Missing #1

895 Words
MALAKAS na tunog ng cellphone ni Joy ang gumising sa kanya at dahil alam niyang panglimang tawag na iyon ng mama niya ay pikit mata niya iyong inabot sa katabing drawer ng kama niya. Ini-slide niya ang touch screen na cellphone upang masagot na ang tawag nito sa wakas. "Sabi na nga ba't tulog ka pa hanggang ngayon Joy! Ano'ng oras na?! 'Di ba nangako ka sa lola mo na maaga kang uwi ngayon dito sa bahay. Sabado ngayon at tanghali na, mata-traffic ka na niyan!" sunud-sunod na sabi ng mama niya mula sa kabilang linya. "Ma... Gising ... hmm.. Gising na ako..." "Gising? Gising kana kamo? Eh nakatakip pa nga 'yang eye mask mo sa mga mata mo!" Napangiti siya sa sinabing iyon ng mama niya. Iyon yata ang tuluyang nagpagising sa diwa niya. "Bumangon ka na dyan Joy at kanina pa ako kinukulit ng lola mo dito kung oras ka daw ba darating. Nangako ka pa daw sa kanya na ala siete pa lang ay nandito ka na sa bahay para magluto ng paborito niyang adobo,. Eh ala seis na nadyan ka pa din sa maynila, anong oras ka na makakarating niyan dito?! Naku Joy, bisperas ng fiesta ngayon dito baka nakakalimutan mo!" Lalong nagising ang diwa niya ng mabanggit ang paborito at nag-iisang lola niya. Halos limang taon na ang nakalipas ng huli niya itong mayakap. At ng mga oras na iyo ay kinukulit na siya nito kasama ng mga magulang niya na sumama sa Amerika at doon na magpatuloy ng kolehiyo. Pero dahil nakakita siya ng pagkakataong mamuhay ng mag-isa ay nagdesisyon siyang sa Pilipinas na mag-aral at kumuha ng Nursing upang makasunod agad sa mga ito at makapagtrabaho doon. Ngunit ng matapos ang kurso at maipasa ang board exam ay ilang buwan lamang siyang nagtrabaho na may koneksyon sa kursong tinapos. Ng maramdaman niya ang totoong hirap ng trabaho bilang isang nurse at nagdesisyon siyang magtrabaho sa ibang indurstriya. Nagtrabaho siya bilang isang call center agent at ng magtagal ay hindi na rin niya natupad ang pangako na pagsunod sa Amerika at magtrabaho bilang nurse. Naintindihan naman ng mga magulang niya naging desisyon niya. Lalo na ng makita na sa kabila ng pamumuhay mag-isa sa maynila ay hindi niya sinisira ang tiwalang ibinigay ng mga ito sa kanya. "Hoy Eliza Joy! Tulog ka na naman yata! Naririnig mo pa ba ako?! Sinasabi ko na nga -" "Ma... Ma... I can hear you... I told you, gising na ako." "Kung gising ka na talaga alisin mo na 'yang nakatakip sa mga mata mo!" "Heto na nga 'ma, aalisin na." Muli siyang napapikit sa matinding liwanag na sumalubong sa mga mata niya. Nakalimutan pala niyang isarado ang kurtina sa may bintana kagabi bago siya matulog. "H'wag mo lang alisin 'yang eye mask. Bumangon ka na dyan at maligo!" "Heto na nga po at babangon na 'ma," aniya na tuluyan ng inalis ang pantakip sa mata at bumangon kasunod ang paglalakad patungo sa loob ng banyo. "Dapat talga pinasundo na kita sa papa mo para masigurado na maaga kang makakauwi. Ang papa mo kasi ayaw -" "Ma... Ma..." natatawang awat niya sa walat tigil na pagsasalita nito. "Gising na ako, okey? Heto na nga at maliligo na ako 'diba?" "Okey! Okey! H'wag mo ng tagalan maligo ha. Dito ka na lang sa bahay maligo ng tatlong oras pagdating mo para hindi ka na-" "Ma, maliligo na ako. Ie-end ko na 'to." "Wait Lyza Joy!" "Yes ma?" hindi niya alam kung maiinis na ba siya dito. Hindi naman niya ito masisi dahil halos isang taon na ang lumipas mula ng huling siyang makita ng mga magulang. "Don't foget your lola's favorite brazo de mercedes cake, okey?" at walang paalam na pinutol na ng mama niya ang tawag. "Napagod din sa wakas," natatawang sabi niya bago inilagay ang cellphone sa tuyong bahagi ng lababo at humarap sa shower pagktanggal ng mga saplot sa katawan. Tuluyan ng nawala ang antok niya ng maramdaman ang pagdampi ng malamig na tubig sa balat niya. *** *** SINIGURADO ni Joy na kumpleto na ang lahat ng gamit niya ng maisarado ang bumper ng kotse. Two months ago ay pinaalala niya sa supervisor nila dapat ay approved ang dalawang linggo na leave niya sa trabaho para maenjoy ang bakasyon sa Alfonso Cavite. Hindi naman siya binigo nito. Pumasok na siya sa loob ng kotse ng masiguradong wala na talagang gamit na nakalimutan. Halos labing tatlong taon na yata siyang hindi umuuwi ng Alfonso Cavite. Pagka-gradweyt kasi niya ng elemetarya ay lumipat na sila ng Las Pinas ng mga magulang niya. Wala na din siyang naging balita sa mga naging dating kaklase doon kahit pati sa mga kabarkada niya. Kaya hindi niya talaga inaasahan na makakatanggap siya ng tawag mula kay Cez. Ang tanging barkada niyang sa Alfonso nagpatuloy ng pag-aaral. Nagset daw ito ng reunion ng barkada sa araw ng fiesta. Tanging siya at Kai na lang daw ang hindi pa nagko-confirm na makakarating sabi ni Cez kahapon. Naagaw ng umilaw niyang cellphone na nakalagay sa car mount ang atensyon niya bago pa man mabuhay ang makina ng kotse. 'See you later. Nag-confirm na si Kai. Kumpleto na tayo. :)' Napangiti siya sa nabasang text mula kay Cez. After 13 years, ngayon lang ulit sila magkikita-kita. ****** ***** PLEASE COMMENT, VOTE AND SHARE! :) ^___^ THANK YOU SO MUCH!!! ^___^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD