BIYERNES. Umuwi si Angel galing sa buong araw na paghahanap ng trabaho. Business Management major in Human Resource Development Management ang course niya kaya kahit anong kompanya pwede niyang pasukan. Pero noon pa man gusto na niya magtrabaho sa hotel kaya sa araw na ‘yon sa mga sikat na hotel siya nagpasa ng curriculum vitae niya. Maghihintay na lang siya ng tawag. Katulad ng dati, nagdalawang isip siyang pumasok sa loob ng bahay ng tiyahin niya. Kinailangan muna niyang huminga ng malalim at tatagan ang sarili para hindi siya maapektuhan ng masakit na salitang siguradong ibabato na naman nito sa kaniya. Pero pagpasok ni Angel wala sa sala ang tiyahin niya. Kahit ang asawa nito na madalas nanonood lang ng TV maghapon, wala rin kahit saan. Tahimik ang bu