Chapter 54

1147 Words
Nanami Yoshino (Katana Light) Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ang infirmary ng X headquarters kaya napabuntong hininga na lamang ako dahil siguradong may kung ano na namang ginawa ni Umi habang siya ang nasa kontrol sa katawan kong ito. Bumangon ako at agad na chineck ang buong katawan ko. Hindi ito ang unang beses na nawalan ng malay si Umi. Siguro ay mga apat o limang beses na yata ito at sigurado ako na hindi iyon nangyayari dahil hindi kinakaya ng katawan na ito ang lakas niya. Ang hindi nito kaya ay ang labis-labis na emosyon na kanyang nararamdaman na nagre-resulta ng biglaan niyang pagba-black out. Nag-a-adjust pa lang kasi sa kanya ang katawang ito kaya hindi niya maaaring biglain ang lahat. Pero nalilimutan niya iyon kaya ang madalas na bagsak namin ay dito sa infirmary, Wala namang masamang dulot sa amin ang sitwasyon na ito. Ang sabi ng doctor na naka-monitor sa lagay namin ay walang natatanggap na damage ang katawan kahit pa paulit-ulit ang pagba-black out niya. At wala din naman akong nararamdaman na kahit ano. Dahil ang lahat ng sakit, kay Umi napupunta. Nabanggit na niya sa akin noong unang beses siyang nawalan ng malay na kahit hindi na siya ang may kontrol sa katawan ay nakaramdam pa din siya ng matinding sakit matapos niyang mag-black out. And the only explanation that we have for that is that my body is making her feel that kind of pain so she will let go and give back to the the control over this body. Para bang ito ang naging defense mechanism ng katawan ko dahil hindi na nagtutugma ang lakas ng emosyon niya sa kaya ng katawang ito. Muli akong bumuntong hininga. Sa ngayon, ang inaalala ko lang ay kapag hindi niya nakontrol ng maayos ang kanyang emosyon, siguradong mauulit na naman itong pagkawala niya ng malay. At baka mangyari pa iyon sa lugar o sitwasyon na talaga namang posible naming ikapahamak. “Hey…” Bumaling ako sa pintuan ng infirmary at nakita si Lychee. “Hi…” Tinitigan muna niya ako bago siya tuluyang pumasok at naupo sa gilid ng kama na kinalalagyan ko. “Nag-usap na kayo ni Umi?” Umiling ako. “Halos kagigising ko lang din,” sabi ko sa kanya. “Ano na naman bang nangyari at bakit sobra-sobra na namang emosyon ang naramdaman niya?” “Ahm…” Napakamot siya ng ulo. “Some of the Xterminators who hold grudges against the parasite attacked her last night.” ”Oh…” Tumangu-tango ako. “Pinatulan ba niya ang mga iyon?” “Yeah,” sagot niya. “Kapapanood ko lang ng cctv. Mukhang inabangan siya ng mga iyon hanggang makaalis ako at sinamantala na mag-isa lang siya. At mukha din namang inaasahan niya ang bagay na iyon dahil siya mismo ang tumawag sa mga ito na lumabas na sa pinagtataguan.” “Kamusta naman sila?” “Well, they are all fine,” aniya. “Pero nakita ko na hindi niya naiwasan ang lahat ng suntok at sipa sa kanya ng mga nakalaban niya so I guess, doble ang sakit na nararamdaman niya dahil wala ka namang pasa.” Nito ko lang din kasi nalaman na kaya pala mabilis mawala ang mga pasa at sugat ko ay dahil ina-absorb ni Umi ang sakit na dinudulot nito. At ayon sa kanya ay halos isang buong araw niyang nararamdaman ang sakit na ina-absorb niya sa akin. Muli akong bumuntong hininga. “Siguradong na-excite ang babaeng iyon nang makitang marami siyang pwedeng makalaban,” sabi ko. “At hindi kinaya ng katawan ko ang sobra-sobra niyang pagkasabik kaya nawalan siya ng malay.” Minsan ay hindi ko din talaga maiwasan na maawa kay Umi. Sobrang lakas niya pero nalilimitahan siya ng katawan ko dahil hindi nito kayang ihandle ang lakas niyang iyon kaya ang ending, siya itong nagsa-suffer habang ako naman ay kumportable sa bawat araw ko. “Can I suggest something?” sabi ni Lychee na ikinatingin ko sa kanya. “It was just a mere suggestion. Kayong dalawa pa din naman ang magdedesisyon kung gagawin niyo o hindi.” “What is it?” “Why don’t you let her use your body more often?” sabi niya. “The thing is, your body is not used to her. That is why its defense mechanism always activates when it detects that Umi feels too many emotions which are quite opposite from you.” Mula naman kasi ng ma-activate ang sight ko ay tuluyan ko nang pinigil ang emosyon ko. At kahit noong pinag-e-eksperimentuhan ako ay pinilit ko pa din na huwag magpakita ng kahit anong emosyon dahil ang lagi kong iniisip noon ay hindi ko ibibigay ang satisfaction sa mga halimaw na iyon para makita akong nagdudusa sa ginagawa nila. And maybe that was the reason why my body developed its defense mechanism that was hindering Umi now for exposing too much emotion. “For me, wala naman iyong magiging problema sa akin,” sabi ko. “Pero siguradong hindi basta papayag si Umi. Iyong dalawang araw nga ay sobrang pilitan pa ang ginawa namin bago ko siya tuluyang napapayag.” “You can tell her the reason,” sabi niya. “Sigurado na maiintindihan niya iyon at wala din siyang choice ngayon kundi ang gawin ang lahat ng sa gayon ay masanay ang katawan mo sa kanya bilang may kontrol nito. Lalo na kapag nagsimula na siya bilang isang Xterminators.” “I can try but I am not really sure if she will agree.” Tiningnan ko ang kanang kamay ko na madalas niyang kontrolin sa tuwing may gusto siyang sabihin sa akin ng ako ang may kontrol sa katawan. Kahit naman kasi nasa loob lang siya ng katawan ko at ako ang may kontrol dito ay gising pa din ang diwa niya kaya alam niya kung ano ang nangyayari sa paligid ko. At kabaliktaran naman kapag siya ang may kontrol sa katawan ko. Natutulog ang diwa ko kaya wala akong alam sa kung anong nangyayari sa kanya kaya naman kinakailangan ko pang magtanong tuwing magigising ako. “Wala pa din siyang reaksyon eh,” sabi ko. “Just let her rest for now.” Tumayo na siya. “Padadalhan na lang muna kita ng pagkain dito. Mamayang hapon ka na lumabas nang sa gayon ay makapagpahinga ka ng maayos.” Tumango ako. “Okay. Thank you.” “And oh…” Tumingin ako sa kanya dahil may pahabol pa siya. “I heard that Ashen is looking for you at our school. You should at least visit him once in a while.” Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at agad na lamang siyang lumabas ng silid. Habang ako ay napapaisip kung paano nga ba ako makikipagkita ngayon kay Ashen lalo na’t iba na ang sitwasyon ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD