Flash back college days.
Lunaire pov
"Hoyy luna tinititingan mo na naman si Zeen." Tinapik ako ni Gina at tila nagising ako mula sa matinding pagpapantasya sa taong matagal kong iniidolo.
"Ahh hindi a'." Pagtatanggi ko at iniwas ang aking tingin mula sa mga mata nitong nang-uuyam at nanunuri.
"Aba! Magdadahilan ka pa e', huling-huli kana ayy oo nga naman sino ba ang hindi magkakacrush kay papa Zeen Leon Zapanta isang mala greek god sa gwapo, strong jaw line, blue eyes, matcho,at my abs woohh ang sarap I-ulam." Sabi ng baliw kong bestfriend at binuntunan pa ng malakas na tawa na parang siya lang ang andito.
"Gina tumahimik ka nga, pinagtitinginan na tayo oh, at 'di ko crush si Zeen." Pagtatangigi ko dahil baka kung ano na lang isipin nito na masyado akong sobrang mangarap.
Kala mo naman kung sinong maganda e' isa lang naman akong taong hindi kapansin-pansin.
"Hoy bestie kilala kita, kung tumingin ka kay papa blue eyes parang gusto mo na siyang kainin at tingnan mo may laway pa sa gilid ng labi mo." Sambit nito ng seryoso hala! gano'n ba talaga ako tumingin kay Zeen? Wait ano raw laway? Dali-dali kong hinawakan ang gilid ng labi ko para pahidin ang kahiya-hiyang bagay pero teka wala naman.
"Huli ka! Ano bestie crush mo noh? Umamin kana kasi." Ang tawa nito ay lubos na nagpamula sa'kin sobra akong nahihiya sa aking inasal, niloloko lang pala ako ng bruha at ako naman ito nagpaniwala ng sobra-sobra jusko.
Siniko-siko pa 'ko nito nang hindi ako suamsagot Haisst tanga ko talaga. Napatampal ako sa sarili kong noo at napailing.
Ito naman ay tawa lang ng tawa habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.
"Amin na bff." Sabi nito at may nakakalokong ngiti.
"Oo na crush ko siya." May pagsukong sagot ko rito.
"Woah dalaga na si bes-" Agad kong tinakapan ang bibig nito nang akmang sisigaw ito, andito pa naman kami sa canteen isa pa meron na ngang mangilan-ngilan na estudyante na tumitingin sa gawi namin s**t! nakakahiya.
Kung pwede lang talaga sakalin ang kaibigan ko nagawa ko na.
"Tumahimik ka bestie, tatanggalin ko itong kamay ko sa bibig mo pero huwag kang sisigaw ulit 'a." Tumango-tango agad ito kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko na sana hinri ko na ginawa.
"Bestie grabe, crush mo pala si papa blue eyes bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin?" Mapanuksong tanong nito putek kung bakit naman kasi nahalata nito iyon e'
"Gina, crush lang naman anong big deal doon?" Nakakainis kasi ito e' sa laki ng bunganga nito baka malaman pa ng iba at baka ano na lang ang sabihin.
"Hmmp big deal kaya 'yon ngayon lang kaya na attract ang isang Lunaire Gail Romero ang kaibigan ko na madami ng pinaiyak na lalaki na muntik ko nang isipin na lesbian ka nakakatakot 'yun bestie iniisip kong baka matagal mo na akong pinagnanasaan." Tinuro pa ang katawan nito at nag pose na kinataas ng isa kong kilay ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito hindi na talaga nahiya.
"Ulol! Asa ka naman na pagnanasaan kita kahit maging lesbian ako." Natatawang sagot ko rito kaya napanguso na lang ito
"Grabe ka naman bestie so sinasabi mong pangit ako." Kumunot ang noo ko at umakto pa itong nasasaktan at may pahawak-hawak pa sa dibdib nito.
Bruha talaga ang babaeng ito.
"Ikaw ang nagsabi niyan halika na may class pa tayo." Pang-aaya ko rito pero tinampal nito ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.
"Teka bestie aminin mo muna na maganda ako." Sabi nito sa'kin kaya tiningnan ko ito at ang loka nagposing pa paano ko ba naging kaibigan ang baliw na ito?
"Luna huwag mo akong tingnan na parang tinatanong mo sarili mo kung paano mo naging kaibigan ang isang baliw na tulad ko huwag kang magmalinis mas baliw ka sa'kin sino bang babaeng nasa wisyo ang mangongolekta ng bagay na may naka print na saging. Kung pumunta nga ako sa apartment mo parang may nakatira roon na unggoy at bigla na lang ako hahablotin putek nakakatakot." Paano ako naging baliw? E' sa paborito ko ang saging e' at paano pa naging mind reader ang bestfriend ko?
"Huwag kanang mangatwiran diyan sa isip mo at 'di ako mind reader sadyang madali ka lang basahin buti na lang ako obsess sa buhay na tinapay at saging atleast doon may makukuha pa ko mabubusog pa 'ko." Tumawa ito ng malakas baliw talaga, kahit papaano mas matino pa naman ako rito e'.
Kung magmalaki itong nahihilig sa buhay na saging at tinapay ay parang hindi iyon nakakahiyang pangyayari.
Kung ito nga ang kasama ko maglakad ako na lang mismo ang mapapayuko dahil bigla-bigla na lamang mapalatawa ito at ituturo sa'kin ang tipo raw nitong saging.
Haistt kung pwede lang ito iwan sa daan ginawa ko na.
"Ulol! Halika na nga baka masigawan tayo ng prof natin kapag magtagal pa tayo rito at malalate na tayo." Hinila ko ito kaya kusang napatayo ito kaya napabuntong-hininga na lamang ako sa wakas nagawa ko rin itong kumbinsihin.
"Nga pala ano bang meron ngayon doon sa pinagtratrabahuan mo?" Napabaling ang tingin ko rito habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"Ewan ko sa ngayon kasi sabi ng boss ko may mga bagong drinks. Gusto nga niya pumasok ako ngayon ng mga ganitong oras pero may klase naman tayo. Kaya sabi ko titingnan ko lang pero still gaya ng dati ayun nagalit sabi niya huwag na huwag daw akong pumasok ng late. Pero siguro mag-absent na lang ako pag konting oras na lang at sobrang late na ako. Kung siguro maaga tayo baka papasok ako sa bar kahit late hayaan ko na lang na masermonan ako sayang rin ang kikitain e'." Nakita kong tumango ito pero kita ko pa rin ang kunot sa noo nito.
"Ewan ko ba sa'yo hinahayaan mo kasi na sermonan ka ng boss mo saka dapat maunawaan niyang nag-aaral ka rin, kung ako lang talaga siguro sasabunutan ko 'yun kahit wala naman akong masasabunot." Napailing ako, hindi ko rin naman magawang sagot-sagotin ang boss ko dahil ako naman ang may kailangan e'. Tiyak pagtinanggalan ako non ng trabaho ay mahihirapan na akong makapag-aral.
"Hayaan mo na basta tama pa rin ang pagpapasweldo niya sa'kin kasi sa ngayon ang pera na galing sa kaniya ang ginagamit kong pangkain." Bumuntong-hininga ito bilang pagsang-ayon noon pa naman kasi ay sinasabihan na ako nito pero, gano'n rin ang sagot ko.
Kasi need ko kumayod hindi naman kasi pinupulot ang pera sa daan lang e'
"Haistt kung matutulungan lang sana kita baka noon pa lang ay ginawa ko na."
"Okay lang baliw isa pa kaya ko naman." Humaba ang nguso nito kaya kinurot ko ito.
"Aray naman! Porket inspired na inspired ka e'." Umawang ang labi ko at umirap ako rito ipaalala ba naman ang kahihiyan ko na 'yun.
"Tsk, wala iyon paghanga oo inaamin ko pero hindi naman kami bagay alam mo naman kung hanggang saan lang ako."
Oo hanggang dito lang naman ako.
Walang maipagmamalaki at kahihiyan oo iyon lang ang meron ako.