Chapter 75

1086 Words
Nanami Yoshino (Katana Light) I already disregarded my original plan on observing Xhylem and Lychee because after what I learned from our team mate who had been with Lychee since the very beginning, I decided to focus my attention on him. At dahil may kung anong ipinapagawa si Xhylem kay Ashen ay hindi ko na muna ito inistorbo at mag-isa akong nagtungo sa pinaglalagian ni Lychee. Sa underground garden. Sa tulong ng mga ka-team ni Lychee ay nagkaroon ako ng kaunting kaalaman tungkol sa lalaking iyon. At isa na dito ang hilig niya sa pag-aalaga ng mga halaman kaya naman sa garden ang madalas niyang tambayan kapag ganitong wala siya sa mood dahil sa isang misyon. Well, maliban naman dito ay mayroon pa siyang ibang pinupuntahan pero ang garden na ito ay may kaugnayan din kay Azusa kaya dito ako unang pumunta. At heto nga, hindi ako nagkamali na dito siya unang hanapin dahil agad ko siyang nakita na nakaharap sa mga walang malay na bulaklak at sinisinghalan ang mga ito. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita na nakatayo na sa may pintuan. Kaya bahagya akong natatawa sa ginagawa niya. "I am just worried about her," singhal niya sa mga bulaklak. "Ayaw ko lang na matulad siya sa nangyari kay Azusa. Ayaw kong may malagas na naman sa miyembro ng team ko. Kaya hangga't maaari ay gusto kong matutunan muna niya ang kalakaran sa bawat misyon bago ko siya hayaan na kumilos mag-isa." Syempre, hindi sumagot ang bulaklak. Well, sigurado naman na matatakot siya kapag biglang sumagot iyon. Kaya napasabunot na lang siya ng kanyang buhok. "Nababaliw na naman ako! Kayo na naman kasi ang kinakausap ko." Ginulo niya ang buhok tsaka huminga ng malalim. "Kasalanan ni Azusa ito. Siya ang magturo sa akin na kausapin kayo. Eh nagmumukha lang naman akong tanga." Bigla siyang lumingon sa likuran niya at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ako. Hindi ko na din naiwasan na makita niya ako dahil biglaan ang paglingon niyang iyon. Wala sana akong planong magpakita sa kanya at oobserbahan ko lang siya mula sa malayo pero mukhang imposible na iyon. "Ka-kanina ka pa diyan?" tanong niya habang nakaturo sa akin. Hindi na ako magdalawang-isip pa na tumango at tuluyang pumasok sa garden. "Dinig na dinig ko kung paano mo awayin ang mga halaman dito." Napangiwi siya pagkuwa'y napatapal sa kanyang noo. "Dang it!" "Well, that is kind of normal to me because I have a friend who actually loves talking to her plants," sabi ko tsaka isa-isang tiningnan ang mga halaman na narito. "But I didn't expect to see you being like that too." Huminga siya ng malalim at umayos ng tayo. "Enough with that," aniya. "What are you doing here?" "Nabanggit sa akin ng mga kaibigan mo ang tungkol kay Azusa," sabi ko. "And they made me realize why you are so mad at what I did on my first mission with you and your team." "Oh…" Tumalikod siya sa akin at nagkunwaring inaayos ang mga halaman na malapit sa kanya. "It has nothing to do with you or to Azusa. I was mad because I am your leader so you should listen to what I am telling you to do." "Oh come on," singhal ko. "I just heard you said it earlier to these plants so don't deny it, okay?" Saglit siyang natigilan. "Y-you heard everything?" "Nah," sagot ko. "Just the few sentences that you said. Simula doon sa sinabi mo na nag-aalala ka lang sa akin." Maraahas siyang bumaling sa akin at nakita ko na nanlalaki ang mga mata niya. "You heard that?" Tumango ako. "Kaya nga huwag ka nang magkaila," sabi ko. "And please, hindi makakatulong sa akin iyang pagpapanggap nyong galit. What I need right now is a reason for me to trust everything you decide." Huminga muna siya ng malalim pagkuwa'y kumunot ang noo. "Anong ibig mong sabihin?" "Well, leaders should be responsible enough to make tough decisions for the sake of the people that we are going to save," paliwanag ko. "So, I want to know how far are you going to go in order to save the lives of the people that will get involved in our mission." "So…" Itinuro niya ang sarili niya. "You are going to test me?" "Hmm…" Napakamot ako ng ulo. "It is not actually a test. I just wanted to see that in you so I can rest myself to trust you and your capabilities on handling everything." Noon naman kasi ay talagang ako ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay pagdating sa mga naging grupo ko sa mga dati kong trabaho. Ako ang kumikilos sa lahat at ako ang nagbubuhat ng responsibilidad. Maging ang bigat ng pakiramdam kapag may namamatay sa mga taong inililigtas namin, ako din ang sumasalo. And I am not telling him to be like that too. Magkaiba kaming pareho. At ang panahong ito ay iba na din sa nakasanayan ko noon. But I still want to have that reason for me to trust Lychee with everything. Tinitigan niya ako. Marahil ay iniisip niya na ang kapal naman ng mukha ko para umasta ng ganito gayong baguhan lang ako dito. Siguro ay iniisip niya na masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko para mahirapan na ipagkatiwala sa kanya ang lahat lalo na ang pagdedesisyon sa nga misyon namin. Well, I won't deny it. Masyado talagang mataas ang tingin ko sa sarili ko ngayon dahil alam ko kung ano ang halaga ko, or rather say, I know how important Umi is for this organization. "And that is your advantage to act like some highly skilled person who needs to test people around you just for you to trust them," Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Umi. Bakas kasi doon ang hindi niya pagkagusto sa ginagawa ko pero hinahayaan naman niya ako. "Dahil alam kong iyan lang ang nag-iisang paraan para makipag tulungan ka sa kanila ng maayos." Sa pagkakataong ito ay medyo malakas na ang kanyang boses kaya napangiwi na ako. "It looks like Umi does not really agree on what you are doing," sabi ni Lychee tsaka naupo sa tabi ko dito sa gilid ng fountain. "Kind of," sagot ko. "But she still let me do my way to make sure that I will be able to do my job without worrying about anything." "Hmm…" Tumangu-tango siya. "So? What reason do you need to see in order for you to trust every decision that I will make in the future?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD