Chapter 10

1006 Words
CASON POV   I, Cason James Belloso, twenty-three years of existence has maintained to be a two-faced hypocrite. I cannot be trusted. But I can easily make people believe what I want them to believe. Pinagkatiwalaan ako ni Director Bang sa pagdala sa walang malay na subject na si Althea papunta sa laboratoryo. Ang subject na tinrabaho kong ito ay hindi maikumpara sa halaga ng mga nakaraan kong trabaho, kaya ganoon na lang ang pag-iingat na ginagawa ko. As I drive the car along the highway guarded by Director's security, I could not help to look at her in the rear view mirror.         Binalot ko sa kanya ang coat ko bago ko siya nilagyan ng seat belt. Bilin sa 'kin ni Director Bang, ingatan ang subject dahil kung hindi, mababawasan ang sasahurin ko. Money is the most important thing in the world, in my world to be precise. And to get it, people makes sacrifices. And in my case, Althea is my sacrifice. Trabaho ko ito. Walang personalan. Sa isang bodega tumigil ang sasakyan ni Director Bang na sinusundan ko. Ang bodega ay may kalakihan ngunit kung titignan ay tila wala namang kaibahan sa mga normal na bodega. Wala masyadong katabing gusali ang lugar, tahimik doon at madalang lamang ang mga sasakyang dumaraan. As I opened the back seat door, there she is still unconscious. Hindi mawala sa isip ko na sa tinagal-tagal ng pagpapanggap ko sa harapan ni Althea, narito na ako ngayon ginagawa ang tunay kong pakay. "Sorry Althea, trabaho lang." I brushed a little of her hair. Before finally carrying her and bringing her to Director Bang who was waiting inside already. "You played well, Cason, I'm impressed!" Galak ng wika ng matandang direktor matapos umupo sa harapan ng simpleng mesa ngunit puno ng makakapal na pera. "When will I get paid?" Walang gana kong tanong. With all that had happened, my body suddenly got tired which is very unlikely me. Director Bang laughed at me. "I like that!" He exclaimed. "Ganyang attitude ang gusto kong katrabaho." Dagdag pa nito na napapapalakpak sa tuwa. "Mabuti pa, ibigay mo na ang subject kay Lee, siya na ang bahalang maghahatid sa kanya sa kwarto." Tinignan ako mula ulo hanggang paa ng Lee na kanang kamay ni Director Bang. Alam kong hindi magandang ideya ang iwan si Althea sa isang manyak na katulad niya. Lalo na sa nangyari kanina. Hindi ko kayang iwan nalang si Althea sa kanya. "Nakakaya mong pagkatiwalaan ang mukha niya?" I smiked. Sinadya ko siyang inisin, ganti ko para sa ginawa niyang pambabastos kay Althea. "Hindi ako papayag na hawakan niya si Althea." Kung gusto ko, kayang kaya ko siyang patumbahin ngayon mismo. Pero ayokong gumawa ng gulo, dahil panigurado, mababawasan ang perang makukuha ko. I pierced my eye to him to make sure that he knows I meant what I just said. Kunot-noo niya akong tinignan at doon palang alam ko na, na nagpipigil lamang siya ng kanyang galit. "Enough you two!" Bulyaw ni Director Bang. "You take her Cason, then come back to discuss the payment." Sinenyasan niya ang isa sa mga babae niyang tauhan para samahan kami sa silid na pagdadalhan ko kay Althea. Sa hanay ng mga pintuan kami dinala ng babae, at isa sa mga iyon ay ang silid ni Althea. Hindi pangkaraniwan ang tauhan ni Bang na kasama namin. She was wearing an all white gown basically needed for laboratory. She opened the door and led us in. "Ihiga mo nalang siya dito. She needs to be sanitize before the extraction." She said. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong salita mula sa kanya. "Anong klasing extraction?" I asked pero umiling ang babae. Alam ko na ang ibig sabihin niyon, hindi sila pwedeng magsalita tungkol sa mga gagawing eksperimento kay Althea. But I can't help myself. "Naiintindihan kong hindi mo pwedeng sagutin ang nauna kong tanong, pero pwedeng sagutin mo kahit ito lang susunod ko tanong?" The middle-aged woman looked at me and waited for my question. I glanced at Althea and she was still sleeping soundly. Sa estado niyang iyon, alam kong malakas ang gamot na inilagay sa inumin niya para mapatulog siya ng ganyang kahimbing. "Will she be in pain?" The woman looked at Althea before finally answering my question. "Yes." Matipid niyang sagot saka mabilis na lumabas sa pintuan. "Bumalik ka na sa baba, huwag mong paghintayin ang Direktor." Wika ng babae bago tuluyang isara ang pinto at umalis. Naglakad ako palapit kay Althea para makita ko siya bago ako tuluyang umalis at lumayo. Simula ng pumasok siya sa Academy, wala na akong ibang inasikaso kung 'di ang kunin ang loob niya. Naging masaya naman kami sa mga panahon na iyon. Lalo na kapag ibu-bully ko siya, walang kapalit ang pagkulubot ng ilong niya kapag nagagalit na siya. Hindi ako makapaniwala na matagumpay kong natapos ang two-face mission ko. Hindi ako makapaniwala na ito na ang huling beses na makikita ko si Althea. Inayos ko ang coat ko na suot pa rin niya. Hindi ko na iyon inalis dahil malamig sa kwarto. Huminga ako nang malalim bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Leaving the subject has never been heavy like this before. I took another last glance before finally closing the door and leaving her behind. As I walk my way back, there is feeling inside me that I've never known. I'm hesitating to leave her like that. Itinigil ko ang paglalakad at muling humarap sa pintuang pinanggalingan ko. Sa unang pagkakataon, na-blangko ang utak ko. Natulala ako sa pintuan nang wala man lang kahit na anong pumapasok sa isip ko. There was nothing inside of me except hesitation. "The man of the hour! Come! Come!" Bati sa 'kin ni Director Bang nang makita niya akong naglalakad papunta sa kanya. Sumenyas ito na umupo ako sa nag-iisang upuan na naroon kasama sa mesa. "Hindi ako magtatagal. I want my money." He smirked laughing a little. Itinapon nito ang sigarilyong hawak niya at kinuha ang attache case mula sa ibaba ng mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD