Missing #2

1195 Words
FLASH BACK Napalunok si Joy ng makita ang ilang kotse ng mga pulis hindi kalayuan sa bahay nila. Sigurado siyang sa bahay iyon nina Franco nakatigil. “Joy,” tawag ng mama niya na nakaupo sa tabi ng driver seat kung nasaan ang mama niya. “Sakay na.” “Y-yes mom.” **** “Ikaw ba Joy, lumabas ka na naman ng bahay kagabi?” Napapitlag si Joy mula sa pagkakaupo sa tanong na iyon ng mama niya. Nakatingin sa kanya ang repleksyon ng mga mata nito mula sa rearview mirror. “N-no mom, why?” “Nawawala ang anak nina mrs.Torres. ‘Di ba kaklase mo ‘yon? What his name nga?” “Franciso,” ang mama niya ang sumagot sa tanong ng papa niya na nagmamaneho. Muling rumehistro sa isipan niya ang mga sasakyan ng pulis nakahimpil sa nadaanan nilang bahay kanina “Hindi ba mabait na bata iyon? Ang alam ko nga running for valedictorian iyon sa batch ni Joy.” “Baka naman napagalitan ng parents, nagtampo tapos naglayas o nasa bahay ng kaklase.” “Sabi ni Lucy, napakabait daw talaga ng batang iyon at ni isang beses ay hindi niya naringgan na pagalitan iyon. Kahit kagabi kaya nga iniisip nilang baka kinidnap ang bata.” Ang kapitbahay na nakatira sa pagitan ng bahay nila nina Franco ang tinutukoy ng mama niya. “Teka Joy, kanino pala ‘yang bag? Panlalake ‘yan ah?” Napatingin siya bigla sa malaking bag na katabi. “K-kay Rye po. N-naiwan niya sa bahay last time na gumawa kami ng group project. B-bumili po ako ng chips kahapon para sa food trip namin mamaya.” “Chips na naman? Sabi ko naman sa ‘yo Lyza Joy iwasan mo ‘yang mga chips na ‘di ba? Okey, let me check that bag para matanggal ko -” “No! Don’t touch this bag!” bigla niyang niyakap ang bag na katabi ng humarap ang mama niya sa kanya at akmang aabutin ang bag. “Mama, hayaan mo na ang anak mo. Last weekend bonding nila ng barkada niya bago ang graduation nila, remember?” nakangiting sabi ng papa niya na hindi inaalis ang mga tingin sa harapan. “O-okey,” tugon ng mama niya na halatang nagulat sa reaksyon niya at umayos na ng upo. Tumingin ito sa kanya sa pamamagitan ng rearview mirror. “But that’s the last time, okey?” “Y-yes mom.” **** “W-WHAT do you think?”bakas sa boses ni Kai ang kaba. Nakaupo ito sa may upuan na nasa harapan ng study table sa loob ng kwarto ni Cez. “What do you mean?” balik tanong ni Cez na nakaupo katabi ni Joy sa ibabaw ng kama. “Princess, you heard Joy’s story. May mga kotse ng pulis sa harapan ng bahay nina Franco,” tugon pa ni Kai. “Sinabi niya rin na baka napagalitan si Franco sa bahay at naglayas. Pwedeng gano’n talaga ang nangyari,” si Rye ang nagsalita na nakaupo sa kabilang sulok ng kama. “The thing is kasama natin si Franco kagabi,” halos pabulong na sabi ni Ed. “You’re right. But what if ganito ang sitwasyon –” “Don’t you dare na mag-smoke sa room ko! Baka isipin ni yaya, nag-i-smoke din ako!” saway ni Cez ng akmang sisindihan ni Kai ang sigarilyong hawak. “Okey fine. Again,” ani Kai na muling ibinalik sa bulsa ang hawak na lighter at sigarilyo. “What if ganito talaga ang nangyari. Napagalitan talaga si Franco ng parents niya, hindi man iyon narinig kapitbahay eh kung ‘yung tipo ng parents niya ang hindi maingay kapag nagsesermon. Kaya ayun, may dala siyang malaking bag ng pagkain kasi naglayas siya,” napadako ang tingin nito sa malaking bag na nas ibabaw ng study table. “At paglabas niya ng bahay ay nakita niya si Joy. Since alam niya ang tungkol sa Friday trip natin sumama na siya,” dugtong ni Rye. “Sumama siya para makipaglaro sa atin. Para magpalipas ng oras at sama ng loob,” sabi ni Cez na kasabay ng pagsasalita ay ang paglibot ng paningin sa bawat isang nasa loob ng silid. “At habang naglalaro tayo at siya ang taya ay biglang nagbago ang isip niya,” dugtong ni Ed. “Nagbago ang isip niya at umalis na lang ng walang paalam,” si Kai ang muling nagsalita. Hindi nito maipagkakaila ang kabang nararamdaman sa takot na baka lahat sila ay ipa-alcohol o drug test ng mga pulis kapag nalamang ang Friday trip na ginagawa nila. Hindi iyon pwdeng mangyari dahil malapit na ang eleksyon at muling tatakbong mayor ang papa nito. “And the bag?” hindi pa din mapigilan ni Joy ang guilt na nararamadaman niya. Pakiramdam niya kasi siya ang may kasalanan kung bakit nawawala ngayon si Franco. “Iniwanan na niya sa atin kasi…” tugon ni Kai na nag-iisip ng idudugtong. Ibinaling nito ang tingin sa mga kasama na tila humihingi ng tulong sa karugtong na sasabihin. “Iniwanan niya bilang pasasalamat kasi pinasali natin siya sa Friday trip natin. Period!”si Rye na ang muling ngdugtong. “K-kahit -” “Period!” putol ni Ed sa sasabihin sana muli ni Joy. “Kaya from now,” ani Kai na muling tumayo at naglakad na tila hindi na naman alam kung saan titigil ng tayo. “From now on, hindi na natin pag-uusapan ito. Ni hindi na natin babanggitin ang pangalan niya. Hayaan na natin ang mga pulis na mag-solve nito. Basta simula ngayon, walang nangyaring tagu-taguan kagabi. Wala tayong naging Friday trip kagabi.” “It’s a deal!” mabilis na sang-ayon ni Ed. “Deal,” sumunod na pagsang-ayon ni Cez. “Deal,” si Rye ang sumunod na tumugon. Nagsimulang mabaling ang mga tingin ng lahat kay Joy. Pakiramdam niya isa lang ang sagot na hinihintay ng mga ito mula sa kanya. Naagaw ng malaking bag na nasa ibabaw ng study table ang mga tingin niya. “P-paano ang bag niya?” “I’ll take care of it,” mabilis na tugon ni Kai. “We’re waiting Joy,” ani Rye at lumapit sa kanya. “ Believe me, everything will be fine.” Napatingala siya kay Rye na nakaakbay sa balikat niya. Sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng gabing iyon ay ngayon lamang siya ulit nakaramdam ng seguridad sa bisig nito. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata kasabay ang isang malalim na buntong hininga. At sa pagdilat ng mga mata niya ay agad niyang pinunasan ng daliri ang mga luhang nagbabantang lumandas sa pisngi niya.Nakapagdesisyon na siya. Hindi niya gustong bigyan ng sakit ng ulo ang lola niya at mas lalong ayaw niyang pasamain ang loob ng mga magulang niya sa pagtakas na ginagawa dahil sa Friday trip nila. Kaya gagawin na niya ang pinaniniwlaan ng barkada na tama at dapat nilang gawin. “Deal…” **** **** PLEASE COMMENT, VOTE AND SHARE! :) ^___^ THANK YOU SO MUCH!!! ^___^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD