*Kylie* “Kamusta ang pag punta niyo ng Lipa? Namiss mo ba ang lupang sinilangan mo Mommy, Nic? O mas nami-miss mo si Tito, Jin. Tamlayin mo eh,” umpisa ni Rika nang maka-upo siya makagaling sa kusina para kuhanin ang memeryendahin namin pati ng mga bata. Kahapon pa kami nakarating dito sa Bulacan at ang nangyari kahapon ay naikuwento ko lahat-lahat kay Jin. Gusto niyang balikan ang lalaking tumutok sa akin ng hindi magandang kasangkapan sa pag papatay ng tao pero mabuti nalang din at nakumbinse ko siyang okay lang ako. Hindi niya totally kilala si Auntie Kris pero masahol pa siya sa asong galit na galit nang malaman ang ginawa nito sa akin. Nakahinga ako ng malalim nang harangan niya ako kahapon sa sakayan ng jeep sa palengke. Halos talunin ko ang pagitan ng kinatatayuan ko kahapon at