KABANATA 15

1138 Words

Napakaliwanag ng paligid, kulay luntian, puno ng iba't-ibang uri ng halaman at bulaklak. Napakabango din ng simoy ng hangin at kulay asul ang mga ulap. Parang napakaperpekto ng lugar na ito. Luminga ako sa kapaligiran, nilanghap at pinuno ko ang dibdib ko ang napakasariwang hangin. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Marahan akong naglakad sa pagitan ng iba't-ibang kulay ng bulaklak habang hinayaan ang mga kamay kong dumampi sa talutot ng mga ito. Unti-unti namang nabubuo ang imahe ng isang babaeng masayang tumatakbo, nauuna siya sa akin at dahan dahan ko rin naririnig ang malulutong niyang halakhak. Napakasarap pakinggan! Nakasuot ito ng puting bestida. Tanging ang likurang bahagi ng katawan niya lamang ang nakikita ko pero sigurado akong kilala ko ito, pamilyar ang kabuuan niya sa akin..

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD