*Kylie* Dating gawi sa tuwing papasok ako ng unit niya. Ibaba ko sa sofa ang aking bag bago ako papasok ng kusina. Mag sasalang ako ng sinaing sa rice cooker. Nag tingin ako sa reef kung ano ang pweding lutuin na pang-ulam kaso tanging frozen foods nalang ang naroroon. Sinipat ko ang oras at maaga pa naman at may oras pa para pumunta sa supermarket na malapit lang dito sa condominium niya. Mamimili na din ako ng iba pang mga gagamitin na pang-rekado. Pagdating sa mga gastusin dito sa bahay wala akong problema dahil may iniwan siyang cash card sa akin para gamitin sa lahat ng mga kailangan kong biliin dito sa bahay at sa personal kong mga gagamitin. Yung panghuli na yo'n ay hindi ko ginawa dahil wala akong karapatan. Hindi ako tunay na asawa at isa akong peke! Wala siyang pakialam sa aki