Hindi ako mapakali. Ilang beses ko na ding pinigilan ang sarili kong sundan sila Henry at Krystal. Inis ang tanging nararamdaman ko at aminado akong hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yon. Ilang taon ko na rin iniwasan ang sigarilyo, pero duda ako ngayong gabi sa sarili ko, lalo na ng makita ko ang pakete ng sigarilyo sa ibabaw ng lamesa. Sa kabilang banda, naisip ko na may advantage din ang pag-alis ni Henry upang maiiwas si Krystal sa mga kamay nito. Iniisip ko nalang na magpapanagpo sila ni Mila sa hallway, alam kong matagal ng may gusto ang matandang babae kay Henry kaya naman siya ang naisipan kong itext upang papuntahin doon. Ginamit ko na rin ang sitwasyon para magawa ang plano ko. Sinalinan ko ang shot glass ni Henry ng alak, hanggang kalahati lang ang nilagay ko at inihalo d