Ilang araw na hindi siya pinansin ng kanyang kapatid after ng konting pagtatalo nila sa cafeteria. I maybe went out of line dahil alam ng kapatid ko na may gusto sa akin ang nagugustuhan niyang lalake. But it’s not my fault, kitang-kita naman ni Xanthe kung anong klase akong babae, I am the girl version of him, kaya hindi ko malaman kung bakit hindi niya ako gusto. Hinayaan ko na muna si Rouge para bigyan ko siya ng space. Pero weekend na at may plano na naman kaming lumabas ni Clover. That girl will take me to an exclusive club na mukhang gustong-gusto niyang puntahan ulit. Mukhang ang lalakeng nakilala niya noon sa madalas naming pinupuntahan na club ay dinala siya doon.
She said that rich men are there at naisip ko naman na mayang lalake na lang ang patulan ko para hindi na ako gamitin because of money. Gano’n naman kasi ang mga naging past boyfriends ko, they used my status and my money at pinagtawanan ako ng mga tao dahil doon. Hindi lang once kundi twice dahil masyado pa akong inosente. I was a hopeless romantic na umaasa sa isang happily ever after. That girl is gone now at hinding-hindi na babalik pa!
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ng aking kapatid at binuksan ko ang pinto. Natigilan ako nang makita ko siya na namimili ng damit. She's fresh out from the shower at it;s a surprised dahil nakakulong lang sa bahay ang kapatid ko especially pag weekends, unless niyayaya ko siyang kumain o mag-bonding kami sa labas.
“Hey… You’re going somewhere?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at bahagya siyang ngumiti.
“I am going to meet someone. Tama ka, I will not waste away na nagkukulong lang dito sa bahay. It’s not a date but a meeting for our planned business.” napangiti rin ako.
“No need to explain, gawin mo ang gusto mo, basta mag-iingat ka lang. Uhm, I want to apologize sa nangyari sa cafeteria. I want what's best for you, Rouge, gaya rin ng gusto mo para sa akin. Xanthe is like my boy version, I don't want him to hurt you.”
“Yeah, I know… I think it’s time na tapusin na talaga ang pagkagusto ko sa kanya. I’m sorry too sa mga sinabi ko sa’yo. You’re a great sister at huwag mong ibaba ang sarili mo sa pagiging malandi.” napatawa naman ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
“You know what, hindi na ako makikialam sa mga lalakeng magugustuhan mo. But if you need someone to talk to or kung may problema, alam mo naman na nandito lang ako.” hinagod niya ang aking likod at naghiwalay na kami.
“Tama na nga ang drama na ‘to. Maghanda ka na rin at may pupuntahan pa kayo ni Clover. Don’t get any diseases kung anuman ang gagawin niyo, make sure he has protection.” napatili siya nang pinalo ko ang kanyang asscheek at patakbo akong lumabas sa kanyang kwarto. Bumalik ako sa aking room at nag-shower na rin. After kong maligo, pumasok ako sa aking walk in closet at kinuha ko ang isang black bandage dress na may cutout sa gilid at hanggang mid thigh ang laylayan nito. I paired it with some black heels and a silver sling clutch bag. I just went for a simple makeup but with deep, dark red lipstick at nilugay ko na lang ang mahaba kong black, silky hair.
Nagtaka ako dahil hindi pa tapos na maghanda ang aking kapatid and she said na masyado pang maaga. Well, kami naman ni Clover kasi ay magkikita sa isang hotel restaurant where we can eat dinner tapos ay diretso na kami sa club. Nagpaalam na ako sa kanya at nauna na akong umalis. Sumakay ako sa aking red mini cooper at nag-drive papunta sa hotel. Pumasok ako sa hotel with so much poise at napansin ko kaagad na napapatingin ang mga taong nadadaanan ko. Pumasok ako sa sikat na french restaurant at nakita ko kaagad si Clover sa isang booth. Dinala ako ng receptionist doon at pinaghila pa ako ng upuan. May lumapit na waiter na agad akong sinalinan ng champagne sa glass flute at nagpasalamat ako sa kanya.
“My gosh! I like your dress! Bagay na bagay sa pupuntahan natin!” tuwa niyang sabi sa akin.
“Ano ba talaga ang exclusive club na yan? Uy, Clover, ah, baka illegal ang pupuntahan natin. Hindi bagay sa kulungan ang mala-dyosa kong ganda!” sabi ko sa kanya at pinandilatan niya naman ako ng mga mata.
“Gaga! Exclusive club nga di’ba?! Elites lang ang nakakapasok doon, our kind o mas mayaman pa sa atin. Kung naghahanap ka ng daddy billionaire marami doon. But it’s kind of different vibe kaya dikit ka lang sa akin, okay? I will meet my guy there na nakilala ko last week. Siya ang nag-introduce ng club na ‘yon sa akin and I think magugustuhan mo naman. I think ito na ang kulang na hinahanap mo sa buhay mo, besh. Trust me on this one.”
“Kahit naman mas mayaman pa sila sa akin, how can I be so sure na hindi manloloko ang daddy billionaire guy na maaaring makilala ko? Baka naman may asawa na o di kaya marami siyang flavor of the month na babae. Hindi ko keri, dapat ako lang ay may flavor of the month.”
“Ano ka ba, besh, naging bobo ka na ba sa pagiging malandi mo? Alangan namang sunggab ka kaagad, syempre kilalanin mo muna yong tao. Do you really want to go or you don’t feel like it?”
bumuntong hininga naman ako at uminom ng champagne.
“I don’t know… Lalabas si Rouge ngayon at may ka-meet daw siya.” natigilan naman ito at hindi makapaniwala ang kanyang mukha. “I was surprised of course but also happy at the same time. Bati na rin kami at hindi niya daw sasayangin ang buhay niya sa pagkakagusto kay Xanthe. Mas nauna akong umalis dahil ang kulit mo naman kasi.”
“Well, hindi mo naman kasi sinabi. We can stalk your twin sister or mas mabuting hayaan na lang natin siya. Matanda na ‘yon at alam na ang ginagawa. Besides, we can’t pass this up dahil hindi sino-sino lang ang nakakapasok sa club.”
“If you waste my time on this one, mananagot ka sa akin.” matamis lang siyang ngumiti at um-order na kami ng dinner. It was 10PM nang pumunta na kami sa club na sinasabi niya. Wala siyang names sa harapan, it’s only symbol of some sort, a single long stemmed rose with chains that has cuffs around it. It was intriguing pero hindi ko na lang pinansin, ni walang pila sa harapan which was normal for nightclubs. Mukhang mga elites lang talaga ang nakakapasok. Medyo nagulat ako sa laki ng bouncer na nasa entrance at nang sabihin ni Clover ang kanyang pangalan, may tinignan ito sa hawak nitong tablet, tapos ay pinapasok na kami. There was a reception area at binigyan kami ng white bracelets. “What’s this for?” tanong ko sa kanya.
“Uhm, pwedeng mag-explain na lang ako sa’yo pag nakapasok na tayo?” sabi niya at lumakad siya sa hallway that was black painted with red lights. Sinundan ko lang naman siya and I was nervous now. Naku, pag ito ay den ng mga drug lords or mafia mapapatay ko talaga ang bestfriend ko! Ang daming pumapasok na sa isip ko habang naglalakad lang kami at wala siyang sinasabi. Paano pag isa itong auction where those millionaires are paying a hefty amount of money para makuha ang gusto nilang babae?
“What have you gotten us, Clover? Pag ito ang last night natin papatayin ulit kita pag nagkita tayo sa hell. Lulunurin kita sa lava, you understand? What is this…” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang tuluyan na kaming nakapasok. I feel like I have entered a different world and this is definitely what I not expected.