*Kylie* “So, ikaw pa ngayon ang may gana na magalit. Ikaw na nga yo'ng nahuli kong may umaakbay na lalaki.” sita niya sa akin nang papasok na sana ako sa aking kuwarto. Nakaramdam ako ng yamot! Binalingan ko siya. Wala akong pakialam kung makita niyang namumugto ang mga mata ko! Umiba ang klase ng tinginan niya sa akin pero pinalitan ko ng mapait na ngiti ang kaninang walang emosyon kong hitsura. “Mabuti nga at akbay lang ang pinahintulot kong gawin ni Andrie. Paano kaya kong hinayaan ko rin siyang halikan ako sa labi.” bwelta ko. Sa isip ko natatawa ako lalo na sa part na hahalikan ako ni Andrie. Nag dilim ang paningin niya. Nag tagis ang mga panga. Umikom ang mga kamao daiil sa aking sinabi. “Wala tayong karapatan sa isat-isa kaya malaya kong gawin kung ano ang gusto ko...at ikaw din,