. Nakasimangot na umalis ang dalaga at dumeretso sa Locker Room. Pabalandra niyang isinara ang pinto at binuksan ang locker niya. Kinuha ang kanyang bag at tiningnan ang kanyang Cellphone. May mga misscall do'n mula kay Aziza, agad niya itong tinext na siya nalang ang tatawag mamaya kapag tapos na ang trabaho niya at nakauwi na siya... Inaasahan niya ang misscall nito dahil sa ilang dukumentong kailangan niya. Medyo ok na ang pakiramdam niya. Nabawasan kahit papano ang sobrang hilo na nararamdaman ng dalaga. Inis na bumuntong-hininga siya. Hindi maiwasan ni Krystal isipin kung ano ang nangyayari ngayon kila Ryza at Christof. Dahil deretso lang naman ang pasilyo, alam niyang matat