Chapter 15 – The curse Nicy Loraine Morit Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. Napangiti ako nang mapait dahil sa mga naalala ko. Akala ko kasi ay makakalimutan ko na iyon, o kaya naman ay hindi na ako masasaktan kapag naisip ko ang nakaraan pero nagkamali ako. Sobrang sakit pa rin pala hanggang ngayon. "Oh." Inangat ko ang tingin ko at nakita ang nakalahad na kamay ni Alton. Inabot niya sa 'kin ang panyo niya nang hindi nakatingin sa 'kin. Sa malayo lang siya nakatanaw habang nakakunot ang noo. Napangiti ako nang makita ko siya. Gusto ko sana talagang mag-isa lang ngayon. Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya dahil hindi naman niya ito alam. Tinanggap ko na lang ang panyo na inalok niya at saka iyon pinunas sa pisngi ko. "Hindi ba nasabi sa 'yo ni Jian na ayoko ng kahit na sino