Synopsis

880 Words
Name: Brent Red Age: 25 Birthday: November 3, 1995 Civil Status: Single Nationality: Norway Occupation: Hainsha Secret Assassin Agent Position: Tracker / Doctor Motto: "“Loving someone who cannot love you the same way in return is not weakness. It’s one of the most courageous things you’ll ever do. You are putting your armour at their feet and you are saying ‘I will not fight you in this. I have loved you and that means that I have already won.” ❤ Hindi ko alam kung bakit ganito ang pagtingin ko sayo. Ang lakas ng dating mo sa akin. Kahit simple ka lang, na kung bakit gandang-ganda ako sayo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nakikita ng mga mata ko. Ang ganda mo. Mula sa buhok mong kulay pink na mahaba at kapag hinawakan mo ay napakadulas. Sa tenga mong maliit pero kapag hinawakan ay napakalambot. Sa ilong mong maganda na napakasarap pisilin. Sa mata mong mapupungay na kapag kumindat ay nakapang-aakit din. Sa labi mong malambot na napakasarap halikan. Ang mga katangiang ito ang bumabalot sa napakaganda mong mukha, nakakabighani talaga. Mula sa panlabas mong anyo na bumabalot sayo ng buo, sa balakang maganda, sa nipis ng iyong tiyan, sa indayog ng iyong mga paa habang naglalakad sa daan. Sa ganda ng iyong mga kamay at sa kinis ng iyong balat. Pati narin ang ngiti mong sobrang nakaka-akit pa kaysa sa buwan. Isama mo narin ang ugali mong bumabalot sa pagkatao mo. Sa ganda ng ugali mo na parang isang santa. Hindi mo alam kung gaano karami ang humahanga sayo. Hindi mo alam ay sa pinapakita mo nahuhulog na ang loob ko sayo. Hindi mo din siguro alam na ang taas ng respeto ko sayo at ganun ang pag pangarap ko sa isang diwatang katulad mo. Tunay na nakakamangha ang pagkatao mo. Dahil ang iyong pinapakita ay kung sino kang totoo. Bakit ka ba naging ganito? Kung pwede ka namang maging isang simpleng babae na kukumpleto sa buhay ko. ❤ "Say that you Love me!" - Brent Red - ⚔⚔⚔ Name: Alexis Martinez / Alex Age: 23 Occupation: Protecting Princess Ayana Position: High warrior in the Kingdom of Umbra in the world of Engkantadya Nationality: Umbra's White Fairy Witch Motto: "Love recognizes no barriers. It jumps hurdles, leaps fences, penetrates walls to arrive at its destination full of hope" ❤ Hindi madaling makamit ang bawat pangarap na ninanais mo. Hindi din madaling iwanan na lang at talikuran ang mga ito, dahil ito ay ang mga matagal mo nang gusto. May mga panahon na masisiyahan ka dahil nakamit mo na ang iba sa mga ito. Meron din naman na yayakapin ka ng kalungkutan dahil sa nabigo kang matupad ang isa dito dahil natural lamang yan. Ganyan ang buhay. May mga bagay talaga na mahirap makuha at madaling makamit katulad ng pag-ibig na iyong sinasabi at inaawit. Hinahangad mo na sana dumating na yung taong magpapatibok ng iyong puso, na sana dumating na yung taong mamahalin ka ng totoo at sana dumating na yung magbibigay sayo ng kahulugan kung bakit ka nabuhay sa mundong ito. Marami ka pang madadanas na mga pasakit at paghihirap bago ka dumating sa punto ng buhay mong iyan. Kakailanganin mong matutunan at tanggapin sa sarili mo na kailangan mo munang magbago at maging mas mabuti kaysa sa dati mong anyo. Kakailanganin mong dumanas ng pagdudusa at sakit mula sa kamay ng iba't-ibang klase ng tao para mas maging matatag ka. Ito lamang ay parte ng buhay na kung saan ay kahit anong gawin mo ay hindi mo matatakasan. Pero gaya ng sinasabi ng iba, kapag napagtagumpayan mo ang mga ito ay magiging iba ka na, iba kana hindi tulad ng dati dahil alam mong kaya mo na. Ang pag-ibig na iyong inaantay dati at hinahangad mo ay hindi lumalapit sayo pero kapag tinuon mo ang sarili mo sa ibang bagay ay alam mong kusa nalang itong lalapit sayo. Alam mong kaya mo nang maghintay para sa kanya. Na alam mong hindi minamadali ang mga bagay dahil sa mga pagmamadaling iyon ay magkakamali ka, na lahat dito ay may itinakdang oras para gisingin ka at hinahayaan mo muna ang panahon na gawin nyang mabuti ang sarili nya bago kayo magkita. Kapag dumating na sa puntong ginising ka na nya mula sa mahimbing mong pag kakapanaginip ay alam mong sya na talaga. Kahit na gaano na katagal ang oras na inyong hinihintay para makilala ang isa't-isa ay balewala na dahil sa wakas magkasama na kayong dalawa. Kayo na ang itinadhana at itinakda. Kayo ang pinili para pasayahin at mahalin ang bawat isa. Hindi naman kasi balakid ang oras kung talagang nangangarap ka na matutupad ang pinapangarap mo. Dahil dadating din ang tamang panahon na makakamit mo ang pag-ibig na totoo. ❤ "Remind me how to love you!" - Alexis Martinez - ⚔⚔⚔ “Loving someone who cannot love you the same way in return is not weakness. It’s one of the most courageous things you’ll ever do. You are putting your armour at their feet and you are saying ‘I will not fight you in this. I have loved you and that means that I have already won.” ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD