Kinuha ko lahat ng mga gamit ng damit sa kwarto ng aking mga magulang at sa kwarto ko nang umagang’ yon. Balak ko kasing maglaba bago pa ako matambakan ng mga labahin. Marami pa namang gawain ngayon sa bukid at tinutulungan ko ang aking ama at nakatatandang kapatid na magtanim ng palay at mga gulay. May sarili kaming sakahan at okay naman ang kita pag anihan na.
Hindi ko naman masasabi na marangya ang buhay namin, masaya na kami pag nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Wala ang nanay namin dahil nagtatrabaho siya bilang kasambahay sa lungsod. Maswerte siya dahil mababait ang kanyang mga amo, dalawang araw ang kanyang day off kaya minsan dumadalaw siya dito sa amin. Nagdesisyon siya na magtrabaho doon para matulungan din kami sa mga bayarin dito sa bukirin. Balak nga niya ako na dalhin doon para magtrabaho bilang kasambahay. High school lang kasi ang natapos ko, bukod sa wala kaming pambayad sa college, nagdesisyon ako na huwag na lang pumasok. Hindi din naman kasi ako matalino tulad ng iba, at syempre iniisip ko rin ang dagdag gastusin namin.
Nauna nang pumunta sa bukid ang aking ama at kapatid. Ako naman, sinara ko ang aming bahay, dala ang malaking palanggana, naglakad na ako papaunta sa ilog. Nakasalubong ko ang aking kaibigan na si Lyka dala rin ang tapos na niyang mga labahin. Natuwa siya nang makita ako atagad niya akong nilapitan.
"Oh, mukhang masaya ka at kinikilig pa. Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya at mas lalo pang lumawak ang kanyang mga ngiti.
"May gwapo na dayo dito sa barangay natin Tina! Nakita ko siya habang naglalaba ako kanina sa ilog. May camera siya at kumukuha ng mga larawan, Grabe! Sobrang gwapo niya! Muntik na ngang mahulog ang panty ko nang makita ko siya!" Kinikilig niyang sabi at tumawa naman ako.
"Mabuti naman at nandito siya para makalimutan mo na ang manloloko mong nobyo." Sagot ko sa kanya. Napaismid naman siya nang banggitin ko ang kanyang boyfriend na matagal na pala siyang niloloko. May asawa at anak na pala ito sa lungsod na akala niya ay masikap na nagtatrabaho. Para mapag-ipunan daw niya ang kasal nila at para sa future nilang pamilya. Pero ‘yon nga may nabuo na palang pamilya at pinaasa lang ang kaibigan ko.
"Huwag mo nga ipaaala sa'kin ang mokong na ‘yon!" Nag-sorry lang naman ako sa kanya. Ngumiti naman siya ulit at kinuwento ang lalake na nakita niya malapit sa ilog. Ayon sa nasagap niyang chismis, taga-Maynila daw ito. Nandito siya para kumuha ng magagandang larawan ng nature. Tsaka nagtayo daw siya ng tent sa lilim ng malaking puno malapit sa ilog kaya siya nandoon. Kinilig talaga ang kaibigan ko nang batiin sila nito at nagtanong kung saan may magandang kunan ng larawan.
"Hay naku, gwapo na nga , mabait pa siya. Nakaka-in love! Hindi siya katulad ng ibang mayaman na taga-lungsod na snob. Pero alam ko namang hindi siya pumapatol sa mga kagaya natin. Babad tayo sa araw, eh, at maitim."
"Kahit na ba, yan ang tinatawag na natural beauty. At hindi tayo maitim 'noh, morena tayo. Magkaiba kaya ‘yon."
"Sus! Sinasabi mo lang yan kasi ang ikaw ang pinakamaganda dito sa barangay. Lagi ka nga noon nanalo sa beauty contest, eh." Napatawa naman ako.
"Noon 'yon, nong confident pa ako sa beauty ko. Teka, nasaan ba ang dayo na sinasabi mo?"
"Nasa may malapit sa ilog. May tent siya doon sa ilalim ng malaking puno. Kasalukuyan siyang kumukuha ng pictures. Dalian mo na at baka maabutan mo pa. Ipakita mo yang alindog mo!" Natatawa niyang sabi at napailing lang ako. Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad papunta sa ilog. Sa malaking puno na sinasabi ng aking kaibigan, may malaking tent nga roon at may naka-setup na mga gamit sa isang mesa labas nito. Pero wala doon ang dayo. Nagtuloy-tuloy ako at nakita ko na nga ang malinaw tubig ng ilog. Wala ng tao roon at mukhang ako na lang ang natitirang maglaba. Mas mabuti, para may pagtuyuan ako ng mga damit sa malalaking bato.
Nang matapos akong maglaba at ibilad ang mga damit sa araw, hindi ko napigilan na maligo sa ilog. Malinis ang tubig at yon talaga ang ginagawa ko pagkatapos kong maglaba. Manipis lang ang suot kong daster at wala pa akong suot na bra, wala namang tao kaya okay lang. Masaya akong nag-swimming sa malinis at hindi gaanong kalamigan na tubig ng ilog. May baon akong sabon at shampoo kaya doon na rin ako naligo. May extra din akong damit na kinuha para pagbihisan na rin. May munti namang kubo sa gilid kung saan ka pwedeng mamalit ng iyong damit.
Nagulat na lang ako ng paghaon ko sa ilog may lalake ng nakatayo sa gabi at nakatutok sa akin ang kanyang camera. Agad kong tinago ang aking katawan kung saan dumikit na ang aking daster. At dahil manipis ito, syempre kitang-kita ang aking dibdib at pati na rin ang aking panty. Agad kong tinakpan ang aking sarili at matalim na tinignan ang lalake. Matangkad ito, maganda ang kanyang katawan at halata ang kanyang mga muscles kahit may suot pa itong damit. Wala siyang buhok sa mukha at hindi mapagkakaila na napakagwapo nito. Ni walang panama ang mga binata dito sa aming barangay sa kanya. Ito siguro ang sinasabi ng aking kaibigan na dayo. Ano ang ginagawa niya rito? At ako ba ang kinukuhanan niya?
“Uhm, sorry miss, hindi ko matiis na kuhanan ka ng picture. Ang ganda mo kasi.” Sabi niya sa akin at lumapit siya. “Sorry talaga, ide-delete ko kong gusto mo.” Tinitigan ko siya at hindi agad ako sumagot. Nakikita ko naman at ramdam ko na hindi siya masamang tao kaya tumango ako.
“Sa susunod sasabihan mo ako, ah.” Sagot ko sa kanya. “Tsaka, magpaalam ka kung kukuha ka ng larawan ng mga tao. Baka mabugbog ka rito pag nalaman nila na kinukuhanan mo sila.” Nakatitig lang naman siya sa akin at lumangoy naman ako palapit sa kanya. Sinundan niya naman ako ng kanyang mga mata. “Gusto mo rin bang maligo? Samahan mo kaya ako, masarap ang tubig.” Pang-aaya ko sa kanya. Wala siyang naging reaction at tinitigan niya lang ako. “Tititigan mo na lang ba ako, Manong?” Tukso kong sabi sa kanya.
“Manong? Uy, hindi pa ako matanda at baka magkalapit lang tayo ng age.” Napatawa naman ako.
“Nagbibiro lang naman ako. Niyayaya kitang maligo, ayaw mo ba? Mas natural ito kaysa sa pool na meron kayong mga taga-lungsod.”
“Sandali, hindi ka naman siguro sirena na nang-aaya ng mga gwapong lalake tapos lulunurin mo?” Natulala ako sandali tapos ay malakas akong tumawa. Nakita ko ang matamis niyang pagngiti na kinakilig ko naman. Kuntento ako sa buhay ko sa probinsya pero pinangarap ko talaga na magka-nobyo ng taga-lungsod. Bukod sa gwapo sila, mayaman, expert din daw sila sa s*x according sa aking kaibigan. Virgin pa kaya ako at 22 years old na ako.
Gusto ko din naman makaranas ng gano’n at ang sabi din ng kaibigan ko na masarap daw. Lagi daw nadidiligan ang kanyang bulaklak pag magkasama sila ng kanyang ex-boyfriend noon. Kaya curious ako, eh, at kung may gusto man akong makauna sa akin, pwede din naman ang lalakeng ‘toh. Kaya todo na nga ang pagpapansin ko dito, baka maging swerte ako. Kahit hindi ko siya maging boyfriend, makaranas lang ko ng bagay na ‘yon sa kanya, sapat na sakin. At least may experience na ako sa s*x at hindi na ako mangangapa kung sakali man na makapag-asawa na ako.
“Ano ka ba, tao ako ‘noh!” Umahon ako ulit at nakita ko ang pagdila niya ng kanyang labi. Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay ko. “Ako nga pala si Tina.” Pakilala ko. Tinignan niya muna ang aking kamay tapos ay tinanggap niya ito. Napasinghap ako nang maramdaman na parang may kuryente na dumaloy sa aking kamay kaya bumitaw ako kaagad. Nagtataka ko siyang tinignan at mas kakaiba na ngayon ang tingin niya sa’kin. Para ngang nangingislap ang kanyang mga mata at nakaawang din ng konti ang kanyang mapupulang labi.
“Tao ka nga…” Sambit niya. Kumurap siya ng ilang beses tapos ay tumawa siya. “Sorry ah, ang ganda mo lang kasi talaga.” Uminit naman ang aking mukha at bahagya kong pinalo ang kanyang braso.
“Huwag ka nga, hindi ako magpapatinag sa compliment mo. Pero salamat na rin dahil tingin mo maganda ako. Ano nga palang ginagawa mo rito? Maraming magagandang lugar dito na pwede mong kunan ng larawan, bukod sa akin.” Tukso ko sa kanya at nagkatawanan kaming dalawa.
“Marami ka bang lugar na alam? Samahan mo naman ako, pag lumayo ako baka hindi ko na alam ang way pabalik. Ako nga pala si Quest.”
“Ang weird naman ng name mo pero bagay sa’yo.” Natawa siya. “Pwede kitang samahan, mas mabuti ng may kasama ka at baka pagtripan ka ng iba. Pero pag wala na akong ginagawa, ha.”
“May trabaho ka ba?” Napailing naman ako.
“Wala, pero ako ang gumagawa lahat ng gawaing bahay. Naglalaba nga ako ngayon at pinapatuyo ko lang ang mga damit. Parang housewife ba, pero wala pang asawa, single.” Pahabol ko sa huling salita.
“Wala ka pang boyfriend? Sa ganda mo na yan?”
“Uy! Wala naman akong panama sa mga babae sa lungsod. Balat pa lang dehado ako, eh, mestisa lahat sila doon at sexy.” Niyakap ko ang aking mga kamay at braso sa aking sarili dahil nakakaramdam ako ng lamig. Napansin naman niya yata ito kaya tinanggal niya ang jacket na suot at pinulupot niya sa basa kong katawan.
Nahihiya naman akong nagpasalamat at ngumiti siya. Natigilan ako nang hinawakan niya ang aking baba at tinaas ang mukha ko. Nagkatitigan kami at pati mata ng lalakeng ito ay parang gayuma para sa akin. Uminit ang buong mukha ko at katawan sa paglalapit ng mga mukha namin.
“Hindi naman sa kutis at katawan ng babae ang basehan ng kagandahan, Tina. Tulad mo, maganda ka na nga, mabait pa.” Ngumisi siya at napalunok ako nang pumulupot ang kanyang kamay sa aking bewang. “Pwede ba kitang gawin na model ko habang nandito ako. You just look so beautiful with all this nature around you.” Napakurap naman ako. “Huwag kang mag-alala at babayaran naman kita ng talent fee.”
“Talaga? Gusto mo aking model mo?” Tumango siya. “Sigurado ka ba? Baka masira ko lang ang mga larawan na kukuhanin mo.”
“Hindi yan, ikaw nga ang nagpapaganda. Sige na, Tina, pandagdag din sa gastos niyo ang ibabayad ko sa’yo.” Napaisip naman ako sandali tapos ay tumango ako. Chance ko na kaya para mapalapit ako sa kanya, tapos kikita pa ako. Why not, diba?