“Mmmm… Mmmm…” ungol niya habang mapusok silng naghahalikan ng isang lalake na nakilala lang niya kanina sa kanilang first class. He is a big man, tan skin, tall with a charming smile on his face. Pagpasok ko pa lang sa classroom kanina, napansin ko na agad siya at hindi ko maiwasan na kumaway sa kanya. Tatabi sana ako sa kanya, kaya lang hinila ako ng aking kapatid at magkakatabi kaming umupo. Matapos ang klase, lumakad na ang dalawa sa sarili nilang subjects habang ako ay may one hour na break. Akalain mo na gano’n din siya, we talk and flirted sa cafe na nandito sa campus then we went to a hidden area in the building just to make out. I can feel his hand caressing my thighs. Isang lalake na naman ang nabihag sa aking kamandag. “Mmmm… Sandali lang… You’re going way too fast.” bulong kong sabi sa kanya. Napaangat ang ulo ko nang halikan niya ang aking leeg. Bago pa saan mapunta ang landian namin, bahagya ko siyang tinulak at ngumiti ako sa kanya.
“Bibitinin mo talaga?” nakangiti niyang sabi, pero may halong inis din.
“I told you, masyado kang nagmamadali. Kakakilala pa lang natin, and a coffee will not earn you a piece of me.”
“Anong gusto mo? A date?” sabay hapit niya sa aking bewang. Napatawa naman ako ng konti at humiwalay ako sa kanya.
“Darling, I don’t do dates…” malandi kong sabi at tinalikuran ko siya. “See you around!” pagkasabi nito, iniwan ko na siya. Naglakad ako papunta sa cafeteria kung saan nakita ko doon ang aking kapatid at si Clover. She was also flirting with a man at nagbibigayan sila ng numbers. Napatawa lang naman ako sa annoyed face ng aking kapatid. Lumapit ako sa kanila at umupo ako sa tabi ni Rouge na bahagya kong tinulak.
“Kaya ayokong pumupunta rito, masyadong maingay at magulo.” sabi niya sa akin.
“Ang arte naman, eh, mas gusto mo kaya ang pagkain rito. Very authentic gaya nga ng sabi mo, sa laki ba naman ng binabayad natin sa chef.”
“Yeah, but the cafeteria needs order. This is a place to eat at, hindi para makapaglandian, magyabangan at chismisan. Parang nasa palengke lang tayo. We are not even high school students anymore.”
“Konting tiis na lang, dear sister, ga-graduate na tayo soon.” malambing kong sabi sa kanya. Bigla na lang tumahimik ang lahat nang pumasok ang ilang members ng basketball team at cheerleaders na kasama nila. Pumwesto sila sa kanilang usual spot at sumimangot naman ang aking mukha. Ewan ko ba kung bakit tinuturing silang royalty ng school, dahil lang ba sa kanilang pagiging champion every year? Well, pinagmamalaki rin naman sila sa school even our parents are proud of them. Specially sa tinuturing nilang King, si Xanthe Beige, captain of the
basketball team and the ultimate crush of my twin sister.
Well, hindi ko rin naman masisisi ang aking kapatid. He’s not just a normal guy na magaling lang sa sports na kanyang nilalaro, he’s smart, he’s athletic, high IQ sa plays and a Dean’s Lister. Lahat ng gusto sa isang lalake ni Rouge ay nasa kanya na. The problem is, hindi naman niya napapansin ang ganda ng aking kapatid and a big womanizer. Hindi na ako magugulat kung ang halos female population ng babae rito ay nakuha na niya. Except me of course! Virgin pa ang kapatid ko at si Clover ay hindi mahilig sa athletic boys. He’s personality is trash, a big red flag na ayaw kong malapitan ang aking kapatid. She’s just too pure at ako mismo ang magliligtas sa kanya ang hurt na naidudulot ng love.
“Oh, ayan, tissue… Wipe that drool off from your lips.” sabi ko kay Rouge at para naman siyang nagising na nakatitig sa bwisit na lalakeng ‘yon. “Tapatin mo nga ako… Siya ba ang gusto mo na maging first mo? Ang makakuha ng virgin offering mo?” mahina kong sabi sa kanya at pinigil naman ni Clover ang tawa nito. Namula ng husto ang mukha ng aking kapatid hanggang tenga at hindi agad siya nakasagot.
“Seriously, Rouge? He’s gorgeous, pero sa talino mong yan, sana naisip mo na sasaktan ka lang niya. Believe us na marami ng experience sa ganyan. Yo’ng mga trope na katulad ng ganyan. “ napakunot noo naman siya.
“Anong trope ang pinagsasasabi mo?” taka niyang sabi at inakbayan ko naman siya.
“Yo know a nerdy girl who has a long time crush with a popular, womanizing guy and in some instances kinailangan niya ng tulong mo. Then you guys tease, flirt, and then you give your first to him, then he dumped you the next day. Tapos pag naisipan mo na pumunta sa isang frat party dahil niyaya ka ni Clover, magkikita kayo at ipapahiya ka niya sa lahat and tell everyone that you’re a cold fish in bed. Tapos magagalit ka, iiyak ka, and I will say I told you so! That kind of trope at ayokong mangyari ‘yon sa’yo. Kaya please, please, huwag siya.” napakurap naman siya at malakas niya akong tinulak.
“You really made this up para lang itigil ko na ang pagkagusto sa kanya, gano’n ba? Or you read too much YA books kaya kung ano-ano ng naiisip mo. Kung may magsasabi ng I told you so, ako ‘yon. I was telling you that noong obsessed ka na magka-boyfriend at magkaroon ng happy ever after.”
“And I am telling you right now para hindi kita masabihan ng gano’n. I know he’s the ideal type of guy, but he changes women like he changes his clothes. Sana dapuan siya ng malalang s****l disease, at huwag na huwag mo siyang aalagaan.” napa-roll eyes lang naman siya.
“Baka sarili mo ang tinutukoy mo, Miss Maleteaser…” sabi ng isang boses sa likod ko. Lumingon ako at hind na ako nagulat nang makita ko si Xanthe at nakataas ang kanyang kilay. Ang mas kinaiinisan ko pa ay lagi akong kinukulit ng lalakeng ‘to. I never even flirt with him at lagi na lang siyang sumusulpot para inisin ako.
“I am not talking to you, Xanthe manwhore.” irita kong sabi sa kanya. “I’ll go get some food.” paalam ko at luminya na ako. Huminga ako ng malalim nang sumunod ang lalake at kumuha rin ng tray. Naglaway ako nang maamoy at makita ang food na nasa harapan ko. Naglagay ako sa aking tray na hindi pinapansin si Xanthe.
“Should you be eating a lot like that?” sabi niya sa akin at napa-roll eyes naman ako.
“Alam mo kung may gusto ka sa’kin, sabihin mo na lang. Xanthe, hindi kita type, hindi ako makikipag-flirt sa’yo at hindi kita gusto. So please, don’t bother me, and my sister.”
“Ang kapal din naman talaga ng mukha mo. I will never like a girl like you, naiirita lang ako pag nakikita kita.”
“Well, magtiis ka, dahil ang pamilya namin ang owner ng university. Konting tiis na lang naman, eh, Mister MVP, aalis na tayong lahat at hindi na magkikita pa after a year. Kaya huwag na nating bwisitin ang isa’t-isa at huwag na huwag kang lalapit sa kapatid ko. If I see you targeting her, gagawa ako ng paraan to strip you out from your position in this school. You may be the King but I am still the Queen. You get that?” I saw his jaw clench. Ngumiti lang ako sa kanya at tinalikuran ko na siya. Bumalik kami sa table namin at nakayuko lang si Rouge na pinagtaka ko.
“Anong sinabi sa’yo ni Xanthe? Niyaya ka na ba niya na mag-date?” tanong niya sa akin at napakurap naman ako.
“Ano bang sinasabi mo, Rouge? You know I don’t do dates and I hate that guy. Nakikita ko sa kanya ang mga lalakeng nanakit sa akin noon. And I don’t want that for you.”
“How could you judge him like that kung hindi mo pa siya nakikilala ng mabuti, Rouxe. He may play with girls but he is also nice. He is taking care of his team well at hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. I do have a crush on him, pero alam ko na hindi siya magkakagusto sa akin. We may be twins, but I am not like you. Obviously, he really likes you.”
“That’s why I really hate him.” mahina kong sabi. “Stop that crushing on him at baka umabot pa sa kung ano yan. He can use you, he can hurt you big time.” matalim niya akong tinignan at tinaaasan ko lang naman siya.
“I am not that popular like you, kaya huwag mo kong pigilan kung sino man na lalake ang magusutuhan ko. It’s easy for you to say because you play with guys. And he is not part of a trope.” inis niyang sabi at tumayo. Nag-walkout ang kaing kapatid at sinundan ko lang naman siya ng tingin. Hindi ko alam kung anong kinakagalit niya, I am just looking out for her, masama ba ‘yon?
“Alam mo, hayaan mo na lang siya. Malaki na siya at may sariling utak.” sabi naman ni Clover sa akin. “Let her experience the hurt para alam niya ang naramdaman natin noong sinaktan rin tayo ‘no.”
“My sister is so fragile, Clover. She looks tough on the outside pero natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya pag sinaktan ng first love niya. I mean that’s freaking Xanthe, ayoko na mapahiya siya sa lahat. I just hope she understands.”
“Besh, I’m sure na nasasaktan na ‘yon dahil ang gusto ng first love niya ay ikaw.” malakas naman akong bumuntong hininga at nawalan na ako ng ganang kumain. “Kahit inaasar ka pa ng taong ‘yon obvious naman that he really wants you. Hindi na ko manghuhula what’s going on his mind pag nakikita ka niya and he suppress his feelings with anger. He is so hot by the way, patulan mo na lang kaya?”
“Nope! Not interested…” umiling lang naman siya. “Naisip ko lang, kung pera ang habol sa akin ng mga lalakeng nakikilala ko, pumatol na lang kaya ako sa mas mayaman at mas matanda sa akin? Is there a club for that? Daddy billionaire club, ganern?” naibuga ni Clover ang kanyang iniinom at agad ko naman siyang dinaluhan. “Are you okay?”
“Langya ka! Huwag mo akong ginugulat ng gano’n!” nagtataka naman akong tumingin sa kanya. “Daddy billionaire club! I wish!” nauubo niyang sabi tapos ay seryoso niya akong tinignan. “Pero may alam ako na club where you can meet rich and mature guys. Want to check it out?”