Chapter 58

1234 Words
Nanami Yoshino (Katana Light) Mahigpit tatlumpung minuto din kaming hindi nag-imikan ni Ashen matapos niyang pakawalan ang labi ko. Hindi ko din naman alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Well, he clearly said that he loves me. And I know for sure that I also have feelings for him but mine is kind of complicated because I know that the connection I am feeling toward him has something to do with this. Though, I don’t think he is waiting for me to answer his confession. He didn’t really care if I loved him back or not. Ang mahalaga lang sa kanya ay hindi ko na muling tangkain na putulin ang ugnayan namin. All he wants is to stay beside me, kahit pa kailanganin niyang lumaban sa mga nilalang na matagal na niyang piniling iwasan. Pareho na kaming nakaupo sa sahig habang magkatalikuran at nakasandal sa likod ng isa’t-isa. And it is surprising that I don’t really feel any awkwardness even after we share that kiss. “I am now part of an organization that focuses on exterminating all the parasites.” Tumingala ako sa langit. “So, if you really want to stay by my side, you also have–” “Okay…” walang pagdadalawang-isip niyang sabi kaya agad ko siyang nilingon. “I can join that organization.” “Hindi mo man lang ba pag-iisipan iyon?” Umiling siya. “Like what I said earlier, I want to stay by your side,” aniya. “So, kung ang pagiging parte ng organisasyon na iyon ang nag-iisang paraan para masiguro kong mananatili ako sa tabi mo, then I will do it.” “Ganoon ba kalalim ang pagmamahal mo sa akin na handa kang ilagay sa magulong sitwasyon ang buhay mo?” Tumango siya. “Yes.” “Hindi mo man lang ba naisip na kaya ako ganito sayo ay dahil naaalala ko sayo ang asawa ko?” Ngumiti siya tsaka ipinatong ang kanyang kamay sa ulo ko. “Sorry to say this to you pero kahit na ano pang sabihin mo ay hindi na magbabago ang desisyon ko.” “Pero…” “I love you, Katana…” Dahan-dahan niyang inilipat sa kanyang kamay sa pisngi ko. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kamay niyang iyon kaya hindi ko na napigilan na hawakan ito. “I am kinda selfish so I don’t really care about anything. As long as I can stay by your side.” Mukhang kahit ano pa ang sabihin ko sa kanya ay talagang hindi na magbabago ang isip niya. Kahit pa ipilit ko sa kanya na naging malapit lang ako sa kanya dahil sa asawa ko, though it is not really true because even though they share the same nickname, they still have different personalities. Bumuntong hininga ako. “Then, do what you want.” “Hindi pa din kayo tapos mag-usap?” Napalingon kami kay Lychee na mukhang nainip na sa paghihintay sa amin sa ibaba. “Kanina pa ako tinatawagan ng headquarters. Baka gusto niyo nang tapusin iyan.” Tumayo na kami ni Ashen at lumapit sa kanya. “Tamang-tama lang ang dating mo,” sabi ko tsaka itinuro si Ashen. “Kakatapos lang naming mag-usap at may napagkasunduan na kami.” “So?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Anong desisyon nyo?” “I will also join the X,” ani Ashen na ikinalaki ng mga mata ni Lychee. “W-what?” “You already know that I have the sight, right?” sabi pa ni Ashen. “You already confirmed it when we were at the maze cemetery. But it looks like you don’t need me so you didn’t recruit me.” “I didn’t recruit you because my superior told me not to recruit you,” alma ni Lychee. “Not because we don’t need you. Kailangan ng X ang lahat ng may kakayahang makakita ng parasites at handang lumaban sa mga ito dahil hindi na nagiging maganda ang sitwasyong may kinalaman sa kanila. Pero hindi ko naman pwedeng suwayin ang superior ko kaya hindi ako nagpilit sayo ng tulad ng ginawa ko kay Katana.” “Ibig mo bang sabihin ay baka magkaproblema tayo sa kusang pagsali ni Ashen sa X?” tanong ko. “If your superior also knew that he had the sight but refused to recruit him, it is possible that he didn’t want him to be part of your organization.” “Let me correct you with that,” Mabilis kong itinago sina Ashen at Lychee sa likuran ko nang marinig ang isang pamilyar na boses na nanggaling gilid namin. At agad akong lumingon doon kung saan bumungad sa akin ang isang lalaki na naka-white suit at maskarang may markang X sa bandang pisngi nito. “Who the hell are you?” “Oh,” aniya. “Sorry kung bigla na lang akong sumasabat sa usapan niyo nang hindi man lang ako nagpapakilala.” Inilapat niya ang kanyang kanang kamay sa dibdib niya at bahagyang yumuko. “I am X, the founder of the organization that focuses on killing the parasites.” “At paano ako nakakasiguro na nagsasabi ka ng totoo?” Tinaasan ko siya ng kila. “Hindi ba’t napakadali lang magpakilala bilang isang tao na wala pa ni isa sa amin dito ang nakakakilala ng harapan?” Marami nang branch ang organisasyon na ito. At si Yuer ay isa lang sa mga namumuno sa mga headquarters at mayroon pang higit na mas mataas sa kanila. At ito nga ang kinikilala nilang si X, na siyang pinagkunan ng pangalan ng organisasyon. Siya ang commander at founder nito. At iilan pa lamang ang nakakakilala sa kanya ng harapan kaya hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Bumaling ako kay Lychee. “Mayroon bang palatandaan para makilala ang commander ng X?” Nagkibit-balikat siya. “Ang naririnig ko lang kay Chief Yuer ay mayroon itong isang malaking X sa likuran.” Ibinalik ko ang tingin sa lalaking iyon. “You heard him. I want to see your back for you to prove that you are really our commander.” Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa lalaking ito. Sa totoo lang ay nakikita kong hindi siya gagawa ng kahit anong ikapapahamak namin pero dahil nagpakilala siya bilang pinuno ng X ay kailangan kong makasiguro. Bumuntong hininga muna siya tsaka inalis ang kanyang suit at dahan-dahan na itinaas ang suot niyang polo pagkuwa’y tumalikod sa amin upang ipakita ang kanyang likuran. At doon bumungad sa amin ang malaking marka ng X. Ang markang iyon ay dahil sa isang peklat na hindi na nawala sa kanyang katawan at hindi ko inaasahan na ganoon ang makikita ko. “So?” Ibinaba na niya ang kanyang polo tsaka humarap sa amin. “Sapat na bang pruweba iyon?” “Yeah,” sabi ko. Sa pagkakataong ito ay bahagya na akong nakahinga ng maluwag ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat. “Now that I confirm that you are the commander of X, why don’t you formally introduce yourself? Hindi iyong nagtatago ka pa sa likod ng maskara na iyan?” “Oo nga naman,” ani Ashen na mukhang na-realize na din ang mukha sa likod ng maskarang suot nito. “Bakit kaya hindi mo umpisahan ang pagpapaliwanag sa kung paano mo nabuo ang organisasyon na ito nang hindi ko man lang napapansin… Xhylem?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD