Krystal Point Of View Late na ko nakarating sa Happy Ending Bar. Medyo late na din kasi natapos ang meeting namin, dapat alas kwatro ay nasa bar na ako at nag-aayos ng sarili. Pasado alas singko na ko dumating at gaya ng inaasahan ko, nakabusangot na mukha ni Mila ang bumungad sa akin pagpasok ko sa locker room. Naroon ito at tila inaabangan talaga ang pagdating ko… "Nagpi-feeling espesyal ka ba?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa 'kin. Pigil na pigil ang galit nito.. "Pasensya na, Miss Mila, na-late kasi ako ng bangon," paliwanag ko sa kanya.. "Sa susunod mag-alarm ka!" Pasigaw na sabi niya bago mabilis na lumabas at ibinalibag ang pinto. Napansin kong nakatuon ang atensyon ng ilang kasamahan ko sa akin, "Masungit talaga 'yon." Sabi ng isang babaeng balingkinitan ang katawan