PROLOGUE

903 Words
MAY mga kanya-kanya tayong alaala na gusto nating balikan, hindi ba? Because those memories gave us a nostalgic feeling, it may involve home and family and feelings that involve longing for long-gone moments. Pero may mga alaala rin naman tayong ayaw nang maalala at pilit na binabaon sa limot. These are the memories used to bring happiness that hold embarrassing moments or events. But there are also memories that makes us feel the most powerful emotion on Earth—regrets. Pero aanhin ko pa ang magsisi, hindi ba? Nangyari na ang mga nangyari. Nasaktan na ‘ko. Nasaktan ko na ang anak ko. If only I could build a time machine, babalik ako sa unang araw na nagkakilala kami ng personal ni Uno. “HUY, ‘te! ‘Yong binibili kong sampung isaw naging pretzels na!” saad ng matinis na boses. “Naku, Mia! Naku! Wala ka na naman sa mundo mo! Bakit gustong-gusto mong tumambay sa mundo niya?” I was still a bit hazy with reminiscing the past. Unti-unting naging malinaw ang paningin ko at bumalik sa realidad—realidad na nasusunog na nga ang mga iniihaw kong bituka ng manok! Mabilis na binitawan ko ang pamaypay ko na gawa lang sa ginupit na kahon at saka tinanggal ang mga nakahilerang isaw sa charcoal grills. Nilapag ko ang mga ‘yon sa isang bilao na may nakalatag na dahon ng saging. Hindi makakain ni Jace ang mga ‘to. Imbis na sarap ang malasahan niya, pait ang matikman niya. “Ano ba kasing meron sa unang pagkikita niyo at hindi mo malimutan?” Jace squinted his eyes as he looked at me with doubt. He gestured his hands to pay attention to him. “Mia, magtapat ka nga. Seryoso ka ba sa sinabi mong kakalimutan mo na ang asungot na ‘yon?” Mayroon talaga tayong kaibigan na straightforward, ‘no? Napasibi ako sa tinawag niya kay Uno. “Hoy! Gwapong asungot ‘yon.” “Confirmed, ‘te,” sabat ni Deana. “Hindi seryoso ang lola mo. Display lang ‘yon. Palamuti.” Puno man ang bibig nito nang kinakain na isaw ay nagawa pa rin nitong dagdagan ang komento. Nakapamaywang si Jace at napasimangot. “Ipokrita ka talaga, ano, Mia?” angil niya. “Kultura na ba talaga ng mga marurupok ang salitang ‘kakalimutan ko na siya’?” “Sus! Nagsalita ang hindi marupok!” Minsan, hindi ko talaga alam kung kanino kampi itong si Deana; sa’kin ba o sa kaibigan naming boy but girlaloo. “Maawa ka naman sa puso mo, Mia, uso move on, ‘te!” “True ka diyan, sis!” Deana agreed with Jace. “At saka, ‘te, R.Y.P.” Napakunot noo ako. “R.Y.P?” “Remember your place and keep the straight face,” sagot nito na hinabulan pa ng ‘duh!’. “Dumating na ‘yong dating asawa niya. Saka trabaho lang naman ‘yong sa inyo ni Uno, ‘di ba? Bakit kailangan mo magpa-apekto ng ganyan? Hindi mo kailangan ng gano’ng lalaki na pagkatapos lahat ng nangyari sa inyo, itatapon ka na lang na parang—” “Condom.” Jace cut Deana off. “Eww!” Deana and I reacted in unison. “Ang baboy mo, Jace!” bulalas ko. Dama ko ang kilabot na dumaan sa katawan ko. Kahit kailan talaga, hindi matino ang sagutan ng baklang ‘to. “Maka-eww kayo parang—” “Shuta, Jace! ‘Wag mo nang ituloy!” pagputol ni Deana sa sasabihin niya. Napailing na lang ako sa pagbabangayan ng dalawa sa harap ko. Naghanda ulit ako ng bagong bituka ng manok pamalit doon sa naunang sampung isaw na nasunog. Baka itsismis pa ng mga ‘to na low quality ang paninda ko. Chos. Nakapagtapos ng kolehiyo ang dalawang ‘to. Si Jace, isang head manager sa isang sikat na mall sa bansa habang si Deana ay isang stenographer. May times na naiinggit ako sa kanila pero naiisip ko rin na hindi naman basehan sa buhay ang pagkakaroon ng degree o pagkatapos ng kolehiyo. Nasa tiyaga at diskarte pa rin ang lahat. Naririnig ko pinaguusapan ng dalawa—actually, pinaguusapan ako ng dalawa. Ang babastos talaga ng ugali ng dalawang ‘to. Parang wala sa harap nila ‘yong taong topic nila. Pero hindi na lang ako sumabat at baka mapuruhan ako sa pagiging prangka ni Jace. Wala pa naman preno ang bibig niya. Napabuntong hininga ako. Matimbang man itong pangungulila ko sa anak ko at kay Uno, pero hindi ko maitatago ‘yong hinanakit at galit para sa lalaking ‘yon. What he did and said to me was still fresh. If he only just asked me to get out and my job is done, I’ll gladly accept it and leave his house with a heartbeat. But telling me how low class I am who grew up in the squatter made me explode in anger and tears. I heaved a sigh once again as I continued staring and fanning these chicken intestines scattered on charcoal grills. Until I pause and smell something familiar had mixed in the charcoal smoke. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Nang iangat ko ang aking ulo, namilog ang mga mata ko nang nakatayo sa harapan ko ang lalaking mahigit tatlong linggo nang laman ng isipan ko. “Mia, please… Come back.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD