ANDREW Habang tumatagal ay mas lalong nagkalapit ang loob namin ni Isabelle. Dahil sa kami lang dalawa ang maiwan sa bahay. Ipapasyal niya ako lagi sa may dalampasigan. Minsan mag-unahan kami sa pagtatampisaw sa malamig na tubig ng dagat. "Alam mo, Andrew. Dito kami madalas noon maglalaro ni Ate Cristine noong bata pa kami. Hindi pa ako bulag noon," Tila may bahid na lungkot ang tinig nito. Napalingon ako sa kanya. Nilalaro niya ang buhangin sa kanyang paa. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. At pinagitna ang mga daliri niya sa daliri ko. Madalas ko na itong gawin sa kanya ngunit natutuwa ako dahil kahit kailan hindi siya nag reklamo. Bagkus mas hinigpitan pa nito ang hawak niya sa kamay ko. "Don't be sad, Isabelle. May dahilan kung bakit nangyari iyan sa iyo. Just like me,