ISABELLE "Aray, ko. Andrew ang sakit ng ilong ko," reklamo ko sa kanya. Pagkatapos niyang pinahid ang aking mga luha na nakaalpas sa aking pisngi. Bakit kaya lagi na lang kaya niyang pagdiskitahan ang ilong ko? "Pinapatawa lang kita. Malungkot ka na naman kasi. Alam I na ayaw kong makikita kang umiiyak. I hate seeing you crying because it breaks my heart seeing you like that," muling turan nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapamangha sa bawat salita kanyang binibitawan. Lalo na ang pagsasalita niya ng english mukha sanay na sanay na itong bigkasin ito. Kahit hindi nito maalala ang kanyang nakaraan at pinang galingan hindi pa rin maitatanggi na may kaya ito sa buhay... "You know what? Naiisip mo ba ang naiisip ko? Let's swim, ang ganda ng tubig sa dagat. Tingnan mo ang saya ng mga bat