MIA
Dala-dala ang platito na may laman na chicken cordon at sauce nito ay umakyat dinala ako ng aking mga paa sa labas ng dance hall, sa may barandilya ng barko kung saan ko malalanghap ang preskong hangin na nagmula sa karagatan.
"Mabuti pa nga dito, tahimik. Walang matang-lawin." Sabi ko sa aking sarili at kumagat sa masarap na chicken cordon. "Hindi na rin masama ang mapasama sa asawa kong 'yun at naka-kain ako ng mga masasarap na pagkain. Pero ito talaga ang peg ko." Dinilaan ko pa ang iilang mayonnaise na nangilid sa aking labi bago kumagat ulit. "Pero mas masaya talaga kapag kasama ko dito si Nanay. Tiyak na matutuwa to dito at matakaw pa naman 'yun. Hahaha!" Natatawa na nga lang akong mag-isa. Pero nakakatawa naman hindi ba?
Owemm, huwag niyo na palang pansinin baka sasabihan niyo pa akong baliw.
"Are you Mia Borromeo?" Isang sopistikadang boses ang napagpatigil ng moment ko. Mula sa pagkakaharap sa madilim at malawak na karagatan ay napapalingon ako sa likuran ko.
Isang babae sexy at medyo matangkad pa sa'kin. Nakasuot siya ng isang A-line midnight red dress. Wala naman masyadong design maliban sa plain lang at fitting kagaya ng sa'kin. Ang buhok niya ay naka-clean bun up-do. Ang ilong nito ay isang hugis aquiline at ang kaniyang mga kilay ay may magandang kurbata, animo'y mala Anne Curtis dahil sa on-flickered ito. Tiyaka kutis pa lang niya kulay crema na at ang nga nata niya naman ay rounded at hindi naman kalakihan. Tamang-tama lang. Nakakaagaw naman 'yung mata niya na parang kulay kape barako.
"Uhh, oo. Ako nga." Medyo nahiya naman ang ganda ko sa ganda ng babaeng 'to.
Ngumiti siya sa'kin at hindi ko alam for what reason. "I knew it! Oh my ka girl! Ang guwapo ng husbando mo ah!" Ako naman itong na-shock sa pagiging mema niya. Hindi ko pa siya kilala pero kung maka-talk sa'kin ay kilalang-kilala na ako.
"P-Pasensya na miss, ah? Alam kong maganda ka, at tiyak na mas maganda pa talaga sa'kin. Pero kase... Hindi kita kilala." Pag-amin ko sa kaniya na ikina-halakhak niya.
"Oh, right! I'm Annabella. Myembro din ako ng wife corporation kaya kita namukhaan. I like to stroll and scroll kaya kita nakilala." Namilog ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. So, taga wife corporation talaga siya? Kaya pala ang ganda niya! Pang model ang awrahan! "Anyways, salamat sa compliment! Maganda ka rin naman." Anito na ikinangiti ko nalang. "Nga pala, bakit ka umalis do'n sa sayawan niyo ng mister mo? Hindi naman dapat ikaw ang umalis, dapat 'yung babaeng nanggulo sa inyu ang umalis. Kung ako sa'yo pinektusan ko na ang walang manners na babaeng 'yun." Wika niya na mukhang ayaw na ayaw talaga kay Denise.
"Siya naman kasi dapat ang nando'n, kaysa sa'kin, Annabella." Katuwiran ko sa kaniya na ikinatigil niya. Siya kasi itong panay kuwento. "Siya ang Fiancé ng asawa ko." Pag-amin ko kasabay ng pag-ngiti. "I don't have the rights to step my butt between them, dahil materyal na asawa lang naman ako ng lalakeng 'yun. Hindi ba't 'yun ang trabaho natin?" The fact na itinago ko kay Alexus ang tunay kong nalalaman tungkol sa trabaho ko ay masaya. Para akong nakikipaglaro ng tagu-taguan. Pero ngayon parang may mali. Oh, di'ba? Napa-english pa ako.
"You're right. But you're still his wife. Fiancé lang siya! You shouldn't have let him date his real love when he's still entangled to you. Geez, this job was quietly a pain in the ass. If I were you, baka nalumpo ko na talaga ang babaeng 'yun." Ewan ko ba, at natawa ako dito kay Annabella. Naalala ko lang si Dave 'yung isa sa mga tropa ko na makahilig mag dirty-talk tungkol sa pangangatuwiran. "Ano kaya kong subokan mong labanan ang babaeng 'yun, Mia? Patayin mo sa selos bilang kabayaran ng pagpapahiya sa'yo do'n sa ball dance." Napapa-isip ako sa kaniyang sinabi. Oo nga noh, may point din siya.
Sumilay ang ngiti sa aking labi at kapagkuwa'y napatitig ako sa mga mata ni Annabella. Mukha kaming nagkaka-intindihan at sabay na napapatawa. "Masaya nga 'yun, Annabella. Para hindi literal na maging boring ang pagiging asawa ko sa lalake niya." Nakipag-apir pa siya sa'kin na tinanggap ko naman. "Pero, Annabella? Paano ba lumandi?" Maypa-masaya shuddi pa ako pero hindi naman ako marunong lumandi. Wala talaga, Mia. Unknowledgeable ka talaga!
Hinawakan ako ni Annabella sa magkabilang balikat at pinakatitigan. Tinitigan ko naman siya. "May tanong ako, clingy ba 'yung asawa mo?" Sa tanong niya ay napabalik ang isipan ko sa mga nakaraang araw na kasama ko siya.
Tumango ako. "Sort of."
Pilya siyang ngumiti na ikina-salubong ng aking kilay. "You're blessed, bebe girl! No need mo ng mag-effort."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Well, simple lang ang gagawin mo. Hayaan mo lang ang asawa mo na mag-cling sa'yo. I'm sure, ang babaeng 'yun ay magiging mata niyo kahit saan. Basta hayaan mo lang at kusang sasampal sa babaeng 'yun ang pagiging malapit niyo ng lalake niya." Tiyaka ako napatawa at napakamot sa aking noo.
"Gagi, bakit ba hindi ko naisip ang bagay na 'yun? Makaka-ganti na nga lang din ako sa babaeng 'yun." Tuwang-tuwa ko pang sambit.
Binitawan ako ni Annabella at pinag-krus niya ang kaniyang mga braso sa harap ng dibdib niya. "Why? May ginawa ba siya sa'yo? Tell me, ano?"
Napalabi ako kasabay ng pag-nguso na siyang kinauugalian ko. "Nitong nakaraang biyernes kasi, hindi umuwi ang asawa ko at mukhang ginamit pa ng babaeng 'yun ang selpon ng asawa ko para sendan ako ng picture niya na nag-selfie habang katabi ang asawa kong peaceful na natutulog." Kwento ko at naalala ko pa no'n kung paano ako na-kuryente sa pandidiri. Nag-suspetsya na kasi ako na patago niya lang ginawa 'yun. Siguro kung ginawa niya 'yun habang gising si Alexus ay maniniwala ako.
Pero may isa pa akong concern, bakit ba siya nag effort na sendan ako ng photos nilang dalawa nang wala naman siyang dapat ikabahala dahil hindi ko naman gusto ang lalake niya.
Ekis talaga siya do'n. Sayang ang efforts niya.
"That's odd. Bakit ba siya nag-effort na gawin 'yun? Hindi ba't lalake niya naman ang asawa mo?" Sabi na nga ba't magtataka din siya. Nagkibit-balikat lang ako.
"Yun nga rin ang ipinagtataka ko."
She grimaced and thought something funny, kasi natatawa siya eh. "If that's the case, tara na. I'm sure tapos na 'yung sumayaw. Let's have your revenge. Kung gano'n siya ka-takot na mawala sa kaniya ang lalake niya, grab mo na. Inisin mo!"
At 'yun na nga ang ginawa namin, naglakad na kami pabalik doon.
---
NEVER did she noticed na may mga matang kanina pa nakatingin kay Mia sa isang sulok na hindi niya mapapansin.
Pagbalik niya naman ay kaagad niyang nakita ang asawa na kasama pa rin si Denise. Hindi siya lumapit, dahil ang asawa mismo ang humiwalay kay Denise at tinungo ang lokasyon niya.
"Goodluck, girl. Fighting!" Parehong nagngitian si Mia at Annabella bago sila nagkahiwalay. Timing naman na nakarating na si Alexus sa banda niya.
"Where have you been?" Tanong ni Alexus sa kaniya at hinawakan siya sa mga kamay. "Kanina pa kita tinatanaw sa paligid pero hindi kita makita." Dagdag nito at niyapos ang kaniyang bewang, masuyo na niyakap. "I'm worried."
Sa pagkakataong iyon ay nag-iniit ang mga mata ni Denise habang nakikita ang lalakeng gusto niya na kalaguyo ang babaeng nire-rentahan nito para maging asawa nito sa harap ng madla. "This b***h!" She hissed before turning her back and strode beneath the crowd.
She called someone and this certain person answered immediately. "Yes, ma'am? Ano po ang gusto niyong gawin namin?" Isa ito sa mga taong nagmanman kay Mia kanina pa lang.
Her rage is burning her, kung wala siyang gagawin ay mas lalo siyang maiirita. "Seize her, and throw her into the ocean!"
"Masusunod, ma'am." Nasa isang sulok na si Denise at matiim na tinitingnan si Mia at Alexus na masayang kumukuha ng pagkain sa buffet.
"Let's see kung makakangiti ka pa ng ganiyan, kirida!" Asik niya saka lumarawan ang pilyang ngisi sa kaniyang labi.
---
Matapos kumuha ng pagkain sa buffet ay umupo na sila sa isa sa mga eleganteng lamesa. May candle pa sa gitna at iilang piraso ng bulaklak na pumapalibot dito at nagmukhang romantic.
"Ganitong pagkain ba ang kinakain mo bago ako napadpad sa bahay mo?" Tanong ni Mia sa asawa. He just hummed in reply. "Hindi naman masarap. Maganda lang ang pagmumukha pero hindi naman tasty." Pagre-reklamo niya.
"Hindi ka lang sanay. If you'll ask someone like me, I would tell it's tasty." Just the usual, sinagot siya nito na may mababa at malalim na baritonong boses. Kahit ang Adams apple nito ay napaka-gandang pagmasdan sa tuwing lumulunok ito.
Straight ito sa pagkakaupo, at eleganteng kumakain. Mukhang hindi napapagod kaka-straight at kaka-tipid sa galaw nito. Habang siya ay nagdudusa sa pilit niyang pag-akto bilang eleganteng asawa ng kaniyang asawa na mayaman at pogi.
"Sabagay, tama ka rin naman." Aniya saka napayuko. Masakit na talaga ang likuran niya. Isama pa ang binti niya na hindi sanay sa hills.
Napansin naman ni Alexus ang biglaan niyang pagyuko at ang pagmamasahd ng mga binti niya. Walang sali-salita na umalis sa kaniyang kinauupoan si Alexus at nagulat nalang si Mia nang lumuhod ito sa harapan niya at ipinasok ang kamay sa ilalim ng gown niya.
"Anong ginagawa mo, Mister?" Tanong niya rito pero nasagot na agad siya ng pagmamasahe nito sa kaniyang binti.
"Your calf aches, I'm massaging it for you." Napakagat sa kaniyang labi si Mia dahil sa napaka-suyo ng pagmamasahe nito. "Are you feeling better?" Tumingala ito sa kaniya at awtomatikong nagtagpo ang kanilang mga mata.
"O-oo." Nahihiya niyang sagot dahil sa marami ng nakatingin sa kanila. "Mister, ang daming nakatingin sa'tin..." Pabulong niyang pagpapaalam.
"Let them, wife. I don't care as long as you're feeling better." May kumukuha pa sa kanila na mga pictures. Napapayuko nalang siya at kay Alexus lang pinanatili ang tingin.
Ilang sandali pa ay pinatayo na niya ito, "Maayos na ako. Magba-banyo lang ako." Tinatawag na siya ng kalikasan kaya't kinailangan na niyang makapag-release.
"I'll escort you." At sinamahan na nga siya nito papunta sa banyo.
---
"How was it? Naipatapon mo na ba?" Nagpupuyos sa inis si Denise habang tinatanong ang inutosan niya kanina. Nasa loob na siya ng kaniyang cruise room na isa sa mga VVIP.
"Naghahanap pa rin kami ng tyempo, ma'am. Parati kasi silang magkasama ng King." Lintik! Bakit ba niya sinasamahan ang babaeng 'yun?! Akala ko ba ay pa-in niya lang ang babaeng 'yun? Bakit ngayon ay napaka-lapit niya rito?! Sunod-sunod niyang pag-reklamo sa silid ng utak niya.
"Pwes, gawan niyo ng paraan! I want her drowned and dead!" Singhal niya at pinatay na ang tawag. Itinapon niya ang cellphone sa kama at naiinis na napameywang.
Bakit rin ba siya nagpapauto kay Thomas, kung na kay Alexus na ang lahat? Pinapahirapan niya lang talaga ang sarili niya dahil lintik na libog which is hindi ibinibigay sa kaniya ni Alexus. Pero hindi na niya magagawang makatakas pa kay Thomas dahilw hawak na siya nito sa leeg.
Tiyaka, isa pa ang naging katanungan nito kanina sa kaniya sa na bumabagabag sa kaniya.
Nagsisimula na ba itong mag-suspetsya? May alam kaya ito sa mga pinanggagawa niya?
Posible...
Pero kung may alam nga ito, bakit hindi siya nito pina-prangka? Bakit tahimik lang ito no'ng pinapagalitan niya ito kanina sa kawalang tiwala nito sa kaniya? Ano ba talaga ang pumasok sa isip nito at tinanong siya tungkol sa pagtataksil?!
Gosh! Mababaliw siya sa kaka-isip ng posibleng dahilan at kung bakit nito ini-ungkat ang tungkol sa bagay na 'yun.
---
Kasalukoyang nagba-banyo si Mia nang may biglaang tumawag kay Alexus. Lumayo muna siya sa banyo at naghanap ng lugar na tahimik at puwedeng maka-usap ang katawag.
It was his fiancé.
"Czar, come to my room. I want to sleep with you again." Demand nito sa kaniya which made him sigh.
"Alright, I'll help my wife to sleep first before coming to you. Just text me your room number." His voice is naturally firm and fierce. Ibaba-ba na rin niya sana ang tawag nang...
"I want you now!"
---
SA kabilang banda ay natapos si Mia sa pagba-banyo at kasalukoyang naghuhugas ng kamay nang biglang lumipad ang pintuan pabukas. Gumawa 'yun ng matinding ingay na siyang dahilan kung bakit napatalon siya sa pagkakagulat.
Magkasalubong ang kilay niya na hinarap ito. Pero gayo'n nalang ang pagkakatigas ng katawan niya nang makita ang mga pamilyar na kasuotan na suot ng tao.
She could remember the people who likes to kidnap her that day. Takot man siya ay hindi niya ipinakita ang pagkakatakot at ang panginginig niya.
"Kayo na naman?! Bakit ba kayo nandito? Restroom 'to ng babae-" naputol siya sa pagsasalita nang namataan niya itong tumakbo sa gawi niya. Napaatras siya tiyaka palihim niyang inihahanda ang kanan niyang paa para sa makabinging sipa.
Walang pag-aalinlangan na sinipa niya ito gamit ang takong niya sa mismong puno ng pagkatao nito. Nang makita ng iba ang kaniyang ginawa ay awtomatikong sinugod din siya ng mga ito.
Ang isa ay tinangka siyang hawakan na nahuli niya naman kaagad ang kamay at ibinalibag ito sa lababo, napa-ungol ito sa sakit. At dahil may kalakihan ang restroom ay hindi siya gano'ng naipit. 'Yung sinipa niya kanina ay tangka siyang hulihin sa binti nang inilalayo niya ang kaliwa niyang binti at inapakan ang malandi nitong kamay. "Bastos!"
Aalis na dapat siya matapos mapatumba ang dalawa nang may pumasok pa na tatlo. Mas lalo pa siyang kinabahan.
Hindi ito nag-aksaya ng oras at isa-isa siyang sinugod. At dahil may pagka-matalas ang mga mata niya ay kaagad niyang iniikot ang sarili pa-iwas sa kamay na ninanais siyang dakpin at walang pag-aalinlangan na hinawakan ang makapal nitong buhok tiyaka balikat nito at tinuhod ito mula sa gilid.
Kasabay ng kaniyang ginawa ay ang pagka-punit ng kaniyang damit. Pero wala na siyang pakealam do'n.
Bumagsak ang una, kaya may dalawa pa na nagawa siyang hawakan at pilit na dinadarag palabas. Nakasarado ang pintuan at bago pa ng mga ito mabukasan ay inunahan niya ang mga ito. Dahil hawak ng mga ito ang kaniyang mga braso ay kinuha niyang tyansa ang nakasaradong pintuan na gawing suporta para iikot sa ere ang sarili at isama ang dalawang mapangahas na tao sa kaniyang pagbagsak.
It was a risky act, Pero ginawa niya pa rin. Nakita niya lang 'yun sa cartoon ni Jackie Chan habang kasama 'yung pinsan niyang makulit. Kaparehong scene ang ginawa nito habang hawak ang isang agimat na ninanakaw ng mga ito.
Napapikit siya sa sakit ng kaniyang tuhod. At pakiramdam niya ay mahihirapan siya sa pagtayo.
Bago pa makabangon ang dalawa ay kaniya-kaniya niyang hinawakan ang mga ito sa makakapal nitong buhok at malakas na ipinaglumpo. Total ay umiigil siya sa sakit ay wala na siyang iba pang maisip.
Halos gumagapang na siya sa sakit. Nang may isang tao na dumating. Isa itong babae at tahimik siyang tinulongan na makatayo. Gusto man niyang magtanong ay hindi na niya ginawa dahil sa masidhinh sakit na kaniyang nadarama mula sa kaniyang mga tuhod.
Binitawan at iniwanan lang siya nito sa may hagdanan. Kung saan maraming tao at hindi siya kaagad makuha ng kung sino.
Ngunit ang presensya niya naman na naka-upo sa pinakababang angkat ng hagdanan ay nakapang-agaw atensyon sa lahat at hindi nagtagal ay pinalibutan na siya ng maraming tao.
MATAPOS ng tawag ni Alexus kay Denise na kumain ng limang minuto na pagkakalayo sa banyo ay kaagad siyang bumalik roon. Pero wala siyang makita na Mia. Tahimik na din ang banyo at walang katao-tao.
Bigla siyang dinapuan ng kaba, nagmamadali siyang lumabas ay hinanap si Mia. Pero ang mga nagkukumpolang mga tao sa ball trance ay umagaw sa kaniyang atensyon.
Papunta na siya roon nang may humintong waiter sa kaniyang daraanan. "Get out of my way." Madiin niyang usal. Tumabi naman ito.
"Sir, hindi ba't asawa niyo po 'yung naka-midnight dark blue off-shoulder dress? Hinahanap niyo po ba siya?" Anito na kaniyang ikina-lingon rito.
"Yes, where is she?" Nang itinuro nito ang hagdanan na may nagkukumpolang mga tao ay patakbo niya itong tinungo. Nakipagsiksikan pa siya sa makapal na kadagatan ng tao para lang makalusot.
Nang makalusot na siya ay kaagad naman na bumati sa kaniya ang asawang may kayakap na babaeng naka-pula. He stride himself towards them.
"What happened? Why are you here, wife?" Tanong niya na ikina-tayo ng babaeng naka-pula at walang pasubiling sinampak siya.
It shocked him.
"Don't you know how terrified she was when a bunch of an unknown gangster chase her?! Look at her!" Hindi kumikibo si Mia. Dahil kahit itanggi niya ang nangyari ay nakita pa rin siya ni Annabella na may tumulong sa kaniyang isang hindi mapagkilanlan na tao. Sumunod no'n ay ang pag-alis ng mga taong kasama nito na may dala na mga walang malay na kalalakihan. Nasabi din ng taong tumulong sa kaniya kay Annabella ang nangyari. Kaya ganito nalang ito ka-galit ngayon. "Inuuna mo pa talaga ang ibang bagay kaysa bantayan ng maayos ang asawa mo!" Kahit na ang usapan nilang dalawa kanina ay tungkol sa pagpapaselos kay Denise which was nakakatawa talaga. Neither one of them knew na mangyari ito.
Hindi rin maitatanggi ni Mia na hindi siya takot, because her body is telling it for her.
Saka naman dumating ang isang lalake, "Annabella, what the hell did you do?!" Saka ito napatingin kay Alexus, "Bro, pasensya na at nasaktan ka ng asawa ko..."
Alexus felt guilty, at nilapitan ang asawa. "It's fine. It's my fault for making her mad. And it seemed like she was friends with my wife too." Nagkatinginan sila ng dating kaklase bago nalipat ang tingin nito kay Mia. Alexus eyed the red glamor beauty. "Thank you." Sinsero niyang sambit bago ibinigay sa asawa ang atensyon.
"I'm sorry, wife. I failed to protect you, again..." He will find the jerks who harmed his wife and make them pay for the cause. He might not be able to protect her but he casually ask for payments.
Niyakap niya si Mia at gano'n rin naman si Mia sa kaniya. Sa simpleng pagyakap pa lang niya rito ay ramdam niya ang panginginig nito. "I'll take you to rest." Saka niya binuhat si Mia na kaagad na napa-igik. "Bakit? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong.
Tumango si Mia kasabay ng pagpupulupot sa braso nito sa batok ni Alexus upang kumapit doon ng maayos. "What part it is?"
"Sa tuhod ko ang masakit."