Dahil sa sobrang inis ko kay Vermilion na isang linggo na hindi nagparamdam sa akin, pumunta ako sa club kung saan ang usual naming pinupuntahan ng aking kaibigan. Habang nagdi-dinner kami kanina ng aking kapatid bigla na lang siyang nag-message sa akin. He is inviting me to his club at ipapasundo niya ako sa kanyang driver. Ha! Matapos siyang hindi magparamdam sa akin at ang huling message lang niya ay panty ko, sa tingin niya papayag ako kaagad? Nope! Mahilig man akong lumandi sa mga lalake pero hindi ako easy girl. Maserte nga ang isang guy na napapansin ko. That’s why they are so crazy for me! I do like him pero hindi niya ako madidiktahan sa lahat ng mga gagawin ko. Aba! Manuyo naman siya! If he wants me to go to his club, siya mismo ang sumundo sa akin at hindi ang driver niya. Wal