Chapter 18: Suspicion

2955 Words
"Bakit ka pa nag-abala na tulongan ako? Hindi ba't tinulak ko naman ang babae mo?" Nagtanong kaagad si Mia nang maibaba siya ni Alexus sa couch na nasa sala ng suite nila. "So, you want Thomas to help rather than me, your husband?" Hindi nakapaniwalang tanong ni Alexus. "And what do you mean by my woman? I only have you." His lies echoed the spacios living area. "Ano naman kung tutulongan ako ni Thomas?" Naiiritang sambit ni Mia kayw Alexus. "Akala mo rin ba ay hindi ko alam, Alexus? Ignorante nga ako at walang alam sa pamamalakad ng mundo mo. Pero hindi ako bulag. I can see that she's not just someone, but your real fiancé." Dagdag niya na walang halong biro at pawang seryoso na nakatitig kay Alexus na umiigting ang bagang at nagsimulang maging malamig. "Tatapatin na kita, at dapat ay no'n ko pa talaga sinabi 'to sa'yo." She heave a deep breath and exhale it longer. Biglaan kasing sumisikip ang puso niya na hindi niya makuha kung bakit. "Three days after you took me to your house ay nalaman ko ang tungkol sa trabaho ko. Hired wife mo nga ako na pinu-purchase mo sa wife corporation. No'ng una ay hindi ko magawang paniwalaan pero ang address na isinulat ng nanay ko sa papel ay tugma sa mismong lugar ng bahay mo. Hindi ko alam kung para saan at kung bakit mo ako kinuha while may karelasyon kang iba, pero sana ayusin mo ang relasyon Monday babaeng 'yun dahil ayokong ma-insulto for someone na hindi ako-" "You know?" "I do! Kasasabi ko lang di'ba?" Sarkastiko niyang sambit. Walang kaemo-emosyon ang mukha ni Alexus sa oras na ito. Nakatitig lang siya kay Mia na para bang nakatitig siya sa isang empty space. "Kaya hindi mo na kailangan pang magpanggap sa harapan ko, dahil alam ko." Matapos ng naging sagot ni Mia ay nabalot sila ng katahimikan. Umiwas din siya ng tingin kay Alexus. Ayaw niyang makaramdam ng pagka-guilty. "Mas mabuti pang-" "What if, I don't want to?" Napatigalgal si Mia sa pagbara nito sa kaniyang sinabi. "What if ayoko siyang puntahan? Paano kung dito lang ako at hindi ako aalis sa tabi mo?" Umawang ang bibig ni Mia dahil sa sinabi nito na hindi niya nagawang paniwalaan. "What are you going to do?" Muli ay napatingin si Mia sa mukha ni Alexus at nakitang namula ang ilong at mga mata nito. Tears are forming in his eyes. "Hindi 'yan pwede, Alexus. Siya ang mahal mo. Siya ang nagmamay-ari sa'yo. Kaya huwag mo ng gulohin pa ng husto ang situwasyon. Naiintindihan mo ba?" Pagtatama niya sa mga sinasabi ni Alexus. "Tiyaka, hindi pa ako aalis. I'm still your wife. In papers. After ng kontrata natin ay tapos na rin ang magiging ugnayan natin. Kaya't hanggang maaga pa ay ayusin mo na muna ang relasyon mo sa kaniya." Bakit gano'n? Bakit pakiramdam niya ay nagdudurugo ang puso niya habang binibitawan ang mga katagang 'yun? "Huwag mo lang talaga siyang palapitin sa'kin at gawaran ako ng mga insulto na wala siyang proweba. Dahil sinisigurado kong hindi ako magiging malambot sa kaniya." At hindi lang simpleng pagtulak ang gagawin niya baka mailibing pa niya ang babaeng 'yun ng buhay kapag siya'y naiinis ng husto. Sa buong buhay ni Mia ay hindi siya kailanman nakakaramdam ng galit na kagaya ngayon. Uri ng galit na kay hirap pahupain. To the point na nakakapag-isip siya ng mga hindi pang-karaniwan na gawain. Patawarin nawa siya ng kalangitan at naging basagulers siya. Kagaya ng gusto niya ay walang imik na tumayo si Alexus at iniwanan siyang mag-isa. Saka lang siya napapikit at nakahinga ng maluwang nang hindi na niya ito nakita. "So, ano na ang susunod kong gagawin?" Tanong niya sa sarili kasabay ng pagpapahinga niya sa kaniyang ulo sa headrest. "Siguro ay hindi na ako kukulitin ng asawa kong 'yun at magiging matiwasay na rin ang araw ko." Saka naman pumasokwsa isipan niya ang situwasyon niya. Pilay pa naman siya at talagang napaka-ganda ng timing dahil isa siyang helpless. Tatalon nalang kaya siya sa dagat at maging sirena patungong Cebu? Malala pa ay baka hindi siya papayagan ni Alexus na maka-uwi. Hanggang sa nakatulogan ni Mia ang pag-iisip at nagising nalang nang maramdaman niyang may pumangko sa kaniya. Later did she know na si Alexus 'yun. "A-Alexus? Bakit mo ako binubuhat?" Nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa mukha nito na walang kaemo-emosyon. "Does it need a specific reason for a husband who carried his wife normally?" Pamimilosopo nito sa kaniya na hindi niya nalang pinatulan. Pina-upo siya nito sa isang silya sa hapagkainan. "Let's eat. Fill your stomach." Prente nitong wika at naupo na rin sa kabisera. Nakaramdam ng pagkakagutom si Mia kaya't agad din niyang kinuha ang mga kubyertos at nagsimula ng kumain. Gayo'n din si Alexus na tahimik lang na kumakain. Para kamo silang nagdadasal dahil sa napakatahimik na hapag. Tanging tunog lang ng plato at kubyertos ang maririnig. Maliban do'n ay ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na hindi sila nag-uusap over lunch. Madalas kasi silang nag-uusao tuwing kumakain. Hanggang sa matapos sila at binuhat siya ni Alexus pabalik sa kama. Tahimik siya nitong tinutulongan sa pag-exercise ng tuhod niya. Kahit si Mia ay hindi nag-bantang gumawa ng ingay kahit masakit. Kagat niya ang kaniyang labi at makailang beses na napapaliyad, napa-igik sa sakit. "If you're hurt, let it escape your mouth." Kalmadong pagkakasabi ni Alexus. Nakahawak ito sa kaniyang paa at marahan na ini-exercise pa-bend ang tuhod niya patungo sa dibdib niya. "Ayus lang ako. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo." Malamlam niyang usal. Napatigil ito at binalingan siya ng tingin. "You're quite used to tell everyone around you that you were fine. When it's obviously not." Komento nito na ikinanguso niya. "Eh, bakit ikaw? Panay ang pagsisinungaling? Akala mo ba ay ikaw lang ang nakaka-pansin?" Well, hindi naman talaga ito literally na nagsinungaling. "I did not lie. If I did, state a day and date kung kailan." He's actually challenging her at hiningi pa talaga ang araw at petsa. Kumakati ata ang dandruffs niya. Nanghahamon din siya nitong tiningnan. "Ahh... Kasi..." "What?" Mariin siyang napapalunok, bakit kasi ang hirap e provoke ng asawa niya? Naghihirap tuloy siya sa pangangapa ng sagot ngayon. Pero lumiwanag naman ang mukha niya nang may maalala siya. Tinuro pa niya ito. "Sabi mo nitong huli ay late ka makaka-uwi dahil busy ka. Pero umaga ka na naka-uwi. Hindi ka man lang nag-abala na magpaliwanag sa'kin dahil do'n. Hinintay pa kita hanggang sa mag ala-una na ng madaling araw pero wala pa din. Gawain ba 'yun ng desenteng asawa?" Si Alexus naman ngayon ang napamaang. He never expected her to be accurate. "T-That..." She sighed. "Hindi na. No need na mag explain. Alam ko naman na hindi trabaho ang inatupag mo." Oo nga't nakita niya 'yung litrato na ipinasa ng babae nito. Tiyaka 'yung tawag. Aish, kadiri talaga! "Alam mo?" Pag-uulit nito. Para siyang elementary student na tumango sa teacher nitong nagtatanong kung nauunawaan ba niya ang itinuro nito. "Oo, alam ko. At wala namang kaso sa'kin na mag-cheat ka dahil simpleng kontrata lang naman ang relasyon natin. Naisip ko nga--" "What exactly do you know? 'Yun ba ang dahilan kung bakit iniiwasan mo ako sa araw na 'yun at sa mga sumunod pa?" Tila kuryuso sa mood niya nitong nakaraang araw na nagawa namab nitong pahintuin kagabi dahil sa party at naging clingy pa. "Oo, no'n ko rin nalaman na may karelasyon ka, kaya't ginawa ko ang nararapat gawin." Oh right, he doesn't belong to her in the first place. Kaya't tama lang ang ginawa niya. "Saka, tigilan na natin ang pagiging malapit sa isa't-isa. Intindihin mo naman Alexus na ayoko ng gulo." Sa huli ay nakikiusap pa rin siya dito, kahit na hindi naman dapat. Tiyaka niya tinabig ang kamay nito sa kaniyang binti. "Okay na. Ayus na 'yan." Pinapapatigil sa pag-elevate ng kaniyang tuhod. Pero hindi sinunod ni Alexus ang nais niya. "O-okay na sabi--" "I dine with her that night and I didn't expect to be drunk. I fell asleep without noticing. After that, I woke up in her room." Napatigil si Mia at hindi makapaniwalang tumitig kay Alexus. Hindi niya inaasahan na magpaliwanag ito sa kaniya dahil lang sa sinabi niya. "Wala ng iba?" 'Yun lang ba talaga ang nangyari? Umiling si Alexus na mas ikina-kunot ng noo ni Mia. "So, ano 'yung ungol na nari--" Si Alexus naman ngayon ang nagtataka. "Ungol? What do you mean by that?" Wala sa sariling napakamot sa kaniyang ulo si Mia, "Ahh..." Ewan, nahihiya siya. "Spill it, wife." Animo'y wala lang rito ang naging usapan nila kanina at naging malapit na naman ito sa kaniya. Hindi siya nagsalita, ang sunod niyang narinig rito ay ang pagbuntong-hininga nito. "Do you mean, we had s*x?" At dahil sa natugonan ni Alexus ang nasa isip niya ay marahan nalang siyang tumango. Then Alexus's mode suddenly become darker. "Where's your phone?" "H-Huh?" "I need to see your phone. Where is it?" He seemingly irritated at kapag ba hindi niya ito sinagot at ituro kung nasaan ang cellphone niya ay pipigain siya nito ng walang masabing oras. "Nasa drawer ng bedside table." Mabilis na tumayo si Alexus at tinungo ang bedside table. Binuksan niya ang cellphone ni Mia at agad na nagpunta sa call history, hinanap ang eksaktong oras at araw. Naglalabasan ang ugat niya sa kaniyang braso at sa kaniyang leeg. Pahiwatig na wala siya sa huwisyo. Halos durugin na niya ang cellphone. "Huwag mong sirain, please?" Kanina pa pinagmamasdan ni Mia si Alexus kaya't napa-alarma siya na baka masira nito ang cellphone niya. Sa pagtawag ni Mia sa kaniya ay agad na lumuwag ang pagkakahawak niya pero ang kaniyang daliri ay aksidenteng napa-touch sa message icon ng contact info niya kaya't dinala siya sa messages. 'So, it was because of this and the fvcking call...' He spoke to his heart. Hindi lang ito ang natanggap niyang balita pero marami pa. Not only did he received anonymous texts from different number, but he also feel like a fool. "Ayus ka lang ba?" Sunod na pagtatanong ni Mia kay Alexus. Isinauli naman ni Alexus ang kaniyang cellphone sa drawer tiyaka siya nilingon. "Aalis muna ako. Babalik ako maya-maya." Imporma nito at hindi na siya hinintay pang makapag-salita. --- "Master, do you need anything?" Bungad ni Jeff kay Alexus nang magkita sila sa buffet hall. "Accept the fight against Rondmark Zamora." Nagulat naman si Jeff sa sinabi ng boss niya. "I thought you don't want to fight again, Master?" Oo nga't naisip niya 'yun pero sa pagkakataong ito ay nagbago ang kaniyang isip. Naisip niya lang na hindi niya kayang iwan ang trono niya nang walang ginagawa. "Accept it. And declare the game by next week. Also," saka niya ipinakita kay Jeff ang video na natanggap niya. "Investigate the owner of this number. I had bestow you countless orders, nasaan na ang resulta ng iba? Kamusta na ang tungkol sa mga taong gustong dumukot sa asawa ko? Alam mo na ba kung sino?" Kahit si Jeff ay nagulat sa nakita. It was Thomas and Denise's video clip. They're f*****g like hungry dogs, moaning like crazy. Hindi lang 'yun nag-iisa dahil may isa pang clip na nangyari sa elevator hanggang sa hallway na napaka-lapit ng dalawa. It was also the reason why Alexus became angrier. Dahil sa naging tanong ni Alexus ay sunod-sunod na napapalunok ng mariin si Jeff, dahil wala pa rin talaga siyang napala. "There's still none, Master." And because of that, "Well, I guess... I have to search it myself." Deklarasyon ni Alexus saka iniwanan si Jeff. That moment, Jeff felt useless. Kahit na hindi sinabi ng boss niya ang katagang 'yun ay 'yun pa rin ang nararamdaman niya. Hindi 'yun sadya, at sadyang hindi lang mapigilan ng puso niya na kilalanin na gano'n ang ipinaparating ng amo sa kaniya. Pero hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang nakitang kababoyan ni Thomas at ni Denise. He knows how much his boss makes amends for Denise. Pero bakit nito nagawang pagtaksilan ang kaniyang amo at sa mismong kaibigan pa talaga nito! --- After meeting with Jeff, tinawagan ni Alexus si Denise na makipagkita sa kaniya. Naghintay siya sa lounge ng cruise at ilang sandali lang ay dumating si Denise at masaya siyang binati. "Babe, kanina ka pa ba?" Anito at hinalikan siya sa pisngi. Walang pagbabago sa mukha ni Alexus. Pagka-upo nito ay agad na nilabas ni Alexus ang cellphone niya at pini-play ang video bago ipinakita kay Denise. "What is this? Is this a surprise video for our anniversary today?" Maligalig na tanong ni Denise pero kaagad 'yung naglaho nang... "Ohh.. f**k, ahh! Thomas, ang sarap niyan... Ahh!" Nawala ang ngiti at saya sa mukha ni Denise nang marinig ng ungol sa screen at wala sa sariling napatingin doon. Tila tinakasan siya ng dugo sa katawan nang makita ang kaniyang sarili doon. 'Papaanong...' "I was asking you if you cheated on me, Denise. Did you really do it with Thomas?" Hindi na nagpatumpik-tumpik si Alexus at direstyahan na pina-prangka ng tanong si Denise. Denise could feel her own body turned cold and intense. "T-This is not me! Nagkakamali ka Czar. Hindi ako 'yan!" Sa kabila ng takot dahil sa pagkaka-corner ay nagawa pa rin ni Denise na e-deny ang sarili. "She has the same face, even the figure, also the hair as you and she seemed very please with the guy f*****g her senseless." Malamig na komento ni Alexus pati ang mga mata ay walang emosyon na ipina-pakita. "It's not me! Maniwala ka. Papaano ko naman 'yun gagawin sa'yo? Mahal kita, at ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay, Czar!" Pinatay ni Denise ang video at isinauli kay Alexus ang cellphone. "Hindi ako 'yan. Swear. Di'ba may tiwala ka naman sa'kin? You can't just believe that!" He's still silent. Umikot si Denise sa banda ni Alexus. "Please, believe me, babe. I can't do that to you." Nagmamakaawa nitong usal. "Are you really sure that it's not you?" Paniniguro ni Alexus dito. Mahihimigan ang nakatagong galit sa boses at ka-seryosohan. Maka-ilang beses na napapatango si Denise, kasabay ng paghawak niya sa mga kamay ni Alexus. "Y-Yes, it's not me." With her answer, he crouched her chin up and kissed her senseless. Uri ng halik na walang pag-iingat at marahas. Denise was not on guard but out of choice but to accomodate Alexus. Ito ang unang pagkakataon na nagiging ganito ka-agresibo si Alexus sa kaniya. Ilang minuto ba bago nito pinakawalan ang labi niya. "I want to f**k you. Like how Thomas f****d you in that video." He whispered, before bringing himself up. "So, ready yourself because sooner or later. I will find out the truth, it's either you lied or cheat." Isa sa mga ayaw ni Alexus ay ang paikutin siya sa kamay ng iba. Wala mang kasiguraduhan na si Denise nga ang nasa video dahil ang naka-auto tune ang boses ng mga tao sa video ay kinailangan niya pa ring makasigurado. He never touch, Denise. Because he wants to reserve her for their honeymoon. He's the type of man who doesn't f**k the girl who he wants to be his wife. It's not because he don't like to do it. It was because he respects her. And proving himself to her that he's not just a playboy who knows how to f**k, but he also knows how to restrained himself and reserve himself for her. Marahil ay wala na siyang choice kundi gamitin ito upang mapatunayan na inosente ito sa paratang niya. Hindi niya rin ginusto na paratangan ito, dahil mukha talaga ni Denise ang nasa video. Pagkakita pa lang niya no'n ay parang inapakan nito ang dignidad niya. "P-Pero, Czar... You told me not to touch me unless we're married right?" Agad na tumayo si Denise at pinigilan si Alexus sa siko. "You said that I should reserve myself for you after the honeymoon..." Alexus knew that she would use that as her initial reason, "That doesn't matter anymore. I want to see if you're really tight of untouch." Napamaang si Denise at may nagbabadya ng luha sa mga mata, "C-Czar, hindi pa--" "Virgin ka man o hindi sa araw ng kasal natin, wala akong pakealam. I just want to find out the truth, do you want me to keep doubting you because of that f*****g video, ha? Unless guilty ka?" Mariin na pagkakasabi ni Alexus kay Denise na siyang dahilan kung bakit ito natigilan. Pinasadahan ni Alexus ang labi ni Denise gamit ang kaniyang hinlalaki. Cleaning the smudging lipstick. "Before I leave, I also want to let you know that I know what you sent to Mia that night, together with the unrealistic moans of yours over the call using my damn phone. As far as you know, my things, my matter. We're not yet married but you touch my things as if you owned me already. Lastly, make sure that you will apologize to my wife for pushing her down from the recliner. Or else, I won't be easy on you Denise. Even if you are my fiancé." Naiwan si Denise na halos hiwalayan na ng sarili niyang kaluluwa. Nanginginig ang tuhod niya sa takot at ang likuran niya ay namamawis. Never did she expect, na sa mismong second anniversary nila ni Alexus ay magagawa nitong sabihin ang bagay na 'yun. She has to tell Thomas about it. Kailangan nilang solusyonan ang problemang 'to, kundi pareho silang malilintikan ni Alexus! Natataranta niyang kinapa ang cellphone sa pouch niya. Her hands were trembling. But after a several rings, the dial tone resurrected. Saying that the other line was currently busy at the moment. "f**k it!" She hissed and run towards the elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD