APRIL POV. Nakatira parin si Jessica sa pamamahay namin ni Juctril. Sa mga araw na nandito siya ay lagi niyang pinaparamdam sa akin na mas may lamang siya at mas binibigyan ng pansin. Wala naman akong magawa kindi tanggapin nalang lahat kahit masakit makita na inaalagaan ng asawa ko ang kabit niya. Kapag titignan mo ay para silang bagong kasal at masayang masaya kasi magkakaanak na sila. Naintindihan ko naman si Juctril kung bakit niya ginagawa 'yun. Ginagawa niya 'yun kasi masilan ang pagbubuntis ni Jessica at kailangan ingatan ang bata. Ayoko naman na may masamang mangyari sa baby kahit gustong gusto ko na may masamang mangyari kay Jessica, masagasaan man ito ng sasakyan o di kaya mahulog sa hagdan. Pero mabait ako at may awa sa bata kaya hindi ko nalang inisip 'yun. "Hoy, April! Bak