Papunta ako sa bukid namin ngayon para dalhan ng pananghalian ang aking tatay at kuya. Matapos ang pag-uusap namin ni Quest kahapon, ako na ang official model niya. Excited na nga ako sa mga gagawin ko. Paano ba maging model? Mahina kasi ang data dito namin sa barangay kaya malimit lang kami makapag-internet. Ah basta! Makakasama ko ang gwapong dayo and at the same time, kikita pa ako ng malaki. Ang sabi niya bibigyan niya ako ng 20,000 sa pagtatrabaho ko kasama siya. Ang laking pera kaya ‘non kaya tinanggap ko na.
Ang problema, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa tatay at kuya ko dahil alam kong hindi sila papayag. Kaya nga kinausap ko si Lyka kagabi para pagtakpan niya ako. Nakaisip na rin ako ng palusot sa kanila. Nakita kong nakaupo na sa papag ang mga ito na nasa ilalim ng malaking puno. Lumapit ang kapatid ko sa akin at tinulungan niya ako sa basket na aking dala. Nilabas ko ang mga pagkain na naroon at hinainan ko sila. Umupo din ako at kumain na rin kasabay nila.
“Tay, may tinanggap po kasi akong sideline na trabaho. After po ng tanghalian, pupunta ako doon. Malaki po ang kikitain ko tsaka kasama ko po si Lyka.”
“At ano namang trabaho ‘yan?” Tanong niya.
“Ano po, parang tour guide. Sasamahan lang po namin ang dayo at dalhin siya sa magagandang lugar dito sa atin. Nakilala namin siya ni Lyka sa ilog, Tay at mabait naman siya. Sayang naman po kung hindi ko tatanggapin.”
“Naririnig ko nga na may dayo ngayon sa lugar natin. Kung kasama mo naman si Lyka, okay lang.” Sabi ng kapatid ko at tumango ang mabait kong ama.
“Huwag lang kayong magpapagabi, baka kung ano ang mangyari sa inyo.” Tumango lang naman ako at nagpasalamat sa kanila. Pagkatapos naming kumain, madali akong bumalik sa aming bahay at nagbihis. Nagsuot ako ng simple at paborito kong dress, naglagay ng pulbo sa aking mukha at konting lipstick sa aking labi. Wala akong makeup at hindi ko rin alam kung paano gamitin ang mga bagay na ‘yon. Kinuha ko ang aking lumang cellphone at lumakad na ako papunta sa ilog.
Kumaway ako kay Quest nang makita ko na naghihintay siya sa labas ng kanyang tent. May duyan siyang sinabit at prente siyang nakahiga roon. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mukha nang makita niya ako. Bumaba siya sa duyan at mabilis siyang lumapit sa akin. Parang hindi nga siya makapaniwala na nandito ako. Ako naman, kinikilig dahil sa reaksyon niya. Hindi kaya ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa kanya. Sobrang saya ko at nagkita kami ulit ngayon.
“Hi! Akala ko hindi ka babalik rito.” Sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil niya ito.
“Tinanggap ko yo’ng alok mo, tsaka trabaho ito kaya syempre nandito ako. Nagpaalam na rin ako sa Tatay at Kuya ko at pumayag naman sila. Alam mo simulan na nating lumakad, maganda ang araw, hindi gaanong mainit.”
“Okay, kukunin ko lang ang camera ko.” Tumango lang naman ako. Bumalik siya sa kanyang tent at may kinuha siyang backpack sa loob nito. May kinuha din siyang tubig para sa amin. Hinawakan niya ulit ang aking kamay nang lumakad na kami at hinayaan ko na lang siya. Gusto ko din naman, ang warm ng kamay niya at medyo magaspang tsaka malaki pa. Curious nga ako kung malaki din diya doon. Sa aking naisip, tinignan ko ang gitna ng kanyang pantalon at napakagat labi ako sa nakabakat na malaking bukol doon. “So, saan tayo pupunta?” Tanong niya at bahagya akong nagulat. Naku! Ang landi! Kung anu-ano naman kasi ang naiisip, eh!
“Susundan lang natin ang ilog, may maliit kasi na falls doon sa taas. Kaya mo bang umakyat?”
“Oo naman, anong silbi ng muscles ko sa katawan, Tina.” Bahagya akong natawa at humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Gano’n nga ang ginawa namin, lumakad kami pataas hanggang sa malalaking bato na ang nakikita namin. Naririnig na namin ang tunog ng tubig at sa gitna ng mga bato ay ang maliit na falls na sinasabi ko sa kanya. Ang tubig ay bumabagsak sa hugis na parang mala-higanteng planggana.
Magandang asul ang kulay ng tubig, malinaw at kitang-kita ang ilalim nito. Napapaligiran ng malalaki at berdeng mga puno ang buong lugar. Namangha ang kasama ko sa kanyang nakikita. Tinanggal niya ang kanyang bag at nilabas niya ang mamahalin niyang camera. Nagsimula na siyang kumuha ng pictures, tumabi ako at hinayaan lang siya sa kanyang ginagawa. Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil siya at lumingon sa akin. “Babe, bakit ka nagtatago dyan? Ikaw ang model ko and I need you here.” Inabot niya ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko naman ito.
“O-okay lang ba ang itsura k-ko?” Nauutal kong sabi sa kanya dahil bigla akong kinabahan. Isa pa, hindi lang kasi ako makapaniwala sa aking narinig. Tinawag niya ba akong babe?
“Oo naman, you're a natural beauty. Basta galaw-galaw ka, yo’ng normal lang. Huwag mong isipin na nandito ako. Gawin mo ang normal mong ginagawa pag nandito ka.” Tumango lang naman ako. Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Tinignan ko siya tapos inisip ko na boyfriend ko siya at nagde-date kami ngayon. Grabe! Ambisyosa lang ang peg! Naglakad-lakad ako sa malalaking bato, nilapitan ko ang tubig tapos nilublob ko ang paa ko sa di kalamigan na tubig. Minsan tumatawa ako, ngumingiti sa camera at minsan pumipikit lang ako para namnamin ang katahimikan ng lugar at ang fresh na hangin.
Ilang oras lang kami na nanatili doon at hapon na nang niyaya ka na siyang umalis. Baka kasi abutan kami ng gabi at magalit pa sakin sina Tatay at Kuya pag gabi na ako makauwi. Bumalik kami sa kanyang tent at pinakita niya sa akin ang mga kinuha niyang pictures. Ako naman ang humanga dahil parang iba ang babaeng nasa picture. Ganyan ba talaga ako kaganda? Parang nago-glow ang skin ko tsaka nakatulong ang sikat ng araw sa mga kuha niya. Ang ganda din ng falls, ng tubig, ang mga puno. Parang ibang mundo ang nakikita ko!
“Ang galing mo naman!” Tuwa kong sabi sa kanya. Kumuha siya ng maiinom at binigay niya ito sa akin. Kinuha ko naman ito at agad na uminom.
“Magaling lang talaga ang model ko. Hindi ka ba napagod, babe?” Natigilan ako tapos ay napakurap. Ayan, tinawag na naman niya akong babe. My gosh! Haba ng hair, feel na feel ko tuloy na mag-jowa kami.
“Hindi naman, nag-enjoy nga ako na kasama ka Na-imagine ko nga na nando’n tayo para sa first date natin. Pasensya na, hindi ko maiwasan, eh.” Napatawa siya ng konti pero nagulat ako nang inakbayan niya ako at idinikit sa kanya.
“‘Yon ba ang iniisip mo habang kinukuhanan kita ng pictures?” Tukso niyang tanong at nahihiya naman akong tumango. “Pwede naman, Tina. Ako nga rin iniisip ko na kasama ko ang girlfriend ko.” Pinalo ko siya sa kanyang braso.
“Quest naman, eh! Huwag kang ganyan, lalo mo lang akong pinapakilig.” Malakas siyang tumawa at namilog ang aking mga mata nang iharap niya ang mukha niya sa akin. Napakurap ulit ako at napadila pa ako ng aking labi. Napunta ang tingin niya doon at ngumisi siya.
“Isipin mo na lagi na nagde-date tayo pag magkasama tayong dalawa.” Sabay haplos ng kanyang hinlalaki sa aking labi. “Hindi mo lang alam kung gaano ako pinipigilan ang sarili ko na huwag kang halikan.”
“Eh di, huwag mong pigilan ang sarili mo. Pero uunahan na kita, hindi ako magaling humalik.” Matamis siyang ngumiti at nagulat ulit ako nang idampi niya ang kanyang labi sa akin.
“Well, magaling akong humalik at tuturuan kita kung gusto mo.” Napakagat labi ako at tinitigan ko siya. Nakikita ko naman at nararamdaman ko na seryoso siya sa kanyang sinasabi.
“Quest, parang-parang ang bilis, kakakilala lang natin kahapon.” Alangan kong sabi sa kanya.
“Babe, pwede naman na maunang boyfriend mo ko at girlfriend kita at kilalanin natin ang isa’t-isa habang magkasama tayong dalawa. At least pag gano’n, walang magpapanggap sa atin para lang magpa-impress tayo sa isa’t-isa.”
“Isang linggo ka lang dito Quest…” Dinampian niya ng halik ang gilid ng labi ko at napasinghap naman ako.
“May isang linggo ka para kilalanin mo akong mabuti. Kung gusto mo talaga ako, parati akong babalik rito para sa’yo. Isasama pa kita sa lungsod kung ako lang ang masusunod.” Napangiti ako sa huli niyang sinabi at hinawakan ko ang kanyang pisngi.
“Quest, nasaan na ang halik ko?” Napatawa siya ng konti, inangat niya ang aking mukha tapos ay nilapat na niya ang kanyang labi sa labi ko. No’ng una hindi ko alam ang gagawin ko, pero nang gumalaw ang kanyang labi, sinundan ko siya.
Napasinghap ako ulit nang pisilin niya ang aking tagiliran. Dahil naibuka ko ang aking bibig, ipinasok niya ang kanyang dila at sinipsip ko naman ito. Nakipaglaban din ang aking dila sa kanya. Naglalaplapan na kami ngayon ng labi at sobrang sarap ng kanyang halik na nagdudulot ng kuryente sa buo kong katawan. Naghiwalay lang kami nang tumunog ang aking phone at nang tingnan ko ito, may text ang aking Kuya. Binuksan ko ito at namilog ang aking mga mata sa kanyang text na umuwi na ako. Kaya dali-dali akong nagpaalam kay Quest. Pero bago ako umalis, ginawaran niya ulit ako ng isang nakakakilig na halik at mabilis na akong lumakad pauwi.
Pagdating ko ng bahay, humahangos na ako at sakto din na nakauwi na ang aking Tatay at kapatid. Nagbihis ako ng pambahay at nagsimula na akong magluto ng hapunan namin. Habang nasa kwarto na ako at nakahiga sa aking kawayan na kama na may manipis na foam, napapangiti na lang ako habang hawak ko ang aking labi. Ramdam ko pa rin kasi ang halik ni Quest na nagpapainit sa aking katawan. Nang gabing iyon, hindi ko mapigilan na hawakan ang aking sarili at ang lalakeng dayo ang nasa isip ko ng mga oras na ‘yon. Mahina kong sinambit ang kanyang pangalan ng labasan ako. Nakatulog ako na puno ng excitement sa pagkikita namin ulit bukas.