April's P.O.V Matapos ang nangyaring sagutan namin ni Juctril no’ng nakaraan ay hindi na niya ako pinapansin at iniiwasan na niya ako. Maaga siyang umaalis sa bahay at late umuwi kapag gabi. Ang nakakagulat at masakit pa ay nagdadala siya ng babae kada gabi sa bahay, iba’t ibang babae. Hindi ko kayang makitang ganito si Juctril. Hindi niya ugaling magpalit-palit ng babae pero hindi ko na alam ang iisipin ko. Hindi na siya ang Juctril na nakilala ko noon. Ang Juctril na palabiro at mahal na mahal ako. Miss na miss ko na ang dating siya. “Babe! ‘wag jan! May kiliti ako jan!” Napatigil ako sa pag kain at napatingin kay Juctril na may iba na namang kasamang babae. Nakayakap si Juctril ngayon sa babae habang hinahalikan nito ang leeg. Napahawak ako sa dibdib ko a