APRIL POV. "Magandang umaga, hija! Halika na at makakain na.” Nakangiting sabi ni Manang Bebeng. Ngumiti ako pabalik at naglakad na papuntang Dining area. Bahagya akong nagulat ng makita ko si Juctril na prenteng nakaupo habang may hawak na dyaryo. Napatingin siya sa akin. "Gising ka na pala, kumain ka na at may pupuntahan tayo.” Malamig niyang sabi. Tumango nalang ako at umupo na at nag simulang kumain. "Hija, magbihis ka na raw sabi ni Juctril.” Nakangiting sabi ni Manang Bebeng habang nakadungaw sa pinto ng kwarto ko. Ngumiti ako at tumango. “Opo.” Saan kaya kami pupunta ni Juctril? Iuuwi na niya na ba ako sa Bahay namin? Napangiti ako ng maisip ko iyun. Nagmadali akong mag-ayos ng aking sarili para hindi mainip si Juctril. “Juctril,