Chapter 18 – Cure Nicy Loraine Morit Nakatingin kaming lahat sa natutulog na si Limea. Nag-panic kami kanina nang bigla siyang nawalan ng malay kaya hindi namin siya iniiwan hangga't hindi siya nagigising. Laking pasasalamat namin nang tumalon palapit si Matthew kanina kay Limea para hindi siya maipit sa gitna. Sa sobrang gulat namin ay hindi kami agad nakakilos. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya na para bang alam niyang mangyayari iyon. O baka naman sobrang tutok lang siya kay Limea na alam niyang may mali? "Bakit hindi natin naramdaman na may mali sa kaniya? Edi sana na-postphone natin kahit papaano para maging ayos talaga siya bago ginawa ang misyon." Hindi ko mapigilang hindi magsalita. Napakatahimik naman kasi at sobrang nakakabingi ang katahimikan. Lahat kami ay nakatu