CHAPTER ONE

1203 Words
“SKIN’S so baybrant. Skin’s so byotipol. Bella… Sabon ng mga artista.” “Cut!” nanggigil na sigaw ng direktor. Nang marinig namin ang galit na galit na boses ng direktor, napapikit ako at sumabay sa pagbuntong hininga ng ilang staffs na nanonood sa pag-acting ko. Huminto na rin ang camera sa pag-record sa’kin. Nasa taping room ako together with some staffs ng isang maliit na skin product company. Noong nakaraang linggo kasi nagpa-audition sila para sa advertisement ng soap product nilang Bella. Dahil sa pangangailangan ko ng pera ay sumabak na ako sa audition. Sa pag-audition ko, heto ako ngayon, nakatayo sa isang maliit na platform with green background. Suot ang isang white bodycon tube dress at nakalugay ang buhok kong kinulot ang dulo nito. ‘Yong dalawang make up artist na nag-ayos sa’kin kanina, nilagyan lang nila ng konting make up ang mukha ko. Pinuri pa nga ako ng isa na hindi ko na raw kailangan ng makapal na make up dahil natural na ang ganda ko. Shet! Tama nga si Mama na nagluwal siya ng magandang anak sa mundo. “Bwisit! Ano ba naman ‘yan, Ms. Ybanez?” iritableng sita sa’kin ng lalaking direktor. Actually, he’s gay. Namumula na ang mukha nito at namimilog ang mga mata sa inis. “Ayusin mo ‘yong pronunciation mo at ‘yang pagde-deliver mo ng words! Vibrant, hindi baybrant! And it is beautiful, not byotipol! Shuta! Take twelve! ‘Kastress!” Hindi ko na nagawa pang humingi ng paumanhin sa direktor nang tumunog na ang clapperboard—indicating another cue to start. Inulit ko ang labing isang salita na kagabi ko pa pinractice at kanina ko pa binibigkas sa harap ng camera. Kahit high school lang graduate ako, marunong at nakakaintindi naman ako ng Ingles. Nagkakatalo lang talaga sa pronunciation. Kung nakatuntong ako sa kolehiyo no’n, baka hindi ako sinisinghalan ng direktor. Pero hindi sapat ang kinikita namin ni Mama sa pagtitinda ng mga pagkain para mag-kolehiyo pa noon. Mas kinailangan ni Papa ang pera sa maintenance nito dahil high blood ito. Kaya hindi ko na pinush ang pag-aaral sa kolehiyo. Saka na-e-enjoy ko na ang buhay ko. Mahirap man, kakayanin naman. “Cut!” sigaw ng direktor. “For fifteen take, you finally perfect it, Ms. Ybanez!” I smiled at ease as I heard the pleased voice of the gay director. Pumalakpak pa si direk na may ngiti sa mga labi. He looked so proud as if hindi ako sininghal-singhalan nito kanina. Tsundere ka, direk? “Pack up, guys! Thank you for today!” anunsiyo nito. Bumaba ako mula sa maliit na platform. Tinulungan naman ako ng direktor by lending his hand to me na tinanggap ko naman. Nagpasalamat ako rito at humingi ulit ng paumanhin dito. “It’s okay, Ms. Ybanez. I am the one who should say sorry for yelling at you. Anyway, you did a great job today,” pagpuri nito. Inabot nito ang isang kulay kapeng sobre. “Here’s your incentive, Miss. You’re actually perfect for this kind of advertisement. Maganda ka. Flawless face and you have fair skin. But I suggest you enhance your pronunciation.” Ngumiti ako ng tipid at tumango sa papuri nito. “Yes po, I will.” I replied. “Maraming salamat po ulit, Direk. Mauna na po ako.” “Go ahead,” sabi nito na sinabayan ng pagtango. Naglakad ako palapit sa isang mesa kung saan naroon ang itim na shoulder bag na hiniram ko pa sa kuya ko at ang kulay maroon na three-fourth blouse. Hindi na ‘ko nag-abala pang magpalit ng damit. Sa’kin naman kasi itong suot kong puting tube dress. Saka mag-a-alas quatro na ng hapon at kailangan kong makauwi ng alas singko para makapagtinda ng mga inihaw na pagkain. Sinuot ko ang three-fourth blouse para takpan ang expose kong balikat at braso. Nilabas ko ang isang pares ng sneakers na pinagkasya ko sa maliit na shoulder bag. Hinubad ko ang puting high heels at maayos na pinatong iyon sa mesa. Pagkatapos ay sinuot ko ang dalang sapatos. Muli akong nagpasalamat sa direktor. Nang makalabas ako ng kumpanya ay nag-inat ako ng katawan. I clasped my palms and stretched my body. And when I felt my nerves calm, I continued on walking down the entrance of Z Company. Siguro naman, bago mag-alas sinco ay nasa bahay na ‘ko. Sapat na siguro ang isang oras na byahe. Napakalawak na siyudad ng Buena Astra. Nagtataasang mga buildings. Marami man ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada ay hindi naman gano’n kahigpit ang traffic. Ang presko pa ng sidewalk dahil sa mga nakahilerang puno ng acacia. Sa bawat pagitan pa naman ng mga puno ay may wooden bench at poste ng mga ilaw. Ang ganda ng landscape ng Buena Astra. At masasabing well-mannered ang mga tao nito dahil hindi kakikitaan ng anumang balat ng candy ang siyudad. Nasubukan ko na rin mag-apply sa mga ilang kompanya rito pero hindi nila kailangan ng high school graduate na katulad ko. Mga bigating aplikante at empleyado ang kailangan nila. Iba talaga kapag nakatapos ka ng kolehiyo. Kapag guminhawa talaga buhay ko, itataga ko sa bato, ililipat ko sina Mama rito. Dito ko sila pagtitindahin ng mga kakanin. Echos! Nakarating ako ng bus station. Umupo ako sa bench na naroon at inumpisahan kong aliwin ang sarili ko sa pamamagitan ng panonood sa mga dumaraan na mga sasakyan. Kung kasama ko lang ‘yong bunsong kapatid ko na si Oli, tiyak na mamamangha at hindi titigil iyon sa katuturo sa mga magagarang sasakyan. Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko. Tumayo ako at inayos ang sarili nang maaninagan ko na ang paparating na bus. Hanggang sa may napansin akong isang itim na kotse na nag-overtake. Anong feeling ng nagmamaneho no’n? Nasa car racing? Although, I can’t help but watch it passed by the station and stopped ten meters away from where I am standing. “Hala! Hindi naman ako nagpasundo. Chos!” Feel na feel ko rin, e, ‘no? Akala mo naman may ganyan akong kagarang kotse na susundo sa’kin. Baka sunduin ako ng naka-bisikleta, pwede pa. Nawala lang ang atensyon ko sa itim na kotse na ‘yon nang huminto na sa tapat ko ang hinihintay kong bus. Sa pagbukas nito ng pinto, napansin ko naman ang pagbukas din ng pinto sa may driver’s seat. “Miss, ano ba? Sasakay ka ba o tatanga ka na lang diyan?” Nalipat ang atensyon ko sa inis na boses ng kundoktor. Hindi na ako nagsalita at pumasok na ako ng bus. ‘Ni hindi pa nga ako nakakaupo, unti-unting umusad ang transportasyon. Habang naglalakad patungo sa dulo ng bus, wala sa sariling napatingin ako sa labas—kung saan mismo huminto ‘yong itim na kotse kanina. Bahagya akong napakunot ng noo nang makita ko ang nagmamaneho no’n. Isang matangkad na lalaking nakatayo sa pagitan ng pinto ng driver’s seat. Nakasuot siya ng itim na pants at tuxedo. Hindi ko masyadong na-examine ‘yong mukha niya pero kakaiba ‘yong ekspresyon no’ng lalaki. Nakakunot ang noo niya pero mukha siyang nabigla habang… nakatingin sa’kin. Naiiling na napabuntong hininga ako. “Naku, Carla, nagluwal ka talaga ng diyosa sa mundo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD