Nang matapos sa paglalaba at pagsasampay si Mia ay pinuntahan niya muna ang cellphone niya sa kuwarto niya at nag-tungo sa labas ng bahay.
"Kent, Ian. Pasok kayo, Dali." Paanyaya niya sa dalawa na nagtuturuan pa sa kani-kanilang mga sarili.
"Manonood ba tayo ulit ng Netflix madam?" Natawa nalang si Mia dahil sa kahiligan ng mga ito sa mga palabas.
"Iba naman ang panoorin natin, 'yung action pero traditional! Alam niyo 'yung si Ha Ji Won? Nasa Empress Ki!" Excited na pagbabahagi ni Ian at nauna pa ngang pumuwesto sa sala.
"Sige, mukhang maganda naman 'yang suggestions mo today. 'Yun na panoorin natin." Pag-sang ayon naman ni Mia at sumunod sa dalawa do'n sa sala. Hinayaan niya si Ian na maggamay ng TV dahil hindi pa naman siya marunong.
"Pero, Boss Madam. Series 'to. Baka ilang araw natin bago matapos?" Puna ulit ni Ian. Tumingin si Mia sa screen at nakita nga na may dalawang-po na episode. Ngumiwi siya. Pero mukha naman kasing maganda.
"Hindi ba kayang panoorin ng one day?" Nakakabitin ba naman kasi kung putol-putol ang panonood. Nagkatinginan si Kent at Ian tiyaka sabay siya na nilingon.
"Pwede, Madam! Pero mag-grind ka talaga sa panonood?" Dahil sa salita na sinabi ni Kent ay napatigalgal si Mia. Ano ba kasing grind? As in grind?
"Anong grind na ibig niyong sabihin?" Sadya bang bobo siya o mahalay lang talaga? Kahit ano-ano ang pumasok sa utak niya eh!
Idagdag pa na may pagka-slow ang dalawa at nalilito din sa tanong niya. "Grind nga Madam! Ganid ba." Sa eksplanasiyon ni Ian ay mas lalo lang siyang nagugulohan.
Sinapak ni Kent si Ian saka binunot ang personal nitong cellphone. "Sandali nga, e search natin sa google para malaman ang meaning!" Sini-seryoso pa nga nito ang pagta-type. At mukhang hindi bihasa si Kent sa keyboard kaya inagaw ni Ian at ito na mismo ang nagtype.
"Ang bagal mo mag type, aabutin tayo ng siyam-siyam!" Reklamo ni Ian saka ibinalik ang cellphone sa kapatid na si Kent. "Ayan, pakita mo kay Madam ang meaning. Bobo ako sa english eh!"
Naiiling na lamang si Mia sa dalawa at binasa ang kahulogan ng grind. Tama nga si Ian, ganid. Meaning straight na panonood. Pero may similar word pa na nagsasabing katumbas ng twirk ang grind, which is 'yun ang una niyang pagkaka-intindi.
Nahihiya na ngumisi si Mia dahil sa ka-slowhan niya. "Pasensya na, slow si ako."
"Ayus lang madam! Ano, nood na tayo noh?!"
"Sure!" Sa paglayon ng araw na pananatili ni Mia sa bahay ni Alexus ay nagiging kaibigan niya na rin ang dalawa. Hindi lang kaibigan kundi sobra pa doon at parang kapatid na niya ang mga ito. Nanood sila ng Empress Ki hanggang sa maggabi. Siguro ay ipinu-pause lang nila saglit ang panonood dahil sa kinailangan nilang maghapunan.
"Ang saklap ng kinahihinatnan ni Sungnyang ay ng anak niya, matatagpuan pa kaya niya 'yun?" Nag-aalala na tanong ni Mia habang nagluluto siya ng pakbet.
"Nakakaawa nga eh, bakit ba kasi hindi alam no'ng nobyo niyang hari na may anak sila? Nakakabaliw din ang storya, sarap pumasok sa TV." Komento ni Kent ni nanggigil sa inis do'n kay WangYu na walang alam na nagsilang pala ng sanggol ang minamahal habang tinutugis ng mga hindi makilanlan na kawal si SungNyang at muntikan ng mahulog sa bangin.
"Mas nakakaawa 'yung bata talaga, imposible na mabuhay pa 'yun. Sa taas ng bangin na binagsakan no'n tapos sa lambot ng katawan ng bata. Naku, huwag na tayong umasa." Si Ian naman na mukhang dismayado sa naganap. Do'n kasi muna sila natigil.
Nag fried rice lang na nilagyan ng itlog at iilang rekado si Mia. Sayang kasi ang kanin na naiwan kaninang tanghali at umaga na hindi nila naubos. Nagdala pa sila ng sobra sa sala para magsilbi na rin nilang snacks. Pero shempre, hindi naman nakakalimutan ni Mia na ipaghanda ang asawa niya. Tinakpan lang niya ang mga nakahanda sa lamesa bago bumalik sa panonood kasama ang dalawa.
Hangganh sa hindi na kaya ng sikmura ni Mia na lumamon pa. "Kayo na ang umubos ng pagkain, ha? Busog na talaga ako, eh."
Mukha namang matakaw ang dalawa kaya't ipinagpasalamat niya na rin dahil hindi masasayang ang niluluto niya. Ang magkapatid ay nakaupo sa mismong puwesto na kinauupoan niya no'ng una, sa harapan ng center table at ng TV habang siya ay nasa couch. After niyang uminom ng tubig at mag mumug ay inihilig niya ang katawag sa hiligan ng couch at unti-unting nagpalamon ng antok.
---
"Babe, after ba nitong dinner natin ay uuwi ka na agad?" Tanong ni Denise habang nasa isang pribadong restaurant sila at kumakain sa rooftop. The sparkling stars above the lone sky were the witnesses of their date. Maganda rin ang view at tanaw ang kabuoan ng metro.
"I'm tired with countless meetings, babe. I have to rest and prepare for another wave of work tomorrow." Kalmadong sagot ni Alexus habang mainam na kumakain.
Lumapit si Denise kay Alexus at kumunyapit sa braso nito at humilig sa balikat ng nobyo. "I'm gonna miss you again. Bakit ba kasi kailangan na magiging limitadi ang pagkikita natin, Czar. Ayoko ng ganito nalang lagi." Maktol nito. Inilagay muna ni Alexus ang mga kubyertos at niyakap ang nobya mula sa gilid.
"I'm looking for the solution, so please bear with me and we will be together soon. Hindi ba't gusto mo pang mag-modelo? As far as I know, ay may photoshoot ka sa Las Vegas next week?" Mataman na sambit ni Alexus dito habang marahan na hinahaplos ang braso nito. Pero sa bawat haplos na ibinibigay niya dito ay ang naiisip ni Alexus ay ang bahay niya at ang posibleng naghihintay sa kaniya ngayon do'n. Kahit ilang beses na niyang sinita ang sarili na huwag iyong isipin ay kusa pa rin talagang pumapasok sa isip niya si Mia at munti nitong kasiyahan.
"Wow! Narinig mo pala 'yun?" Namamangha na sagot ni Denise kay Alexus.
He just let a playful smirk mark on his lips, "There's nothing I wouldn't know, babe." His voice was dimmed and a bit off. Making Denise shivered with fear. Take note, hindi pa siya nakatingin kay Alexus. "I will find everything, bit by bit, and will make the bastards who ruined my beautiful occassion into dust will be severely suffer. You keep it in mind, babe." Hindi nakasagot si Denise, sapagkat pinangunahan siya ng takot at kaba. Alexus has always been fearless and a monster. That's why she feared him even after the gentleness he showed to her. Pero magiging gano'n lang naman si Alexus kapag may nagkautang dito na hindi nagbayad ng tama, lalo na sa mga taong nangangahas na manghuthot sa kinauupoan nito.
"I'll go now, babe. You should head home and sleep too. We'll meet again, alright? I love you." Pinatakan muna ng masuyong halik ni Alexus si Denise bago tumayo at nauna ng umalis. Hanggang sa hindi na niya ito makita ay saka lang tuloyan na bumagsak ang naghihina niyang tuhod.
Was that a signal of threat from him? Posible kayang may alam na si Alexus tungkol sa mga ginagawa kong pagtataksil?
---
Nakauwi si Alexus nang madatnan ang tatlo na nanonood ng Netflix at dahil ang asawa niya naman ang nag-imbeta sa dalawa ay wala namang kaso 'yun sa kanya.
Tahimik na lumapit si Alexus kay Mia na tahimik na nanonood at yayakapin niya sana ito mula sa likuran nang mapansin niyang tulog na pala ito. Nakita pa niya ang nabitawan nitong cellphone na tila ba kanina pa nito hawak.
Damn, was she waiting any of my texts or calls? How was he able to missed it without noticing?! He stared at her sleeping face and how cute her position was. She's squatting over the couch while her head was resting above the headrest with her left hand supporting the side of her face.
"Master, nariyan na pala kayo." Pag-bati ni Kent kay Alexus. Tumango lang si Alexus dito.
"Good evening, Mas--!" Maingay si Ian kaya't kinailangan takpan ni Kent ang bibig nito nang mapansin na natutulog na ang Boss Madam nila.
He eyed them and glance back to his wife after, "Kanina pa ba kayo nanonood? How was she doing?" He wonder about her day, since he accidentally neglected her.
"Actually, Master. Kanina pa kaming umaga nanonood. Kasama lang namin si Boss Madam dito buong maghapon hanggang sa mag gabi." Pagsisiwalat naman ni Kent sa Master nila sa mababang boses.
Umikot si Alexus at marahan na hinaplos ang asawa sa pisngi nito. She looked very tired, sigurado ba ang mga ito na nanonood lang sila ng TV magdamag? "You guys can stay here, once the movie is done, you can step yourselves out of my house." He said coldly, before carrying his wife into his arms and made his way up to his bedroom. He tucked her in beneath the quilt right before going to the bathroom and shower.
When done, he glanced at Mia who was still sleeping peacefully. Nagbihis muna siya bago bumaba para magpunta sa kusina nang madatnan na naman niya ang hinanda nito. Like the last time, may nakaantala pa ring stick note sa lamesa. Telling him to eat what she prepared, bawal magpalipas ng kain kahit na nakakain naman na siya kasama si Denise kanina. Hindi siya nagpatumpik-tumpik at kinain ang hinanda nito. Not wanting his wife to be disappointed just because he neglect what she prepared for him.
Kung tutuusin ay mas masarap pa ang luto nito kaysa kinain niya sa dinner date nila ni Denise. Kung maka-kain siya ay parang walang preno at tuloy-tuloy lang. Damn, my wife cooks very well!
After kumain ay hinugasan niya nag pinggan niya, baka mapagalitan siya kapag iniwan niya sa lababo. Umakyat na siya ng matapos at tumabi rito ng higa. He snaked his hand to her stomach and pressed her closer to his body. Her scent is his paradise, where he could feel comfort and delight.
Bahagyang umungol si Mia dahil sa ginawa niya, mukhang nainis ito dahil sa paghapit niya rito pero hindi naman siya nagpaawat at kalaunan ay kumalma rin si Mia.
KINABUKASAN nagising si Mia sa hindi niya kama at nakita ang mister niyang mahimbing na natutulog habang mahigpit siya nitong niyayakap. Parang ayaw pa siyang pakawalan. Napangiti na lamang siya nang mapagmasdan kung gaano ito ka-bait habang tulog. Nadedepena ang natural nitong ka-guwapohan. Kahit nga tulog ay magkasalubong pa rin ang kilay. Ang makapal nitong pilik mata ay mahaba at maayos na pagka-curve. Samantalang ang ilong niya ay may kalakihan ngunit matangos. Makinis din ang balat nito na parang alagang lotion, hindi niya nga lang alam kung anong brand, basta makinis at walang marka ng kung anong pimples o galos. Ang labi naman nito ay manipis at nakaka-akit. Hindi niya kaagad naiiwas ang paningin niya sa labi nito, lalo pa’t naalala niya ang mukha nito kapag nagsasalita at kung papaano ‘yun kukulubot.
Sanhi rin ng hindi niya pagkaka-pansin na gising na pala ang mister niya at ino-obserbahan rin ang mukha niya. Makaloko itong ngumisi na ikina-gulat niya. “Do you want to be kiss by me, wife? My lips is yours.” Preteng sabi nito. Mabilis siyang lumayo pero agad din naman siyang bumagsak sa matigas nitong dibdib. “I just want to tell you that you’re blushing.” Tila ba natutuwa ito sa isiniwalat nito.
“B-Bakit naman ako magpapa-halik sa’yo? Hindi ko kailangan ng halik noh!” Asik niya sa dibdib nito. Sinubokan niyang i-ahon ang sarili pero agad siyang nabakuran ng mga braso nito sa kaniyang bewang. “Alexus, pakawalan mo ako. Marami pa akong kailangan gawin.” Giit niya, pero wala pa ring effect kay Alexus na ngayon ay nagpapaka-sasa sa pakiramdam na naidudulot ng asawa niya sa kaniya.
“You don’t have to get off so early, wife.” Wika ni Alexus at hinaplos ang maliit na likuran ni Mia. Mis automatically stilled at what he did. Parang may isang nakakapanginig na daloy ng kuryente ang dumaloy sa sistema niya. “Wala akong pasok ngayon. But I’ll be working here at home.” Para itong bat ana nagpapa-bebe sa ina niya. Ang korne ng isang ‘to. Parang ngayon lang nakaranas na mayakap.
“So, hanggang kailan mo ako yayakapin ng ganito, ha? Hindi naman pwede na maghapon tayo dito sa kuwarto.” Turan niya na ikina-ngisi ni Alexus ng tahimik.
“If you want it, then we’ll stay here the whole day.”
“Ano?!” Agaran na napapa-react si Mia. Hindi naman kasi siya baboy para magkulong dito sa kuwarto buong mag-hapon. Itong asawa niya, napakalakas ng urge ng topak. Klase ng topak na may nabalibag na turnilyo sa utak.
“Gano’n mo na ba talaga ako ka-ayaw upang pag-bigyan mo ako sa hiling ko, asawa ko?” Nagtatampong saad ni Alexus na ikina-ngiwi ni Mia.
Naisip ni Mia na dapat maging aware na rin siya at bigyan ng caution ang lalaking nag-mistulang mister niya ngayon, they can’t something at the early process. “Gusto mo talaga?” Pero sa huli ay hindi niya pa rin masabi. Gaano ng aba ‘yun ka-hirap?
Nag-angat siya ng tingin nito at agad naman nag-tagpo ang kanilang mga paningin. He nodded like a kid, “I do. If you’d let me hug you all day, it’ll regenerate the exhaustion I have from deliberate work I encounter for the past days.”
Napahugot ng isang malalim na hininga si Mia at inayos ang pagkaka-puwesto niya sa ibabaw ni Alexus. “Sige, kung ‘yun ang ikaka-gaan ng pagod mo.” Kung makakatulong siya sa pagka-wala ng nararamdaman nitong pagod, wala naman sigurong masama kung ipapahiram niya ang sarili, hindi ba? “I’ll stay, hindi ako aalis.” She assured him that somehow embraces his heart. Masuyo pa niyang niyakap pabalik ang asawa at gano’n din ito sa kaniya. Ang ginawa nitong pag-suklay sa buhok niya ay tunay na nakakapang-hatak ng antok.
Pareho silang dalawa na nakatulog ulit, habang nasa gano’n pa rin na posisyon hanggang sa mag-hapon. Naunang nagising si Alexus kay Mia. Alas kuwatro na at wala pa silang naka-kain. Kasalanan ba naman niya dahil sa pagiging pabebe niya sa asawa niyang inosente na hindi marunong mag-decline sa mga gusto niya.
Just like how lucky he become.
“Sleep well, my dear wife.” Inayos niya ito sa pagkakahiga at kinumotan. Bago lumabas ay pinatakan niya ito ng halik sa noon a labis ikina-talbog ng puso at tiyan niya.
“What was that I just felt?” Pagka-labas niya ay agad niyang tinanong anag sarili at pinakiramdaman ang pusong malakas pa rin ang t***k. “This is mysteriously weird.” Dagdag niya bago bumaba upang utosan ang dalawa na bumili ng maka-kain nila. Though, he can just order pero mas mabuti na ‘yung mabilis kaysa maghintay pa sila ng ilang oras.
Tamang-tama naman sa pagbaba ni Mia ay nai-handa n ani Alexus ang mga pagkain sa dining. “Anong oras na ba?” Humikab si Mia at nagkusot ng kaniyang mga mata. To Alexus, it was a cute gesture that he had ever seen.
“Five in the afternoon.” Tipid niyang sagot at ipinaghila ng upoan si Mia. “Come on, let’s eat. I’m sure gutom ka na rin.” Maalalahanin niyang sambit dito.
“Gutom na nga ako, ang sakit ng tiyan ko. Binubugbog ako.” Umupo ito sa pinaghila niyang upoan at parang bata na nagsusumbong sa kaniya na siyang ikina-ngiti niya. Alexus had never been this light to a woman. At kahit mismo sa sarili niya ay nanibago siya. Na para bang hindi siya at ibang tao. “Ang bango naman ng mga ‘to. Ikaw ba ang nagluto?”
Umupo si Alexus sa katabi na upoan, sabay iling. “I don’t cook.”
Tila nagising si Mia sa sinabi nito. “Hindi ka marunong magluto?” Anong silbi ng kusina nito kung hindi ito marunong magluto? Tahimik na tanong ni Mia sa kaniyang sarili.
“Kind of.” Mukhang may ayaw itong sabihin sa kaniya kaya hindi na siya nagpumilit pa at kumain nalang.
“Ang sarap ng lechon! Saan mo nabili ‘to?” Naalala niya kasi ang probinsyang sinilangan niya. Lumayon ba naman ang lechon sa Cebu.
“Sa lechon house, but I was not the one who buy it. I told Kent and Ian to go.” Anito habang kumakain pa rin.
“Pwede naman tayo bumili nito ulit, di’ba?” Nae-excite niyang tanong sa asawa na tumango lang habang umiinom na ngayon ng tubig. Sa lahat ng inihain ay sobrang natatakam talaga si Mia sa lechon. Kaya’t hindi niya rin pansin nang maubos niya ito. Saka lang sumunod ang malakas niyang pag burp, senyales na busog na siya.
Si Alexus naman ay kanina pa tapos, pinagmamasdan lang niya ang asawa na maganang kumakain. Mukha itong walang arte sa katawan, at kina-kamay ang pag-kain. Gusto man niyang sitahin, ay hindi nalang at baka ma-sira lang niya ang mood nito. “No doubt on why you’re heavy.”
Kasalukoyang hinihimas ni Mia ang kaniyang lumulubo na tiyan sa pagkabusog habang umiinom ng pineapple juice nang marinig niya ang komento ng kaniyang asawa. “Masisisi mo ba ako? Maghapon kaya tayong natulog.” Depensa niya. “Tiyaka, hindi naman ako nagbo-body conscious. Kung tataba ako, ayus lang.” Dagdag pa niya.
Humilig si Alexus sa kaniyang kinauupoan at mataman na tiningnan ang asawa, “You’re still beautiful and sexy, even if you turn fat.”
Agaran na napapabungisngis si Mia sa sinabi ng kaniyang asawa, “Natural, asawa mo ko.”
Humalukipkip si Alexus at hindi tinantanan ang asawa, “Even if you’re not. Maganda ka pa rin.”
Unti-unting nawala ang aliw sa mukha ni Mia at nagtataka na nilingon ang asawa, “Anong ibig mong sabihin?”
Humugot ng isang malalim na hininga si Alexus, bago nagsalita. “What I mean is, hindi kita tunay na asawa, Mia. Hired wife lang kita sa loob ng tatlong buwan.”