Chapter 36

1131 Words
Nanami Yoshino (Katana) I decided to focus my attention on Ashen’s tennis try out. Hindi ko na muna inisip ang sinabi ni Lychee kanina tungkol sa posibilidad na mayroon ding kakayahan si Ashen na makita ang mga parasites ngunit tulad ko ay pinipili lang din nitong huwag maging involve sa mga nilalang na ito. And I was amazed when I saw how Ashen played as if he was a professional who competes in a lot of tournaments. That is why I am not surprised when the coach accepted him as part of their regular player even though he is just new to this school. At bago pa man siya makalabas sa shower room ay agad akong lumabas ng tennis court. At dahil lunchtime ko na naman ay dumeretso na ako sa canteen at napasimangot ako nang sa ikalawang pagkakataon ay nakasalubong ko si Lychee na abot tenga ang ngisi ng mapatingin sa akin. “We have been seeing each other more often,” aniya. “Coincidentally.” “And I don’t really like it.” Inirapan ko siya at kumuha ng mga pagkain ko. Magkasunod lang din kasi kami sa pila kaya hindi din ako basta makakaiwas sa kanya. The First Kei University is actually giving the students free food. Kasama ito sa tuition fee na binabayaran ng mga students para masiguro na maibibigay ang tamang nutrisyon sa bawat estudyante dito. At ang lahat ng pagkain na kanilang inihahanda ay nakalatag lang sa isang mahabang lamesa at bahala ng kumuha ang mga estudyante kung gaano karami ang pagkain na gusto nilang kunin. But of course, they strictly encourage everyone to only get what they can eat and don’t waste food. “You don’t really want to get involved with me, huh.” “Don’t take it personally,” I said. “Sadyang ayoko lang ma-involve sa kung ano ang mga ginagawa mo dahil hindi iyon makakatulong sa akin.” “Pero malaki ang maitutulong mo sa akin kapag na-in–” “I thought you would refrain from recruiting me?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Because you said that I am still weak.” Natigilan siya ngunit napangiti din at napakamot ng ulo. “Well, I did tell you that but I don’t think giving you time will only take away my chance to get you on board.” “Oh…” Tumangu-tango ako. “So, you are using every possible chance to convince me to join your organization.” “You could say that,” “Then…” Hinarap ko siya. “I am sorry but I will not join you.” “Hindi pa din ba sapat na dahilan na may kakayahan din ang kaibigan mo na makakita ng mga parasites?” tanong niya. And it made me realize something that made me smirk. “You told me that because you thought that he would be my reason to join your so called group and exterminate some parasites.” Hindi siya nagdalawang-isip na tumango. “I will not deny that.” “Too bad for you.” Tinapik ko ang balikat niya at nauna na sa kanya sa pila. “But his involvement in the parasites has nothing to do with me.” “Paano kung siya ang i-recruit ko imbes na ikaw?” “That will be his decision, Lychee,” sagot ko. “Hindi niya maaapektuhan ang desisyon ko kaya sinasabi ko na sayo na ngayon pa lang ay mas makakabuti kung ikaw na ang susuko. I am striving for a normal life that has been taken away from me. I will not let anyone, especially you or anything take that away again.” Bago pa siya makapagsalita ay agad ko na siyang tinalikuran at naghanap ng bakanteng table na malayo sa lahat. At sakto na man na mayroon akong nakita sa pinakadulo ng canteen kaya doon ako pumwesto. Ipagpasalamat ko na lamang at hindi na ako kinulit pa ni Lychee kaya naging maayos ang tanghalian ko. Dalawang subject na lang ang mayroon ako for my afternoon class at dahil nag-cutting na ako sa last subject ng morning class ko ay plano ko nang ituloy hanggang uwian. Kaya nang matapos akong kumain ay nagpasya na lamang akong pumunta sa infirmary. Hindi ko pa masyadong nalilibot ang buong school pero sa tingin ko ay ang infirmary lang ang nag-iisang lugar ngayon dito na maaari kong tulugan ng hindi ako nabibigyan ng suspension ni Lychee. Pero muli na naman akong napasimangot paglabas ko ng canteen. Mukha kasi ni Lychee ang sumalubong sa akin at nasisiguro kong sa pagkakataong ito ay sinadya na talaga niya akong hintayin dito. “Are you planning to cut from your afternoon class?” Umiling ako. “I was on my way there.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Really?” “Yes.” Inirapan ko siya at hinawi. As if namang aminin ko sa kanya ang plano ko. I will just wait for him to be busy with anything he will do and then I will run and hide to the nearest infirmary. Pero agad kumunot ang noo ko nang mapansin na nasa gilid ko na siya at kasabay ko sa paglalakad. “What the hell are you doing?” “You didn’t know?” balik niya sa akin pagkuwa’y inilabas ang kanyang schedule card at iniharap sa akin. “We are classmates in our next class.” Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa paglalakad. “What?” Ngumisi siya. “Yes, Miss Light.” Bahagya pa siyang natawa. “You and I will be in the same room for two hours and I am planning to sit beside you so I think we need to get along with each other.” Isang matalim na tingin ang binato ko sa kanya. “Did you plan this?” Bahagya siyang umatras at ikinaway-kaway pa ang kanyang mga kamay sa harap ko habang umiiling. “No. I didn’t plan this, okay?” “But how did we even get in the same class.” “You are studying Psychology and I am studying Criminology,” aniya. “Don’t you think that both of these courses are kind of related?” Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. “We are both irregular students so you should expect to have classmates that take a different course.” Napairap na lang ako sa kanya. Nagsisimula nang maubos ang pasensya ko sa lalaking ito eh. Sinadya o hindi, hindi na ako natutuwa na lagi ko siyang nakakaharap lalo na’t wala naman siyang ibang gusto sa akin kundi ang tuluyang ma-involve sa mga nilalang na ilang taon ko na ding iniiwasan. I should do something about this or else, I might do something that will surely ruin the life that I am trying to have.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD