APRIL POV. “J-juctril..” Nakita kong tumayo si Jessica at yumakap kay Juctril. "Hon! S-sinabunutan ako ni April. Binigyan ko lang naman siya ng Ice tea, eh, pero bigla niya nalang akong inaway.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jessica. “That’s not true! You pissed me off!” “Shut up!” Galit na sigaw ni Juctril habang nakatingin ng masama sa akin. Bumaling si Juctril kay Jessica ay inalalayan ito. “Are you okay?” Alala nitong tanong. Napaiwas ako ng tingin at hindi mapigilang hindi mapaiyak. “No, hon. Para akong—” Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nawalan ng malay si Jessica. "f**k! Jessica, wake up!" Dali daling kinarga ni Juctril si Jessica. Tinignan ako ng masama ni Juctril bago nagmadaling lumabas ng mansion habang karga karga