Chapter 8

998 Words

NAPATITIG si Angel sa nakapaskil sa bulletin board na nasa ground floor lobby ng College building nila. Naroon ang final list ng mga estudyanteng magma-martsa para sa graduation sa May. March pa lang kaya mayroon pang dalawang buwan bago ang araw na ‘yon. Ang mga graduating student siguradong magiging busy sa paghahanap ng trabaho. Kasama na sa listahan na ‘yon ang pangalan ni Angel. Nakapagbayad siya sa huling araw ng bayaran. Uminit ang mukha niya at parang nilamutak ang sikmura niya nang maalala ang nangyari nang gabing ‘yon. Two weeks na ang nakararaan. Nagising siya ng madaling araw na wala na sa hotel Suite ang estranghero. Ang costume na suot niya para sa Bachelor’s Party, maayos na nakapatong sa paanan ng kama. Sa tabi ‘non isang simpleng casual dress na may kasamang pares ng un

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD