Sinuyod nila ang kalsadang iyon una nilang inalam ay kung binabaha ba ang lugar, ayon sa mga napagtanungan nila ay hindi naman daw. May mga malalapit na mga paaralan sa lugar, elementary, high school at isang sakay lang sa university, may palengke sa kabilang kanto at may kamahalan nga lang ang upa sa lugar.
"Dito ba tayo maghahanap ng bahay Ate?" Tanong ni Josh sa kanya.
"Kung may mahahanap tayo na mauupahan ay dito tayo. Pag wala naman sa kabilang kanto naman tayo maghahanap." Sabi niya dito. Gusto niya sanang hubarin ang jacket dahil nakaramdam na din naman siya ng init, kaya lang ay natatakot naman siyang ihiwalay sa katawan niya ang pera na bigay ng lalaking may uwak na tattoo sa balikat at leeg.
Ang bag nila bagamat may pera na laman ay ilang libo lang iyon, nasa sampung libo mula sa ipon niya ang perang iyon. Kumbaga hard earned money niya iyon, nakita niya na may inilagay din ang lalaki na mga lilibohin sa bulsa ni Josh kanina at maging sa kanyang pajama pants sa harap sa likod. Mamaya pag nakahanap na sila ng matutuloyan ay saka na nila bibilangin ang mga pera nila.
"Talaga! Isasanla ko tong bahay na ito para wala na kayong makukuha sa akin at wala na kayong pag awayan na mga lintik kayo!" Dinig nilang sigaw ng isang ale na nasa tila barong barong na nasa bakanting lote. Saktong daan nila doon at tila nakikipag away ito sa kausap nito sa cellphone.
"Ale may mga nagpapaupa po ba ng bahay dito? " Tanong niya sa babae. Malaki naman ang lote na sakop ng barong barong na iyon, kung sangla iyon ay mas makakatipid sila. Dahil di na sila magbabayad buwan buwan ang tanging ilalabas nila ay ang sangla na pera tapos babalik pa ang pera nila pag tubos na ng mga ito sa kanila.
"Paupahan? Marami, teka baka gusto niyo sangla tira? Itong barong barong ko at lote isasangla ko na ng mura sa inyo." Sabi nito na bahagyang sinuyod ng tingin ang kanyang mukha. At ganun din ang kapatid niya na parang gusto nalang magtago sa likod niya.
"Sangla tira po? Ano po ang terms po sa ganun, ang ibig ko pong sabihin ay paano ang ganung kalakaran?" Tanong niya sa babae. Halata naman ang pagdududa sa mukha ng kapatid niya, alam naman niya na marami ang mga mandurugas lalo na sa mga lugar sa kamaynilaan, pero nasa Quezon city sila kaya naman ay di gaanong crowded sa lugar.
"Kung ang inaalala niyo ay ang mga papeles o titulo ay walang problema, magkakaroon tayo ng kasulatan sa barangay kung hanggang kailan ang pag sangla ko sa inyo. Pwede din kayo na manghingi ng payo sa abogado kung saka sakali." Sabi ng babae.
"Magkano po ba ang sangla nyo? " Tanong niya dito.
Sa isip niya ay kanyang iniisip kung magkano ang matitira sa pera nila at kung paano nila mapagkakasya ang kanilang pera hanggang sa makahanap siya ng trabaho. Mas pabor na sa kanila ang sangla lalo at di naman nila sigurado kung makakahanap sila ng permanente na trabaho. Kasi may trabaho sa wala ay kailangan parin naman nilang magbayad ng renta. Ang pera na hawak nila ay maari pang mawala ng ganun ganun nalang lalo kung di sila magiging masinop sa pag gasta.
Di bale na wala silang makain basta may masisilungan silang bahay na safe Silang magkapatid. Lumingon ang babae sa loob ng barong barong at humarap sa kanila.
"Wala namang bahay na maayos at halos lote lang ang maisasangla ko. Pwede na siguro ang singkwenta mel." Sabi ng babae na ikinangiwi niya. Di niya pwedeng ibigay ang lahat ng pera na meron sila, alam niyang malaki ang pera na hawak nila pero di niya pa tiyak kung magkano ang tig lilimang daan na inilagay kanina ng lalaki sa jacket niya.
"Naku e mahal po pala, baka di kayanin ng kapatid namin ang ganung halaga." Sabi niya sa Ginang. Di nila pwedeng sabihin na silang dalawa nalang at baka maloko sila lalo at pareho silang ignorante ng kapatid niya, nagpapanggap lang siyang maalam na tao pero wala talaga siyang kaalam alam sa kalakaran ng mundo. Alam niyang malayong malayo ang pamumuhay ng tao na nasa maynila kaysa sa taong namumuhay sa probinsya nila.
"Sampung taon naman ang sangla Miss, tsaka pwede nyo naman tayuan ng bahay dito, kung sakali man na tubosin na namin at may bahay na ay babayaran namin kayo sa gastos niyo." Sabi nito na nakakuha ng kanyang pansin.
Napatingin siya sa Kapatid niya, alam niyang wala namang sasabihin ang kapatid niya at susunod lang ito sa kanyang magiging pasya. Nag aalinlangan siya oo dahil di naman siya sigurado kung kakasya ba ang pera nila, pero kailangan na nila na kumilos.
"Ahm titingnan po muna namin kung kakayanin ng kapatid namin ang singkwenta mel. Tatawagan po muna namin, dito lang naman po diba ang bahay nyo?" Sabi niya, hahanap lang sila ng lugar na kung saan pwede silang magbilang ng pera nila.
"Ah oo diyan lang naman ako maghapon mamaya pa ako babalik sa bahay ko sa kabilang barangay, naiinis na ako sa pag aaway away ng mga pamangkin ko kaya isasangla ko nalang." Sabi nito.
"Ahm ate pwede po bang maki cr muna tatawagan ko na din po ang kapatid ko para makapagpadala siya ng pera sa bangko namin." Sabi niya na ikinangiwi niya nang maisip ang nais ipahiwatig ng sinabi niyang bangko namin, haha parang milyonarya lang na may sariling bangko.
"Ay sus sorry nakalimutan ko na papasokin kayo para makita niyo ang loob. Sige tara sa loob may CR ako dito." Sabi nito na nauna ng pumasok sa loob ng bahay.
Nagulat pa siya nang iabot ni Josh sa kanya ang isang cellphone, di niya alam kung saan iyon galing dahil wala naman silang ganung pag aari. Pero alam naman niya na di gagawa ng illegal ang kapatid niya, meaning ay di naman ito magnanakaw ng bagay na di nila pag aari. Gusto niya mang tanungin ang kapatid ay mas pinili niyang di nalang at tumalikod upang sumunod sa babae.
"Ate bigay ni Aling Sela yan kanina, para daw may kontak tayo sa kanila." Bulong ni Josh na umagapay pala sa lakad niya.
Dahil sa sinabing iyon ng kapatid ay napanatag siya kahit papaano, alam niya sa sarili niya na di talaga sila pinabayaan ng diyos at gina guide sila tungo sa tamang mga tao, mga tao na naghahatid ng ginhawa sa masalimuot nilang buhay. Si Aling Sela, yung lalaking may Uwak na tattoo at ngayon ito ang Ginang na nag alok ng sangla sa bahay nito, bagaman tagpi tagpi at tila barong barong ang naturang bahay nito ay ayos lang, sanay naman sila sa bahay kubo.
Simula kasi nang mamatay ang mga magulang nila at lumipat ang tiyahin nila ay di na naipaayos ang kanilang bahay. May mga siwang na ang dingding at sahig sa mga silid ng bahay, ni minsan ay di man lang sumagi sa isip ng mag asawa na ipaayos ang mga iyon. Kahit na may pera ay di naging priority ng mga ito ang pag aayos ng bahay, kaya pag bagyo ay kinakailangan nilang lumikas palagi dahil mababasa sila.
"Ayan ang CR hija." Turo nito sa isang bahagi ng barong barong na nakasara. Maayos naman ang cr bago pa ata ang pinto at sementado naman ang cr.
"Sige po." Sabi niya na dali daling pumasok sa loob. Mabuti at maliwanag sa loob ng cr umihi na muna siya, bago nag umpisa na magbilang ng pera mula sa bundle na bigay ng lalaki. Sa ibabaw lang pala ang tig five hundred dahil ang kalahati pala nun ay mga tig iisang libo na. Nagbilang lang siya ng seventy thousand at inihiwalay sa bundle, makapal pa ang natira sa pera matapos na makuha ang seventy thousand.
Kaya seventy ang kanyang kinuha ay upang may twenty thousand sila na pampaayos ng barong barong, mga tagpi tagpi na ang ibang bahagi at napakababa ng flooring. Kailangan din nilang bumili ng mga basic na gamit gaya ng mga matress at damit na din. Dadagdag nalang siya mula sa bulsa ng kapatid niya at mula sa bag kung kulang.
"Pumayag po ang kapatid namin na kunin ang sangla ninyo, kaya lang gusto po niya na magka permahan po tayo sa barangay. At dito na din po kami tumira mula ngayon." Sabi niya sa babae, kilala niya ang kapatid sa pagiging matipid sa sagot pag tinanong kaya kampanti siyang di ito namali ng sagot ng Ginang. Nakita niya ang pag ngiti ng babae.
"Sige tara sa Barangay para mapagawan natin ng kasulatan." Sabi nito.
"Ahm mag withdraw po muna kami ng pera at magpapagawa sa abogado ng resibo para may notaryo po." Sabi niya sa ginang, narinig niya lang ang notaryo notaryo sa amo niya sa palengke. Ganun ang pinagawa nito nung nagsangla ng sasakyan.
"Walang problema Neng, hintayin ko nalang kayo dito. May notary public dun sa mismong barangay, mag withdraw kana muna may malapit na atm sa labasan, yung katabi ng hardware." Sabi ni Josh.
"Ate mamaya ka nalang mag withdraw kakasya na naman yata sa fifty thousand ang pang tuition sana natin diyan, yan nalang muna ang gamitin natin pambayad kay Ate then saka na tayo mag withdraw pag ibabayad na natin sa school." Sabi ni Josh na kumindat pa sa kanya, agad naman niyang nakuha ang nais nitong ipahiwatig.
"Ay oo nga pala no, sige ho sa barangay na po tayo tutuloy." Sabi niya sa babae.
"Di na kayo lugi sa lote na ito, pag di ko na natubos ay sa inyo na ang lote, iiwanan ko sa inyo ang titulo para naman secured kayo. Basta sampung taon ang ating usapan ng sanla." Sabi nito, nagugutom na siya ng mga oras na iyon dahil alas dyes na lalo at maaga silang nag almusal kanina.
Nauna silang nagpunta sa abogado, kaagad silang ginawan ng resibo at pinaperma ang mga witness nila na barangay official na tatlo pagkatapos ay agad na pina notaryo. Doon na din nagkaabotan ng bayad. Sa pangalan niya nakasangla ang lupa, isang araw nalang naman eighteen na siya, bukas ang kanyang kaarawan, at ang pinakamagandang regalo ng panginoon sa kanya ay ang pagkakaalis nila sa poder ng tiyahin nila.
"Maraming salamat po Kap," sabi niya sa kapitan na siyang isa sa mga naging witness nila. Sinabi pa nga nito sa Ginang na sana sinabi na isinasangla ang lote at gusto sana nito. Thankful siya na nauna sila, pangit kasi pag apartment ang kanilang tirhan at buwan buwan na magbayad ng renta. Unlike ngayon na sangla na sampung taon silang di uupa.
"Sus tapos sangla lang pahirapan pa ang pagbabayad sa akin, ano ako tanga? Kilala kaya si Kap na mang lalamang ng kapwa." Sabi ng Ginang habang nag lalakad na pabalik sa bahay.
"Salamat po sa pag alok niyo sa amin ng inyong Lote, parang ayaw din kasi namin na mag rent ng apartment magastos po masyado. At wala po kaming privacy na magkapatid." Sabi niya sa Ginang.
"Sinabi mo pa, oo nga pala kukunin ko na ang mga gamit ko. Babalikan ko nalang ang mga di ko kayang dalhin ngayon. Di ko pala nabanggit na may sariling ilaw at tubig na ang bahay. Sana naman ay wag nyong mapaputol mahal pa namang madisconnect." Sabi nito sa kanila.
"Sige po on time naman po kami kung magbayad, ahm saan po pala kami pwedeng mamili ng mga gamit sa bahay?" Tanong ni Josh sa Ginang.
"Sa labasan katapat lang ng hardware at botika." Sagot nito.
Kailangan nilang mamili pagkaalis ng Ginang, wala silang mga damit at kahit mga sabon ay wala din, kaya naman ay pinakyaw lang nila ang tricycle para di sila mahirapan mag bitbit. Inuna na muna nila ang damit, grocery at mga gagamitin nila pagtulog nila, unan, kumot at kutson unang pagkakataon na mararanasan nila na mahiga sa malambot na higaan.
"Bukas na tayo bibili ng semento at mga yero baka mag uulan ay mababasa tayo, kita na pala ang langit dito sa bubong ni Manang." Sabi niya sa kapatid matapos silang magsalo sa pagkain ng hapunan.
"Oo Ate, ang sarap pala pag malayo kina Tiyang no? Sana di nalang sila dumating sa bahay noon." Sabi nito.
Parehas naman sila na ayaw sana na manuloyan ang Tiyahin nila sa bahay na pundar ng mga magulang nila. Pero wala silang nagawa noon, nasa bag na bigay ni Aling Sela ang titulo ng lupa at bahay nila. Doon pala pinatago ng Nanay nila ang mga iyon, kaya ipinagpapasalamat niya iyon, dahil kung nasa kanya iyon ay tiyak niyang baka kinuha na ng Tiyahin niya iyon. O baka naisangla na ang titulo ng asawa nito pag walang pang tuma o pang sugal.
Kumain sila ng tanghalian sa mall at inabot ng gabi sa pamimili ng mga gamit. Napag usapan nila na ipapaayos nila ang bahay na iyon para kahit matagal nilang tirahan ay di iyon masisira at mabubulok. Balak niyang gawing dalawa ang silid para kanya kanya sila, dalawang double na kutson ang binili nila at malalambot iyon. Bumili din sila ng rice cooker at electric fan para panglaban sa lamok, di kasi masyadong malinis ang likod ng bahay may mga tubig doon kaya baka binahayan na ng lamok.