Dream 12

2025 Words

Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay muling nakarating ako sa isang pamilyar na kapatagan na punung puno ng mga bulaklak. Doon ay malakas na kumabog ang puso ko at mabilis na inilibot ang tingin para hanapin ang lalaki na ilang araw ko na rin hindi nakita. "A-Apollo?" kabado at nanginginig na pagtawag ko pa. Ngunit anuman na paggala ng mga mata ko ay wala akong Apollo na matanaw sa aking paligid. Kaya mabilis na tumakbo ako sa bawat sulok ng kapatagan para hanapin siya roon. "Apollo! Naririnig mo ba ako?" "Apollo, sumagot ka naman!" "Apollo! Magpakita ka naman sa akin!" Ramdam ko ang pananakit ng aking lalamunan para tawagin siya ng paulit ulit at pakiusapan na magpakita. Ngunit anumang pagtawag na aking gawin ay hindi pa rin nagpakita kahit anino man lang ni Apollo. "Apollo!" malak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD