Nag-focus ako sa monitor para hanapin si Althea but the what I saw next confused me. I saw Cason walking pass the veranda's door, following Director Bang's path. I had to stop my drone to see if the man was really Cason. Ayokong paniwalaan ang nakikita ko, pero bigla nalang siyang humarap sa direksyon kung saan lumilipad ang drone ko.
He dashed towards my drone and grabbed it. My mind was occupied with what was happening kaya hindi ko iyon napalipad agad palayo nang tumakbo si Cason palapit dito. I can see his eyes were tired and as if his face turned zombie-like. I can see, he turned cold-blooded.
Nawalan ng signal ang screen ko galing sa drone, malamang sinira na niya iyon. Agad kong tinangal ang pagkaka-connect ng nasirang drone sa screen ng salamin ko. I shut my eyes to rest it for a while.
"Kumampi ba siya sa kalaban? Spy ba siya? Paano ito nakalusok sa 'kin! Aargghh!"
Hindi ko napigilang mainis sa sarili ko na napasigaw ko dala ng galit. And at that moment I know I'm in deep s**t so was Althea.
I packed my things and went to see a way out. Pero wala akong makitang daan palabas maliban sa pintuan pababa ng mismong palapag. Hindi ko magawang bumaba roon dahil naroon ang mga armadong guards ni Director Bang. Narinig ko mula sa ibaba na binabalak na nilang umakyat sa kisame, I know the moment na umakyat sila sa kisame, wala na akong takas pa.
But then a gush of cold wind brush my skin and that proves only one thing. May siwang na pinangagalingan ang malakas na hangin.
I licked my finger to sense where the wind is coming from. Sinundan ko ang pinanggalingan ng hangin at tama nga ang hinala ko. Isang malaking exhaust ang natunton ko, malaki ang hinala ko na sa baba ko may kusina. Hindi na ako nag-alinlangan pa at pumasok ako roon kahit pa may kainitan ang exhaust. Sa mga ganitong kalaking handaan paniguradong kanina pa ginagamit ang lahat ng kusina sa hotel. Hindi na ako nagtatakang mainit ang susuungin kong daan. But all was worth it, dahil ilang gapang lang nakalabas ako sa rooftop.
Kinailangan kong sumandal sa semento para makahinga at matangal ang init sa katawan ko. Hindi ko maiwasang isipin. Paano ko hahanapin si Althea? Paano ko siya maililigtas?
Nagulat ako sa pag-vibrate ng cellphone ko, sa pagtingin ko palang sa pangalan na nakarehistro sa screen, alam ko ng hindi na maganda ng magiging pag-uusap namin.
"Hello Boss," bungad ko sa kanya.
"Where is my daughter? Ligtas ba siya?" Tumataas ang boses ni Boss kaya alam kong malapit na itong magalit. "Kanina pa ako tumatawag kay Cason pero hindi siya sumasagot."
"Boss may problema."
Sandaling naging tahimik ang kausap ko sa kabilang linya, hinanda ko na ang sarili ko para sa galit na maririnig ko.
"Huwag mong sabihing isinama mo ang anak ko sa party! Delikado ang buhay niya!"
Sa lakas ng boses niya ay nakuha ko pang ilayo ang cellphone ko gayunpaman dinig na dinig ko pa rin siya.
"Kumampi si Cason kay Director Bang." Diretso kong sabi sa kanya nang matigil siya sa pangungutsa sa akin.
From the beginning alam ko na, na sa aming dalawa si Cason. Si Cason ang mas pinagkakatiwalaan niya. Nakuha ko lang naman ang trabahong ito dahil sa talento ko sa pangha-hack. At iyon lang ang papel ko sa misyong ito. Kaya naman sa pagiging tahimik ni Boss sa kabilang linya siguro naman nagsisisi na siya sa pagkuha kay Cason.
"I want reports right now, Sayer." She ended the call.
Hindi ako makapaniwala na wala man lang siyang sinabi tungkol sa ginawang kagaguhan ni Cason. Napailing nalang ako sa nangyayari. As I was about to stand up, nakita kong nasundan pala ako ng mga security. Ang dami ko pang kailangang solusyunan, ayaw naman akong tantanan ng mga security na ito. Pisti!
Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Kahit pa hindi ako sanay sa ganito, kinailangang kong tumakbo para hindi mahuli at mailigtas pa si Althea. Tinalon ko lahat ng mga balakid sa daraanan ko. Nagpagulong-gulong matapos lundagan ang matatas na hakbang. Hindi ko na nagawa pang lumingon dahil ang nasa isip ko lang ay ang makatakas. The guards were armed but it was a good thing they aren't using them. Maybe to prevent commotion. Dahil kung hindi baka kanina pa ako walang buhay.
As I've reached the end of the rooftop, wala na akong makitang ibang daan para makatakas, kung 'di ang magpahulog sa ibaba. The building is big but not as high as the other known hotels around it's vicinity.
Kaya ko itong lundagan, ang hindi lang ako sigurado kung lalapag ba akong buhay sa ibaba. But it seems like I have no choice. Dahil paglingon ko sa likod ko, malapit na ang mga humahabol sa 'kin and they decided to point their gun, aiming at me.
Bumwelo ako at walang pag-aalinlangang lumundag, na sa tansta ko, nasa tatlong palapag na gusali. Mabilis akong nahulog sa malalaki at mayabong na talahib. Laking pasasalamat ko na nailigtas ako ng mga iyon ngunit ang hindi ko alam matapos ang talahib ay tubig ang kasasadlakan ko. I tried my best to swim my way to the nearest dirt to save myself from drowning.
I was panting as I open my eyes. Pinakiramdam ko kung buo pa ang katawan ko, mabuti nalang at walang humiwalay sa kanila. But as I stand, I felt a piercing pain on my ankle, dahilan para muli akong matumba sa gilid ng tubigan. The sudden impact of my feet to the ground caused it to twist a little. I was in pain pero wala ng mas sasakit pa sa sumunod ko nakita. Basang-basa ang bag ko at rinig kong nasa-spark na ang mga boards ng gadgets ko. I tried saving them but I was too late! Bakit hindi ko sila ginawang waterproof? But then I remembered, I have one gadget that is waterproof – my cellphone.
Isang tao lang ang naisip kong tawagan – si Cason. It rang a few times before he finally picked up.
"Sayer," bungad niya. "Buhay ka pa?"
"Gago ka, Cason! Mapapahamak si Althea sa ginagawa mo!"
I heard him laugh a little, nangalaiti ako sa pagtawa niya.
"Do you think I care?"
Althea's smiles flashes on my mind. From the day I took the job hanggang sa makasama ko siya sa bahay. Lalo na yung mga tawa niya kapag tinitignan si Cason.
"Si Althea oo! Umasa siyang ililigtas mo siya! Nagtiwala siya sa 'yo!"
Hindi ko napigilan ang galit na nararamdaman ko't nakuha pang suntukin ang lupa sa gilid ko.
"Madali lang naman siyang bolahin, Sayer. Salamat nga pala sa tulong mo, napadali ang trabaho ko." My anger slowly turned into confusion.
"Ano ibig mong sabahin?" I asked to be sure.
"Sa pag-set up ng hidden ultra violet ray sa secret room, biruin mo naisip mo 'yun?" Cason's voice started to feel shaky. "Concealed tattoo only to be seen using U.V lights."
Sa sinabi ni Cason, pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari sa bahay. Ako ang nakaisip na baka nasa katawan ni Althea ang hinahanap na codes para sa matunton ang coordinates ng itinatagong kayamanan ng dating numero unong mafia group sa bansa. Base sa impormasyong galing kay Cason, ang Big Hit ay ang kasalukuyang pangalawa sa mga mafia group sa bansa at hinahanap nila ang kayamanan para sila ang manguna at maging makapangyarihan sa bansa.
"Gago ka. Cason!"
Wala na akong ibang masabi. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Cason dropped the call. All his words and new information gave me more reason to fight back. Magbabayad si Cason.