*Kylie* “Sigurado ka ba na okay ka lang d'yan?” tanong ko sa kanya habang kausap siya sa cellphone. “Yes, Love. Medyo malamok pero okay lang naman. May katol naman dito,” tila may kasama pang pangungunsensya ang pagkasasabi niya. Nakagat ko tuloy ang aking ibabang labi para hindi maka-gawa ng pagtawa dahil sa sinabi niya. Hindi siya nababagay na matulog do'n at kung hindi naman kasi siya nakita ni Lola ay hindi rin naman sana siya hahantong sa ganitong sitwasyon. Nakakahiya pa tuloy dahil hindi naman siya sanay matulog sa matigas na katre at tanging electricfan lang ang nagsisilbing hangin niya. “Matulog kana, maaga pa tayo bukas.” “Walang opisina bukas, Sir.” biro ko sa kanya sa pagtawag na sir. “What did you say?” “Alin do'n? Madami akong sinabi, Sir—” “Kylie.” natigilan ako. Na