Chapter 12

1271 Words
Malapit ng mag gabi at ngayon lamang ako nakapunta sa sini-sirektong bahay ni Boss. Madalas nagkikita lang kami sa mga simpleng lugar kung kailangan naming mag-usap at madalas nakatakip ang mukha niya. Wala akong alam sa motibo o kahit pa ang mga sikreto patungkol sa naming boss dahil limitado lang ang mga sinasabi niya tungkol sa kanya at sa pinatatrabaho niya. Doing a research won’t give any as well. She sent me a flash message of her address and that is a sign that she will meet me. I had to read them fast or else mawawala ito sa screen ng phone ko. Good thing my glasses have zoom in features. It was interesting to know that the address was just along the busy streets of our neighborhood. Bilang isang tao na sa pagkaka-alam ko nagtatago sa mata ng mga tao, sadyang nakapagtataka na sa mataong lugar siya nakatira. Sinubukan kong i-recover ang mga files at videos na kuha mula sa party galing sa mga nalublob kong gadgets pero iilan na lamang ang nahabol ko. I made a report for the first time and it consist mostly of words dahil sa wala akong ibang ebidensyang maibigay. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang ginang na nakatakip ang mukha ng itim na face mask. Hindi naman nakapagtataka na may suot na ganun ang ginang lalo pa't sa malamig at may dalang buhangin ang hangin. "Doon tayo sa kusina." Bungad ng ginang. Sa boses palang niya alam ko na na siya ang boss na nakakausap ko sa telepono. Ang kabuoan ng bahay ay madilim at nakakakilabot. Tanging ilaw lamang sa kusina ang bukas at counter top at upuan lamang talaga ang nakikita ko roon. Hinanda ko ang extra laptop ko para sa report na hinihingi niya sa 'kin. Kaya naman nang maupo ako ay agad ko iyong hinarap sa kanya. "Boss, nagkaroon ng aberya kaya nasira ang ilang kuha ko mula sa mga cctv sa loob ng building. Pero may ilan naman akong naisalba." Ipinakita ko sa kanya ang pagpasok ni Althea at Cason sa gusali, naroon din ang ilang segundong kuha nang sila'y nagsasayaw sa gitna ng kasiyahan. Pinagmasdan ko ang mata ni Boss dahil ang susunod na bidyo ay ang pakikipag-usap ni Althea sa isang matanda sa beranda at pagkakahimatay nito. "Nasa kamay na si Althea ng Big Hit, iyon ba ang ibig sabihin ng mga ito?" Aniya na tinanguhan ko. Tumayo ang ginang at isinara ang laptop ko. Sandali siyang tumalikod at tila ba nag-isip. Hinanda ko ang sarili ko talak na tatanggapin ko. Ang alam ko kasi mapapagalitan na naman ako at kahit pa pumanig si Cason sa kalaban, pakiramdam ko pupurihin niya pa rin siya. "Sayer, alam mo ba kung bakit napaka-importanteng tao ni Althea?" Aniya matapos humarap sa 'kin. "Dahil anak mo siya." Tanging sagot ko dahil 'yon lang naman ang alam ko. Tumago-tango siya pagsang-ayon sa sagot ko. "Pero hindi lang iyon ang dahilan," tumagilid ang ginang at itinaas ang mangas ng kanyang suot na damit. "karugtong ng buhay ko ang sikretong hawak ng anak ko." Gamit ang kabila niyang kamay ay namulsa ito at kumuha ng portable U.V light at itinutok iyon sa kanyang braso. Barcodes din ang naka-tattoo sa braso niya katulad ng kay Althea. "Hindi lang ito simpleng barcodes, dito makikita ang eksaktong lugar ng kayaman na ipinatago sa 'kin ng gobyerno laban sa Big Hit." Itinago ng ginang ang braso at inilapag ang U.V scanner sa countertop. "At kahit anong gawin nila, hindi nila maiintindihan at makukuha ang coordinates kung ang kay Althea lang nasa kanila." Dugtong pa niya. "Hinahanap ko pa ang eksaktong lokasyon kung saan siya dinala ni Cason at sa oras na mahanap ko iyon, ako mismo ang magliligtas sa kanya." Matapang kong wika. "Alam ko kung nasaan siya." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Kailangan mong pumunta roon." Binuksan ng ginang ang kabinet na nasa ilalim ng countertop at hinugot ang isang itim na bag. "Dalhin mo ito." Dagdag niya habang inaabot sa 'kin ang bag. Pagbukas ko ay tumambad sa 'kin ang mga explosives na de-timer. Naroon din ang blueprint na sa tingin ko ay sa lokasyon ni Althea. "Tawagan mo ako pagdating mo roon. Kailangan ko pang habulin ang code para makasiguradong hindi nila iyon makikita." Hindi ko maiwasang magtaka at magalit sa paraan ng pagsasalita ng ginang. Ayoko siyang husgahan pero hindi ko mapigilan ang makapagsalita ng hindi maganda. "Bakit parang mas mahalaga pa ang codes kaysa sa anak mo?" Dala ng galit ay may diin sa tono ng boses ko na naging dahilan kung bakit napatingin siya sa mata ko. Napatigil ito sa p*******i ng kanyang buhok at humarap sa 'kin. Bumagsak ang balikat niya at bumunga ng hangin. "Kung alam ko lang na ganoon kalaki ang misyon ko noon, hindi ko na sana itinuloy ang pagbubuntis ko kay Althea." Bungad niya. "I don't want to judge you boss pero gusto sanang maintindihan kung saan nag umpisa ang lahat." Lakas loob kong wika sa kanya. She looked at me and I thought she will tell me the story. But then she ignore me. Tumayo siya at naglakad papasok sa pinto malapit sa kusina. Agad-agad akong sumunod sa kanya kahit pa walang pahintulot niya ay pumasok ako sa loob. The room was near empty. All I could see is a computer set in the middle of the room and a file case beside it. "Boss, hacker ang trabaho ko at hindi tagapagligtas ng anak mo." I caught her attention. "Now, if you want my help. I demand to know everything." She looked at me and told her story. I learned that she was already pregnant when she was appointed as a class S agent with the most important mission. But at that time she hasn't know she was carrying a child. Tinanggap niya ang trabaho and did everything she could to do it right. Huli na nang malaman niyang buntis pala siya. Halos magpabalik-balik nalang noon siya sa bahay at pamilya niya. Natapos ang misyon niya nang kabuwanan na niya. Hindi niya alam na sa mga oras na iyon, natunton na siya ng Big Hit. She know what they want – the codes. When she gave birth at home, kahit ayaw niya, kinailangan niyang ibingay ang codes sa bagong silang na si Althea. That same night she ran away and never came back. All she knew that her husband re-married and had a son. Laking pasasalamat niya nang alagaan at tanggapin si Althea bilang parte pa rin ng kanilang pamilya even after his new wife passed. "Kailangan kong iligaw ang Big Hit. Kapag malayo ako, tahimik ang buhay ng pamilya ko. Ako ang sinundan nila. To leave and never come back was my plan." Inisip ko nang mabuti ang mga nangyari at kung paano nadamay ang sanggol na si Althea. Sa pagkakaintindi ko, hinati sa dalawa ang codes – nasa ina ang isa at ang isa ay nasa sanggol. "She can die out of exhaustion. We have to hurry." Now that I understand what's going on. Buong loob akong tutulong hanggang sa kaya ko, mailigtas lang si Althea. She is innocent and fragile. For I know, I've seen her carelessness. I laughed at her clumsiness. I have been there for her secretly loving her laughs, her smile. Simply loving her whole being Umalis ako matapos makuha ang ilan pang instructions ni Boss. The place where they took her is far enough that people won't notice the things that happening inside. Kinailangan kong mag drive ng halos dalawang oras para lang makarating sa lugar. I have to do it. I have to save her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD