RYE 1
Pagod na pagod siya sa pagbebenta ng isda sa palengke, yun ang kanyang naging hanapbuhay simula nung naulila silang magkapatid sa mga magulang. Sinakop na ng kapatid ng Nanay nila ang kanilang bahay na pundar ng kanyang mga magulang. Sa halip na maging katuwang nila sa paghahanapbuhay ay tila naging pasanin pa niya ang pamilya ng mga ito.
Sa kabila ng kahirapan sa buhay ay naging masaya ang pamilya ni Jana at Josh noong buhay pa ang mga magulang nila, pero sa isang iglap ay gumuho ang mundo nilang magkapatid nang malaman na lumubog ang bangka na ginagamit ng mga magulang nila sa paghahanapbuhay. Kasamang lumubog ang kanyang mga magulang at ang kanyang mga pangarap. Tanging si Josh nalang ang pinag aral, habang siya ay nahinto na pagkatapos ng second year high school.
Sugarol at batugan ang asawa nitong mangingisda lang, kaya naman ay kahit anong kayod nila ay useless lang, dahil sa dami ng pinapakain at binubuhay nila. Taon taon pa kung magbuntis ang kanyang tiyahin kaya ang ending ay di na niya nagawa pang makatuntong ng kolehiyo dahil wala daw mag aalaga sa kanyang mga pinsan. Sa tuwina ay wala naman silang magawa dahil sabunot at sampal ang aabutin niya pag umangal siya sa mga utos nito.
Nakakapagod din pala ang ganun, yung mga panahon na sobra sobra na ang kalupitan ng kanyang tiyahin. Di niya alam kung tatakas ba siya o mananatili nalang, para silang naging alila sa sarili nilang pamamahay at dahil bata pa sila nung maulila ay wala silang magawa para lumaban at ipaglaban ang kanilang karapatan bilang mga tunay na nagmamay ari ng bahay na iyon.
"Ate hanggang kailan ba tayo magtitiis sa ganito?" Tanong nito sa kanya pagkapasok niya ng bahay, mukhang namasyal na naman sa bayan ang mag anak.
Ayos lang sa kanila na hindi sila kasama, mas payapa ang buhay nila pag silang dalawa lang dahil wala silang mga pinsan na babantayan. Tiyak niya kasi na pag sinama sila ay taga bitbit lang naman ng mga pinamili ang kanilang papel sa mga ganung lakad, tapos taga karga ng mga nakababatang anak ng mga ito.
"Ewan ko Josh, napapagod na din ako sa ginagawa nila sa atin, ayoko ng ipaglaban pa ang karapatan natin sa bahay na ito. Sawang sawa na ako." Sabi niya dito, damang dama na din niya ang pagod at ang hirap na pinagdadaanan ng kapatid niya. Batid niyang ganun din kahirap ang pinag dadaanan ng kapatid sa kamay ng pamilya ng kanyang tiyahin.
"Sana makaalis na tayo dito Ate, ayoko na ng ganitong buhay." Sabi nito na tila lalong nagpaantak sa kanyang puso. Oo siya ang pinakamatanda sa kanilang dalawa pero wala man lang siyang magawa para maisalba ang sarili niya at ang kapatid niya.
"Sana Josh, ayoko na tumagal pa tayo dito." Sabi niya dito. Ginawa nila ang kanilang mga obligasyon sa bahay na iyon sa kabila ng kanilang pinagdadaanan ay may mga tao parin naman na handang tumulong sa kanila sa panahong lugmok na lugmok sila. Pag inuubosan sila ng pagkain ng mag anak ay patago silang tinatawag ni Aling Sela upang doon kumain ng hapunan o tanghalian.
May mga pagkakataon na nakakapuslit siya ng extrang pera upang may maipon siya kahit papaano. Gagamitin niya ang perang iyon sa sandaling handa na silang lumayo sa pamilya ng tiyahin niya, at hinding hindi na siya babalik pang muli sa buhay na meron sila ngayon.
Hapon na nang dumating ang mag anak, may dalang mga bagong damit at laruan ang mga pinsan nila. Tiningnan niya ang kapatid na ni minsan ay di man lang nakatikim ng ganung mga bagong gamit simula nung pumanaw ang kanilang mga magulang.
Napakunot ang kanyang noo nang maisip kung saan nanggaling ang pera ng mag anak, gayong siya ang tanging kumikita sa bahay na iyon. Mabilis niyang tinalunton ang silid nilang magkapatid kung saan naroon ang kanyang ipon.
Halos wasak na ang lagayan at nakakalat na din ang mga damit niya, tanda na pinakialaman ang laman niyon. Parang gusto niyang pumalahaw ng iyak nang mapansing wala na ang pera niya na ipon.
"Tyang yung pera na pinambili nyo nyan, pera doon sa lagayan ko ng damit diba?" Sita niya dito, punong puno na siya.
"Oo, bakit pera ko din naman yun a." Sabi nito na ngumonguya ng fried chicken.
"Grabe, kapal ng mukha nyo talaga!" Di na niya napigilang sabihin sa tindi ng kanyang sama ng loob ng mga sandaling iyon. Parang gusto niyang pumatay ng tao.
"Aba't" mabilis na tumayo ito at pinadapo ang sampal sa kanyang pisngi.
"Napakawalang hiya nyo Tiyang!" Sigaw niya, sanay na siya sa mga pasa na binibigay nito sa kanya.
"Ate tama na!" Umiiyak na awat ng kapatid niya.
"Hoy babae pasalamat ka at pinapatira pa kayo dito!" Sigaw nito sa kanila. Ang kapal ng mukha nito.
"Bahay ng mga magulang namin ang bahay na ito Tiyang, at kung may dapat mang lumayas dito, yun ay kayong mag anak!" Sigaw niya dito, punong puno na siya.
"Simula nang mamatay ang Ate Joan at ang Kuya Nongnong ay amin na ang bahay na ito. Wala pa kayong karapatan na mag may ari dahil menor de edad pa kayong dalawa!" Sigaw nito. Gusto niyang itama ang baluktot na paniniwala ng babae, pero magsasayang lang siya ng laway dahil likas na ata sa ampon ng kanyang lola ang pagiging bobo, makitid ang utak at tanga.
"May karma din kayo Tiyang!" Si Josh na nasampal din ng babae bago ito tumalikod sa kanila.
Parang gusto na niyang sakalin ang walang hiya nilang tiyahin, ubos na ang pasensya niya at naputol na ang pisi niya. Pagod na pagod na siya sa mga ganung gawain ng tiyahin niya. Ang dami dami na niyang tiniis na mga pagpapahirap nito sa kanilang magkapatid. Pero mahigpit ang pagkakapigil ni Josh sa kanyang mga braso, nasa punto na siya ng buhay niya na gusto na niyang manakit nalang.
"Pagod na pagod na ako sa buhay natin Josh, sawang sawa na ako sa kanila." Mahina niyang sabi habang umiiyak.
"Ganun din naman ako Ate." Sagot nito na inakay siya papunta sa kanilang silid.
"Maghanda ka Josh, kuhanin mo na ang card mo bukas at aalis na tayo dito. Lalayo na tayo dito." Bulong niya sa kapatid niya.
"Talaga Ate?" Bakas ang pananabik sa mukha ng kapatid niya nang mga sandaling iyon. Alam niyang iyon ang matagal nang inaasam asam ng kapatid niya, ilang taon na ang lumipas na lagi nilang pinagdadasal na sana ay makaalis na sila sa mala empyernong buhay na meron sila ngayon.
Mabuti at yung nung nakaraang buwan lang na ipon ang inilagay niya doon sa damitan niya, kung hindi ay tiyak niyang walang matitira sa kanilang dalawa ng kanyang kapatid. Pinatago niya kay Aling Sela ang pera niya, umalis lang nung nakaraan ang ginang kaya naman ay di na niya nagawa pang mailagay ang mga ibang pera niya.
Bagamat kinukuha ng tiyahin niya ang lahat ng sahod niya sa palengke ay naitatago at naitatabi naman niya ang mga pameryenda at pasobra na bigay ng mga supplier ng amo niya, di na iyon kinukuha at binibigay nalang sa kanya. Kaya malaki laki din ang kanyang naipon.
Gabing gabi na nang dumating ang asawa ng tiyahin nila, and as usual ay lango na naman sa alak ang lalaki. Ewan ba niya sa tiyahin niya kung paano nito natitiis na tumabi sa amoy alak na asawa nito. Mabaho at di man lang halos naliligo ang lalaki, minsan pa ay nananakit pa ito sa kanyang tiyahin. Pero sa halip na maawa silang magkapatid sa tiyahin nila ay sinasabi nalang nila sa kanilang mga sarili na dapat lang dito ang ganun, karma na iyon ng tiyahin nila sa pananakit at pang aapi nito sa kanilang magkapatid.
Alam naman nila ang dahilan nito kung bakit galit ito sa kanila. Inggit na inggit kasi ang tiyahin nila sa kanilang Nanay, kasi napaka swerte daw ng Nanay niya, sa napangasawa, sa hanapbuhay at sa iba pang aspeto. Maluho ang babae kahit na walang wala na ang mga ito, yung tipo na walang pambiling bigas pero may pang majhong at pang order sa mga gamit at pampaganda.
Gusto nito sunod sa uso ang mga anak, pero ayaw namang magbanat ng buto. Sa oras na umalis sila ay good luck nalang sa mga ito kung may maipapakain paba sa mga anak nito. Bagamat naawa siya sa mga anak nito ay natabunan na ang awa niya sa galit at poot na dulot ng mga paulit ulit na pananakit nito sa kanilang magkakapatid. Kaya ngayon palang ay handa na siyang tiisin ang awa dahil pag nagpadala na naman siya sa awa na meron siya ay silang magkapatid naman ang kawawa.
"Nasaan na ang pera na nahanap mo sa damitan ng pamangkin mo?" Bungad ng lasing na asawa ng tiyahin niya. Sumilip siya upang makita ang pananakit na maaring gawin ng asawa nito dito. Parang gusto nga niyang makisali sa pagbugbog minsan.
*A-anong pera? " Halata ang takot sa mukha ng ginang sa hitsura ng asawa nitong batugan.
"Wag mo na akong pahirapan pa sa kakatanong kung ayaw mo na malintikan sa akin!" Halos pasigaw na sabi ng lalaki.
"Bakit mo ba tinatanong yun?" Tila takot na takot na tanong ng kanyang tiyahin sa asawa nito. Halatang lasing at galit na ang lalaki, mga ilang sandali nalang ay mananapak na ito.
"Natalo ako sa sugal sa bayan, kailangan ko yun pambayad kay Tugro." Sabi ng lalaki sa asawa nitong tila bahag ang buntot. Samantalang pag silang magkapatid ang kaharap ay tila tigre na di palulupig.
"Wala na, naipamili na namin ng mga anak mo!" Tila nahindik na sagot ng tiyahin niya sa asawa. Alam na nila ang kasunod niyon, tadyak, sampal, suntok yun naman palagi ang inaabot nito sa tuwing mag aaway ang mag asawa.
"Gaga ka! Akina kung ayaw mo na ibenta ko ang pamangkin mo, limang libo ang utang ko kay tugro papatayin ako nun pag di ako magbayad!" Sabi nito na nanlilisik na ang mga mata.
"Wala na nga kasi-" sagot ng tiyahin niya.
Nagulat nalang silang magkapatid nang pabalyang buksan ng asawa ng tiyahin ang pinto ng kanilang silid. At pahablot siyang itinayo.
"Tayo diyan!" Nanlilisik ang mga mata na sabi nito.
"Bitawan mo ako Tiyong! Nasasaktan ako!" Sigaw niya dito. Malalayo ang kanilang kapitbahay at takot ang mga tao sa lugar nila sa asawa ng tiyahin nila, kilala itong galing bilibid sa kasong pagpatay. Sa di malamang dahilan ay nakalaya ito. Kaya malabong may tumulong sa kanya ang mga ito.
"Tumayo ka at ipambabayad kita kay Tugro!" Sabi nito na tila wala lang ang kanyang lakas kumpara sa lakas nito.
"Tiyang!" Sigaw niya pero parang basang sisiw lang ang tiyahin niya na tinitigan lang siya habang kinakaladkad ng asawa nito.
"Noy wag naman, bitawan mo si Jana pag usapan natin to!" Awat ng tiyahin niya sa asawa nito.
Pakiramdam niya ay nakakita siya ng anghel sa narinig sa kanyang tiyahin, pero sa halip na bitawan siya ng lalaki ay pasalya siya nitong isinakay sa tricycle na nakaparada sa di kalayuan sa bahay nila.
"Tumigil ka! Anong gusto mo? Patayin ako ng mga tao ni Tugro? Punyeta!" Sabi nito.
"Noy!"
"Paandarin mo na!" Malakas na sabi nito sa takot na takot na drayber.
"Tiyong maawa na po kayo!" Pakiusap niya dito.
"Gaga, bakit ako maawa sayo, pag naawa ako sayo, ako ang papatayin ni Tugro kaya manahimik ka diyan kung ayaw mong makatikim ng sampal." Sabi nito, nagpalinga linga siya ng mga sandaling iyon. Bakasakaling makakita siya ng pagkakataon na makatakas mula sa kamay ng lalaki. Ngunit wala man lang halos katao tao sa paligid niyon, dahil nasa probinsya ay alam niyang karamihan sa mga tao ay tulog na.
Habang daan ay dinadasal nalang niya na sana ay mabangga nalang ang kanilang sinasakyan na sasakyan para di mAgtagumpay ang asawa ng tiyahin nila na maibenta siya. Alam niya kung ano ang naghihintay na kapalaran sa kanya sa oras na makarating sila doon. Alam niyang sa kabila ng edad niyang disisyete ay mahubog na ang kanyang katawan. Naitatago lang sa pagsusuot niya ng maluluwang na mga blusa at palda.