CHAPTER 6

1364 Words
Napagkasunduan namin ni Troy na magiging girlfriend niya nga ako kapag si Althea ay malapit sa amin, or anywhere and anytime he wants. Pambayad na rin sa kasalanang nagawa ko sa kanya. Hindi na rin naman ako tumutol pa dahil in the first place, um-oo na rin naman ako at ayoko nang bawiin pa ang oo na iyon, umasa na ang tao. Ngayon, kasalukuyan akong naglalakad patungo sa classroom ko. Ang start ng class ko ay 9:00 AM pa pero 30 minutes pa bago mag-nine. Napaka-aga ko pa, paano ba naman kasi, ang aga akong ginising ng yaya ko, ala-singko pa lamang eh, kinakalampag na ang kwarto ko. Wala rin akong magawa sa bahay dahil wala sa bahay ngayon si Mommy at Daddy, nasa cebu kasi sila kaya pag nasa bahay ako ay sobrang naboboring ako, yung kapatid ko naman na panganay na si Kuya Michael eh, lagi akong inaasar, at naiinis naman ako ng todo. "Reign," napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng hallway nang marinig ko ang napaka-pamilyar na boses na iyon ni Vince. Ang ex ko. My very first love na sinaktan lang ang heart ko. Bahagya akong lumingon at nakita ko si Vince 'ron na nakatungo malapit sa akin. "G-Good morning." Bati niya. Tumango ako at lumakad na muli pero mabilis ko ring naramdaman ang kamay niya sa braso ko. "Can we talk?" Nag-aalangang tanong niya. "We are now talking." Tumingin muli ako sa kanya at ngayon ay nakatungo pa rin siya na tila ba nahihiya sa harapan ko. "Sorry for everything i've done to you." He said. "Yun lang?" Umiling siya at muling nagsalita. "P-Pustahan lang ang lahat na paibigin kita reign. I'm so sorry, hindi na kaya ng konsensya ko na magsinungaling pa sa'yo." Nabigla ako sa sinabi niya at hindi ako makapaniwala. "N-Niloko mo lang talaga ako.." Hindi ko alam pero kusa na lamang talagang bumalatay ay sobrang kalungkutan sa mukha ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Siguro nga, hindi niya talaga deserve na maiyakan. Niloko niya ako at wala akong kaalam-alam 'ron, at ngayong alam konna ang ginawa niya sa akin ay wala na rin akong magagawa. Gusto ko talagang humagulgol pero hindi ko magawa, sagad na ako at tama na ang huling pag-iyak ko sa kanya noong nakaraan. "S-Sorry Reign, pero minahal rin naman talaga." Sa sinabi niyang iyon ay kusa ko na siyang nasampal. Kusa nang tumilapon ang kamay ko sa pisngi niya. "Nasaktan mo ako tapos ngayon magso-sorry ka? Gusto mong mapatawad kita? Ang kapal mo!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napaiyak na ako, kahit na anong pigil ang gawin ko ay hindi ko magawa. May mangilan-ngilan na estudyante ang nakiki-usyoso sa amin pero wala na akong pakialam pa 'ron, basta sa akin lang, nalaman ko na ang dahilan nang lahat ng ito. Pinagpustahan lang pala ako ng gagong Vince na ito. Marahas kong pinunasan ang luha sa mukha ko at tumalikod na, mabuti naman at hindi na rin niya ako hinabol pa. Tangina niya, pustahan lang pala ang lahat ng iyon, tapos ngayon magso-sorry siya? Para saan pa. Sobrang nasaktan ako. First love ko siya at sa dinarami-rami ng manliligaw ko ay siya lang ang inentertain ko. Pakiramdam ko tuloy, para ba akong bigong-bigo sa buhay. Hindi ko alam, sobrang sakit lang talaga sa pakiramdam at kahit ngayon ay mahirap paniwalaan ang sinabi niya. Letseng pustahan iyan! Pagpasok ko sa classroom ay may mangilan-ngilan na akong kaklase na nandoon kabilang na si Yssa na nasa harapan ng bintana at mahinang kumakanta. Mukhang walang alam sa nangyari sa labas. "Valkyrie tayo mamaya?" Paanyaya ko sa kanya. Tila ba hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko, kadalasan kasi kapag inaanyaya niya ako na mag valkyrie kami ay hindi ko pinapaunlakan ang paanyaya niyang iyon. Hindi naman kasi ako mahilig mag-club at ewan ko ba sa utak ko kung bakit biglang pumasok sa utak ko na mag-valk kami mamaya. "Yes! Buti naman at naisipan mo." Aniya, "Heartbroken eh." Sagot ko. Narinig ko naman ang halakhak niya. Napasimangot naman ako. "Teh! Hanggang ngayon di ka pa rin nakakaget-over sa uwak na iyon? Kapanget-panget naman gurl! Ewan ko ba kung anong gayuma ang pinainom sa'yo 'non at hanggang ngayon ay patay na patay ka." "Ewan ko sa'yo." Nag-umpisa na ang klase at syempre ay nakinig ako sa prof namin. Fourth year college na kasi ako at gagraduate na rin next sem kaya todo study talaga ako ngayon kahit na heartbroken ako. Natapos ang ilan pang mga klase at ngayon ay Rizal na ang subject namin, dito ko na rin magiging kaklase si Troy. Irregular student naman kasi siya dahil transferee siya at bukod pa 'don, iba ang course niya sa course namin. Ilang minuto pa bago mag-rizal ay nakita kong pumasok ng klase si Troy, hindi ko maiwasang hindi mamangha nang makita ko siya sa katulad ng uniform ng mga kalalakihan rito. Aamin ko, gwapo siya sa paningin ko lalo na't mukha siyang good boy sa suot niyang uniform ng university namin, matangkad rin siya at kapag tinignan mo siya sa kanyang mukha ay mapapansin mo agad ang mapula niyang labi at matangos na ilong. Arrgh! Ano ba itong naiisip ko! Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. "Good morning, ulan!" Bati niya. "Good morning, din." Sabi ko. Binalingan ko siya ng tingin at nang mapansin kong may pasa siya sa gilid ng kanyang mukha ay bahagyang nanlaki ang mata ko. "Bakit may pasa ka?" Tanong ko rito, at akmang hahawakan ang pasa niya pero umiwas siya. Umiling siya at humarap sa akin. "Wala ito.." Inilapat ko ang labi ko. Hindi ko na rin naman siya kinulit oa dahil dumating na rin ang prof namin sa Rizal. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng prof namin ay biglang ipinagong ni Troy ang iPhpne niya sa mesa ko. "I need your number," mahinang sabi niya sa tabi ko pero salat na upang marinig ko. "Bakit naman?" Tanong ko at diretso pa rin ang tingin sa prof ko na ngayon ay nagsusulat na sa white board. "I need your f*****g number. Kapag hindi mo nilagay ang number mo ay hindi ko na kukunin iyon kahit kailan." Sabi pa niya. Kinuha ko agad ang cellphone niya at agad na nilagay ang number ko 'ron. Inabot ko rin naman sa mesa niya ang cellphone ko matapos kong i-save ang number ko. Hindi ko na siya pinansin pa at muli ko nang ibinaling ang atensyon ko sa prof namin. Ewan ko ba pero bigla akong nainis sa lalaking katabi ko, feeling boss kasi na akala mo kung sino. Matapos ang klase ay umalis na rin ako, kasabay si Yssa. Last subject na rin naman kasi ang Rizal at gusto ko nang makauwi na muna sa bahay para makapagpahinga, para mamaya maenjoy namin ni Yssa ang gabi. Pag-uwi ko ng bahay agad akong kumain at pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto ko para saglit na magpahinga pero tumunog ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nag-text pero hindi ko naman kilala. Unknown Number Are you mad? Nag-type ako sa cellphone ko para maka-reply. Who you? Inabangan ko ang reply niya pero wala naman akong natanggap pa hanggang sa atukin na ako, naalimpungatan nalang ako nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko. May tumatawag! Hindi ko pa man nakikita kung sino iyon ay agad ko nang sinagot, akala ko kasi sila mama. "You mad?" Nawala ang antok ko sa napakapamilyar na boses na iyon. Si Troy! "Troy?" Tanong ko upang makasigurado. Narinig ko pa ang pagtawa niya mula sa kabilang linya. "Sino pa ba?" Tumatawang tanong niya. Sa pagtawa pa lang niya ay tuloy-tuloy na ang pagbilis ng t***k ng puso ko, sigurado ako, iba na talaga ito. Ibang-iba na. Mukhang tinatamaan na ako sa lokong Troy na 'yon ah! "You there?" He asked, mukhang paos siya at narinig ko ring maingay ang background niya, siguro ay nasa school pa siya magpahanggang ngayon. "Yes." "Good." Sabi pa niya. Tumikhim naman ako at saka nagtanong. "Bakit ka pala napatawag?" "I thought you mad at me." Napangit naman ako, mabuti na lamang at hindi niya ako nakikita. "Hindi noh!" Maang na sabi ko habang nagpipigil ng ngiti. Oh lord! Kinikilig ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD