“Huwaggggg!” Sa pagbangon ko sa umaga, isang malakas na sigaw ang aking narinig—ang sarili kong tinig na puno ng takot at pagkabahala. Hingal na hingal ako, pawisang-pawisan, at tila ba naglalakbay pa rin sa aking isipan ang nakakatakot na panaginip na kakaiba at hindi malilimutan. Isang panaginip kung saan ako'y sinaksak ni Galen, ng isang patalim ng paulit-ulit. Napakalakas ng t***k ng aking puso habang bumabangon mula sa kama, ang bawat hininga ay tila ba nagpapatunay na ako'y buhay at totoong nasa mundong ito. "Bakit... bakit ako sinaksak ni Galen?" ang mariing kong tanong na bumalot sa aking isipan, nagdulot ng pangamba at pag-aalinlangan sa aking sarili. Ang pangyayaring ito sa panaginip ay hindi lamang simpleng bagay na maaaring balewalain—ito'y nagdulot ng malalim na katanungan