CHAPTER 7

1161 Words
Tulad nga nang napag-usapan namin ni Yssa ay pupuntahan niya ako dito sa bahay around 8 PM. Thirty minutes palang bago mag 8 PM ay nandito na si Yssa, kaya nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Hindi ko alam pero nakairap na tinitignan ako ni Yssa ngayon. Mukhang may ipinagtataka. "Anong meron at pangiti-ngiti ka?" Tanong sa akin ni Yssa, sabay lipat ng channel sa pinapaunod. Muli akong napangiti at umiling na lang. "Wala," Paano ba naman kasi, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin. Tinawagan kasi ako ni Troy kanina at matagal kaming nag-usap! Siguro mga ten minutes rin 'yon. Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang may kumalabit sa balikat ko. "Nababaliw ka na ba? Pangiti-ngiti ka diyan!" Aniya. "Basta, hintayin mo lang ako saglit, maliligo lang ako." Sabi ko at tumango naman siya bilang tugon. Habang naliligo, hindi ko maiwasang hindi mapahiyaw sa kilig! Paano ba naman kasi, sa ilang minutong pag-usap namin ni Troy ay parang isang buwan na ang itinagal para sa akin. Ang gwapo pa ng boses niya sa telepono at "Hoy ulan! Nababaliw ka na ba?" Malakas na katok sa pintuan ni Yssa. Napasimangot naman ako at ipinagpatuloy na ang pagligo. Siguro nga this time, malakas na ang epekto sa akin ng Troy na iyon. Hindi naman ganoong katagal kaming magkakilala nang Troy na iyon pero ewan ko at napakalakas ng dating niya sa akin. Iba sa nararamdaman ko kay Vince noon. Pagkatapos kong maligo ay sumalubong sa akin si Yssa na nakasimangot na. "Akala ko na-deads ka na sa cr n'yo! Kaloka, muntik na akong maagnas dito sa tagal mo." Nakasimangot na sabi niya. Napatawa naman ako 'ron. Loko-loko talaga itong kaibigan ko, alam naman niyang matagal akong maligo eh, di sana late na rin siya pumunta sa bahay para hindi siya nainip. "Iwan mo nalang ang sasakyan mo sa labas, 'yung mazda ko nalang ang dalhin natin." Sabi ko habang pinapatuyo ang buhok. "Wala akong dalang sasakyan today, sira yung civic 'ko di'ba?" Napailing na lamang muli ako sa kalokohan ng isang ito. Paglabas namin ng kwarto ay tahimik ang paligid. Syempre walang tao, dalawa lang ang maid sa bahay namin at sa oras na ito baka nasa maids room na ang mga iyon, tapos na rin kasi kaming maghapunan. "Saan ka pupunta?" Napapitlag ako nang marinig ko ang baritonong boses ng kapatid ko. Si kuya Michael. Akala ko ba'y bukas pa ang uwi niya rito! "Uhh, kuya.." Inilagay ko sa likod ang dalawang kamay ko at sinulyapan ng tingin si Yssa na ngayon ay tila ba nahihiya sa kapatid ko. Ang alam ko kasi, may crush itong si Yssa sa Kuya ko.may pagkakataon pa nga noon na pinag-awayan pa namin ang kuya ko, paano ba naman kasi ay nakita kong wallpaper niya ang kuya ko sa iPhone niya. Lukaret talaga. Hindi ko naman kasi maipagkakaila na may ipagmamalaki talaga ang Kuya Michael ko, gwapo ito at may katangkatan talaga, 'yun nga lang, suplado. Hmp! "Saan ang lakad n'yo? Gabi na." "Kuya, pupuntahan lang po namin 'yung groupmates namin sa management, alas-otso 'yung usapan namin pero magna-nine na pala," "And?" Napalunok ako bago sumagot. "Uuwi rin naman agad kami kuya, at wala namang pasok bukas," Matagal bago sumagot si Kuya. Ano ba yan, kokontrahin pa yata ang lakad namin ni Yssa. "Kuya, pwede na ba kami umalis?" "Siguraduhin mong uuwi ka agad, malalagot ka sa akin." Sabi niya, nabuo naman ang isang masayang isipan sa utak ko. Ayos! Pagkasakay namin ng sasakyan ni Yssa ay medyo natutulala pa rin siya, "Nakakatakot talaga Kuya mo, feeling ko talaga bagay kami." Aniya. Ngumisi na lamang ako at hindi na siya sinagot. sabagay, maganda naman ito g kaibigan ko at swak sa panlasa ng kapatid ko, mahilig kasi sa ma-booby ang kuya ko. Hmp. Pasado alas-diyes nang makarating kami sa Valkyrie ni Yssa. Hindi naman kami hinarang ng security personnel dahil nasa tamang edad na naman kaming dalawa para dito. Maraming mga magaganda at gwapo dito, marami rin na sa tingin kong couple o flings lang nila, may sumasayaw pa nga sa dance floor at nakakabingi ang ingay na nililikha ng DJ. "Girl. Marami yatang tao today," Aniya sabay hawak sa braso ko. Nang makahanap kami ng table namin ay agad kaming umorder ng beer. Beer kasi ang napagkasunduan naming inumin at hindi ako maglalasing masyado dahil magmamaneho pa ako pauwi, ihahatid ko pa ang kaibigan ko sa bahay niya. "Sayaw kaya tayo?" Tanong niya. Tumango naman ako, pumunta naman kasi kami dito para mag-enjoy. Nasa gitna kami ng dance floor nang lapitan ang kaibigan ko nang isang hindi ko naman kilalang lalaki, ayun nagsayaw na silang dalawa habang ako patingin-tingin sa paligid. "Hi, Miss." Nagpakita ang puting-puting ngipin ng gwapong lalaking hinawakan ang baywang ko. Medyo nailang naman ako at lumayo ng kaunti. "Are you alright?" He clearly said, mukhang hindi pa lasing ang isang ito. Tumango ako. "Yes." "So, may i know your name?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko ang isa niyang kamay para dalhin sa balikat ko, medyo light music nalang ang pinatugtog ng DJ kaya mabagal ang tono. "Reign." Tumango-tango siya, "Nice name." "You?" "Miko." Sabi niya. Ngumiti naman ako at dinama ang senaryong ito. Mukha namang mabait ang isang ito. "Wala bang magagalit sa akin?" Biglang tanong niya. Napakunot naman ang noo ko. "Why?" "Do you have a boyfriend? Haha i'm sorry i'm just asking." Tanong niya sabay tawa. Napailing naman ako. "Wala." "Hindi mo ako nakikita sa University?" Tanong niya bago ko siya muling tignan, nasa baba kasi ang paningin ko. "Nakikita kita kaso, hindi naman ako nakakalapit sa'yo." He added. Nanlaki naman ang mata ko nang mamukhaan ko siya. I don't know his name pero player siya sa basketball ng university namin. I smiled. "Nakikita kita kapag may game sa school." Tumango naman ito at nakita ko ang pag ngisi niya. "Sorry, hindi agad kita nakilala ah?" "No probl-" "Dude, back off." Napatigil ako sa pagngiti, nang marinig ko ang napakapamilyar na boses na iyon. "Who are you?" Tanong ni Miko na ngayon ay seryoso nang nakikipagsukatan na ng tingin kay Troy. Napakunok ako bago hawakan ang naginginig na kamay ni Troy. "T-Troy, W-What are you doing here?" Hindi siya sumagot sa tanong ko, sa halip mabilis na hinila niya ako palayo sa dance floor. "You! What are you doing here?!" May otoridad na sabi niya. Sumidhi ang takot sa sarili ko. "I am with my friend." Inis na napahawak siya sa ulo niya. "Guy?!" "K-Kasama ko si Yssa." "Umuwi ka na." Napatigil naman ako at mabilis na umiling. "What? No." "Umuwi ka na," Inis naman akong napakamot sa ulo ko. "I said no and i'm okay, why are you here pala?" Pag-iiba ko ng tanong at pag-iwas ng sarili ko sa pagkakahawak niya. "I'm with someone." Mahinang napabuntong hininga naman ako. "A girl?" Tumango ito kasabay nang pagkawala ng kung anong mga paru-paro sa tiyan ko. Hashtag medyo sawi. <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD