Chapter 3

1211 Words
Pagdating namin sa room nagtaka kami ng baliw kong kaibigan nang makita naming nag-aayos na ng mga gamit at naghahanda ng umuwi ang aming mga kaklase. "Uyy Rica bakit umuuwi na kayo?" Tanong ko rito napakahirap kasing paniwalaan na maagang mag-dismiss ngayon ang teacher namin sa chemistry. "Wala na raw tayong klase kasi 'di pupunta si ma'am Magdayaw kakachat niya lang sa president natin hindi raw siya makakapunta kasi may urgent meeting raw siya with someone." Sagot nito habang nag-aayos pa rin ng mga gamit nito, ako naman ay sandaling nakaramdam ng kaluwagan sa kalooban ko salamat naman mukhang mapapaaga ang uwi namin kaya makakahabol ako sa trabaho ko. "Ayyy sige na Luna at Gina uuwi na 'ko. Ingat kayo 'a." Pagpapaalam nito saka dali-daling umalis kapareho ko rin 'yun isang working student kaya hindi na ako magtataka kung bakit ito nagmamadaling umalis. "Bestie narinig mo ba? Wala tayong class." Pagtitili ng kaibigan ko at take note may kasamang suntok sa hangin kaya napangiwi ako, ewan ko ba rito mukhang mas kita rito ang saya kaysa sa'kin. "Sa pagkakaalam ko Gina may tenga pa naman ako." Pamimilosopo ko rito kaya  napaismid na lang ito saka napayakap sa sarili nitong bag. "Hayy grabe siya pero teh, matutuloy na date namin ng future husband ko mamaya Ahh!!" Nagtitili na naman po siya and I roll my eyes at her saka hinila ang tenga nito. Wala ng bago e' ganitong-ganito pa rin ito sa dami na ng lalaking napatos nito ewan ko na lang kung kailan ito hihinto. E' alam ko naman ang ending iiyak na naman ito at sasabihing hudas pala ang napili niya. "Ahww ahww! Bestie" Sabi nito at pilit na tinatanggal ang pagkahila ko sa tenga niya. Nang binitiwan ko na ang tenga nito ay agad naman itong nagpout. "So gano'n iiwan mo ako. Sasama ka roon kay Ginn na sobrang babaero kaysa sa'kin na kaibigan mo?" pangsesermon ko rito ang talandi kasi, sa pagkakaalam ko pa naman sa lalaking sasamahan nito ay tila walang gagawing mabuti. Sa ngisi pa lang ay kitang manloloko talaga. "Aba! Bestie naniniwala ako sa kasabihang walang imposible sa pag-ibig. Tiyaka malay mo mabago ng aking kagandahan si papa Ginn." Sabi nito. Hayyy wala na suko na ako kahit kailan hindi ko talaga mapigilan ang mga gusto nitong gawin. "Aasa kana naman Ayyy sigi na alis na." Pagtataboy ko rito pero kunwari nagtatampo ako para naman hindi na sana ito tumulot sa pupuntahan kasi sa totoo lang nag-aalala ako para rito. "Wag kanang magtampo bestie mas love kita pero bestie abs na oyon e' ang grasya na ang lumalapit sa akin kaya susungaban ko na." Wala na malala na ang babaeng ito buti na lang talaga hindi ako nahahawa sa kabaliwan nito kasi ewan ko na lang. "Sige na alis na magtatambay na lang muna ako sa library." Hayyy mag-isa na naman ako pero ano ba magagawa ko. "Teka paano 'yan akala ko ba hahabulin mo ang working schedule mo?" Napatampal ako sa aking noo oo nga pala bakit ko ba muntik ng nakalimutan. "Ay oo nga pala pero daanan ko na muna ang library need ko humiram ng books na pwede kong basahin sa bahay pagkagaling ko sa trabaho." Kumunot ang noo nito pero sa huli ay nakita ko naman ang pagsuko nito saka napatango. "Kahit kailan talaga ang hilig mo riyan hindi naman kita mapigilan e'." Tumaas ang isa kong kilay. "Hindi rin naman kita mapigilan sa gagawin mo ngayon e'." Nag-wink ito at natawa kaya napailing na lang ako kahit kailan 'di naman tayo naaapektuhan sa asar ko rito mas gusto pa nito iyon. "Okay bye Bestie kwekwentuhan na lang kita tungkol sa abs at saging ni Ginn." At tumakbo na ito palabas ng room ako naman ito gulat pa rin sa sinabi ng bff ko what? Saging? 10%.................. ............100% loading success. What the hell! Lagot sa akin ang babaeng iyon huwag nitong sabihing isusuko nito ang bataan? Ayy hindi naman ata. Kilala ko ang baliw na iyon bibig at utak lang no'n ang madumi pero marunong naman iyon magkontrol ng sarili lalo na sa mga ganiyang mga bagay na makamundo. Napatingin ako sa aking bag, need ko na pala mag-ayos para mabilis kong mgawa ang mga dapat kong gawin. Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay na sa bag ko at umalis na ng room gaya ng sinabi ko sa kaibigan ko ay dadaan muna ako ng library tapos ay pupunta na ako sa trabaho ko. Yep tinanggap ko ang pagiging working student. Wala na kasi akong magulang namatay sila noong high school pa ako kaya nagrerent ako ng isang maliit na apartment na binabayaran ko monthly sa sitwasyon na ganito need ko sumikap kasi walang gagastos para sa'kin. Siguro nga kung may pamilya ako hindi ako mahihirapan pero siguro ito talaga ang tadhanang meron ako maaaring may pamilya ang iba pero kahit ako ay wala meron namang mga tao na pinapahalagahan ko ng lubos at tinuturing na pamilya na rin.. "Oh Ms. Romero. Napadaan ka hihiram ka ba ng libro?" Nagising ako sa aking malalim na pag-iisip. Nang narinig ko ang tanong ni Mrs. Delos Reyes ang nagbabantay ng library. Kilala ako nito dahil lagi kong pinupuntahan ang lugar na ito. Kaya ngumiti na lamang ako rito. Saka maikling tumango, Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko na madaming maswerteng mga tao na may kompletong pamilya pero binabalewala nila iyon. Samantalang may mga tulad ko na nangangapa sa dilim at walang masandalan. "Ms. Romero try mo 'yung bagong dating na libro iniligay ko iyon sa paborito mong pwesto tingnan mo na lamang." Nanlaki ang aking mga mata at napangiti mukhang magkakaroon na ako mamaya ng mapagkakaabalahan. "Salamat po." Sambit ko hindi ko na hinintay ang magiging sagot nito  at nagmamadaling pinuntahan ko na agad ang paborito kong parte ng library. At ang paborito kong parte rito ay ang hulihang shelf dahil malayo ito, walang masyadong pumupunta na estudyante roon sa  paniniwala nilang may multo roon. Kaya nga mas tahimik at hindi lang nila alam ang mga magagandang libro na nakatago roon. Sabi nga nila ang mga matatapang lang talaga ang makakapunta sa isang paraiso kung hindi ka matapang hindi mo magagawang mapuntahan ang ninanais mo or hindi mo maipaglaban ang mga gusto mo. Minsan kasi ang mga mahihina ang laging napag-iiwanan at ang mga mahihina ang laging pinagkakaitan. Kaya bilang sanay ako na humaharap sa mga problema ng mag-isa ay natuto rin akong maging matapang sa paraan na kaya ko na tumayo sa sarili kong mga paa. Napahak ako sa mga nadaanan kong libro at sandali ko rin binabasa ang mga pamagat no'n, naghahanap ng babasahin na aagaw sa aking atensyon. Pero wala pa rin e' napakamot tuloy ako sa aking batok at napabuntong-hininga mabuti na lang at narating ko na ang pinakadulong shelf kung saan ito na ang pinakatago. Siguro nga magugustuhan ko 'yung sinasabi ni ma'am, bago naman daw e' kaya baka maganda. Napangisi at mas naexcite ngunit natigilan ako nang makarinig ako ng mumunting kaluskos at mga ingay na tila pigil at nahihirapan. Nagtaka naman ako dahil doon pero hindi naman ako takot sadyang nagkaroon ako ng kagustuhan malaman ang nangyayari kaya hindi ako nag-atubili at sinilip ko ngunit sana pala hindi ko na ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD